Survival Game•

2K 37 28
                                    

|Dyena|

"Nagkakagulo sa city!"

Maaga pa para gumising ako. Pero no choice, kailangan kong gumising dahil sa tarantang si Zoe. Bumangon ako at dumungaw sa bintana ng unit na kinaroroonan namin.

"What happened?" Tanong ko nang hindi pa rin inaalis ang paningin ko sa ibaba. Why they are running?

"May bomba daw na nakatanim at hindi alam kung nasaan yon. It might destroy the one fourt part of city."

Fuck!

Sino naman ang gagawa nun ng ganung kabaliwan? Tangina.

"Then what are we still doing here?"

"Wala pa si tita Akemi!"

Biglang bumukas ang pintuan at speaking of Akemi, she entered. Nanlaki ang kumukutitap at maganda kong mata dahil sa lagay niya. Agad ko siyang sinalo at inalalayan. Si Zoe naman ay agad kinuha ang first aid kit at binigay sa akin. Naririnig ko pa ang mahihina niyang mura at ramdam ko rin na kabado siya. Tinulungan niya akong ihiga si Akemi sa kama.

"Anong nangyari?"

"I tried to find the bomb."

"Did you found the bomb?" Umiling siya

"But I found out who's holding the controller. He's at central part of city, playing cards. We have two hours before the explosion of, Dyena, find him and let Zoe take care of me. Please. Maraming mamatay kapag hindi mo siya napigilan . I trust you."

Kinabahan ako bigla. At the same time ay natuwa dahil pinagkatiwalaan niya ako sa ganitong sitwasyon. Nakakaoverwhelming.

"Okay then. Just promise me, you'll be okay."

Sa lagay niya ngayon, natatakot ako na baka maubusan siya ng dugo. She got enjured. Kung pwede lang siyang dalhin sa Hospital, ginawa ko na. Kaso delikado. She said before na may galing sa Black Organization na Doctor na naglilibot sa iba't ibang Hospital at baka magkatyempohan pa.

Pumunta ako sa ilalim ng kama ko at kinuha ang gun set doon kasama ang ilang knife. Nilagay ko ang mga kutsilyo sa pocket knife na nakaipit sa hita ko. Inayos ko saglit ang palda ko bago ilagay sa lower part ng chest ko ang isang maliit ng smoke bang. Ito na yata yung maliit na smoke bang na nahawakan ko sa tanang buhay ko. Galing to kay Eros na binigay niya kagabi at hindi ko manlang siya naabutan na umalis kanina. Sana okay lang siya.

Inassemble ko ang baril bago nagpaalam sa kanilang aalis na ako. Dumeretso ako sa sasakyan ni Akemi at sumakay doon para makabyahe na. I restart the car and also the GPS. Ilang kilometers pa para makarating sa central city.

Habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid. Hindi ko maimagine na baka sa anong sandali ay sumabog ang kinalalagyan ko. Natatakot ako na baka nandito lang ang bomba. How I wish na sana ay wala dito dahil malapit lang ang kinalalagyan nila Akemi dito.

Kagabi, halos hindi ako makatulog kakaisip. After kong mawalan ng malay, hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa unit ni Akemi. Eros said na nakita niya akong natutulog sa loob ng kotse kaya he decided na buhatin nalang ako pabalik ng unit dahil inisip niyang baka pagod na ako kaya di na niya ako ginising. Nagtaka ako, kasi bago ako tuluyan mawalan ng malay, may mga pictures pa akong nakita. Tinanong ko kay Eros kung may nakita siya pero wala daw. Nasaan na kaya yon? O baka guni guni ko lang yon? And about him, sobra ang takot ko kagabi sa kanya. Nagpakita na naman siya sa akin.

Huminto muna ako sa tabi ng may makita akong pamilya ng pulubi ang nakapwesto sa tabing kalsada. Ang papayat nila at ang dudumi. Tapos may baby pa na iyak ng iyak. Nakakaawa.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon