Epilogue

2.8K 64 34
                                    

|Dyena|

"Please talk to me..." umiyak siya

Tangina para ako nasa isang istorya na pinaglalaruan ng manunulat. Talaga ba? Yung inakala mong patay na at tahimik na nakalibing ay yung taong nasa harapan mo ngayon mismo? Ano ba tong buhay ko? Hindi ko na kasi maintindihan. Ang hirap hirap na ngang huminga ng maayos bawat araw, dadagdagan pa ng kasinungalingan na ito. Nakakasuffocate!

Ang gago naman kasi ng mundo sakin. Pinaglalaruan ako. Wala ng respeto sakin. Parang di ako tao na may nararamdaman din. Robot ba ko dito? Ano ba ko dito?

"My heart hurts so good..."

Sinubukan niya ako ulit hawakan pero agad ko siyang nasampal. "W-Wag mo kong hawakan!!!" agarang sigaw ko

Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagkamuhi sa buong buhay ko. Hindi na kasi to pangbiruan na pwede mo naman bawiin at ayusin. Nakasakit ka na. May nasaktan ka na sa loob ng ilang taon. Hindi naman pwede na kung kailan ka lang magpapakita ay okay na. Na aakalain mo open arms kang tatanggapin kasi mahal ka nyan. Iniyakan ka nyan. Nangulila yan sayo. Hindi ganon. Masakit.

"Bat ka pa bumalik! BAKIT PAAAA!"

Kasi mas mahirap to. Ginawa nya kong tanga! Ginawa nila akong tanga!

"Dyena..." nalipat ang tingin ko sa tumawag sakin. Nandoon sila mommy.

Akala ko tapat sila sa akin. Ginago din nila ako.

"Alam nyo kung gaano ako nagpakabaliw noong nalaman kong patay na siya ma. Halos masira ang buhay ko tapos... ANO TO? BAT NANDITO YAN? BAT NYO KO NILOKO!!! BAKIT BAKIT BAKIT!"

Di ko na marinig ang boses ko ng maayos. Lahat nalang ng nahawakan ko nabato ko na. Na miski ang takot sa mata nila ay hindi ko na pinansin. Nagwala nalang ako. Wala na ko sa katinuan para makinig sa mga paliwanag nila. Sa mga pananakit nila sakin.

Gusto ko ng katahimikan. Gusto ko ng kumawala sa sakit na hatid ng bastos na mundong ito. Gusto ko makaranas ng isang simpleng pamumuhay kung saan wala akong iniisip na ikakasakit ko lang.

I'm really tired.

|Parker|

"Parker..." nagulat ako ng makita ko si Dyena sa labas ng gate, alas dos pasado na ng madaling araw. Mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto at niyakap.

She cried. Halata. Mugto ang mata niya.

At ang sakit. Knowing na alam ko ang dahilan ay natatakot na ako. Natatakot ako na baka siya ang piliin niya. Na hindi ako. Na tatalikuran niya din ako one day.

"Anong oras na Dyena" dinaluhan ko siya papasok sa bahay. Binuhay ko ang mga ilaw para magkakitaan kami ng maayos.

"Can you do me a favor?"

"A-Ano?"

"Let's runaway"

It's been three months has passed. Napadpad kami ni Dyena sa isang nayon kung saan malayo sa makabagong kabihasnan. Walang ni isang nakakaalam kung nasaan kami. Miski ang magulang ko wala silang alam matapos kong magpaalam na mawawala kami ni Dyena. I came with her here. Mas gusto ko siya samahan kesa magmukmok sa sulok at mag isip ng kung anu-ano.

"Wala pa kayong anak?"

Agad akong umiling sa tanong na isa sa mga naging malapit sa amin ni Dyena rito sa nayon. "Kasal ho muna"

"Uso pa ba iyon? Sapagkat nasa bagong henerasyon na ang mga tagalungsod. Mapupusok na ang mga tao... roon... maganda ba ang kwento ng relasyon nyo?"

Agad nawala ang ngiti sa labi ko.

This is not our story. This is not my love story.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon