Critical

1.9K 50 2
                                    

|Zoe|

"Anong nangyari?!" Habol hiningang tanong ni Eythan pagkarating nila. Kasunod niya sila Warren na kinakabahan din.

Umiling ako dahil hindi pa rin lumalabas ang doctor. Ma dadalawang oras na sila sa loob pero kahit isa, walang lumabas.

Si daddy nasa sulok at nakahilamos ng mukha habang puno ng dugo ang damit nila ni tito Alexis at tito Ervin. Si tito Ervin di mapakali, habang si tito Alexis mukhang may iniisip. Sila tita, halatang balisa dahil sa nangyari.

"F-ck! Tito?!" Sumigaw bigla si Eythan

"Eythan, calm down!"

"How can I calm down on this like situation, Alliah?" Eythan hissed. He's out of his mind. "Tito?" Lumapit siya kala papa.

"They ambushed your dad." Si tito Alexis ang sumagot. Kahit kakabenda lang ng pilay niya, dito agad siya dumeretso just to make sure na alam niya ang situation ni tito.

Napasuntok si Eythan sa pader dahil sa galit. Kahit ako, magagalit. He still concerned kay tito kahit paminsan nababaliwala na siya nito. Si tito, nakakulong pa rin sa nakaraan. Hindi siya makawala sa alaala ni tita Alys.

Sino naman kaya gagawa nito kay tito? Alam namin na marami talagang gusto magpabagsak kay tito, pero kahit ebidensyang kung sino may gawa, wala akong nakuha sa crime scene. Yung mga sinubukan kung tanungin, they chose to die rather than to tell the answer. For sure, wala na silang pamilyang uuwian kaya mas pinili nila mamatay.

Maya maya bumukas ang pinto kaya napalapit ang ilan sa nurse na lumabas mostly si Eythan na hindi na talaga mapakali kanina pa. Puro mura na rin siya pagkadating niya."kumusta lagay ni papa?"

"Kritikal pa rin ang lagay niya at kinulang siya sa dugo ngayon dahil na rin sa dami ng dugong bumulwak sa mga natamaan ng bala sa katawan niya"

"F-ck! Magdodonate ako!"

"Type A ang dugo ni sir. Tara, ipatest natin ang dugo mo bago kumuha-"

"Eythan, type B ka di ba?" singit bigla ni Amethys

"T-ngina!"

Tila natauhan si Eythan ng marealize ang sinabi ni Amethys. Oo nga pala, minsan na kaming nagpatest ng dugo at B ang kay Eythan.

"Sino type A dito?" tanong ng nurse sa amin at mukhang naghahabol na rin siya sa oras

"Type O ako"

"Even me"

"AB?" suggest ko

"Mapili ang katawan ng pasyente, so meron ba o wala? Nag aagaw buhay ang pasyente sa loob"

Di ko mapigilan ang maluha dahil sa sinabi ng nurse. Nag aalala na ako. Paano kung mamatay si tito? D-mn it!

"W-Walang may type A dito" sabi ni tito Alexis

Umalis na yung nurse.

"P-Paano to?" Tanong ko "Wala sa atin-"

"I think so kung sino," putol ni Amethys "Eythan? We have no choices. I think they're the same blood type"

Ha? Sino naman tinutukoy nito? At the way Eythan looks to Amethys, parang may something doubts sa face niya. Usual kasi sanay kami sa mukha ni Eythan na finalized lahat ng bagay. He never been looked like a doubt man.

Eythan took a deep breath and nodded his head, "Okay, fine"

|Dyena|

"Eythan got level 90! Nalamangan niya si Eros! What a monster!"

Kanina pa tong si Kristina e. Paulit ulit niyang sinasabi na nanalo si Eythan. Nakita ko naman. At napahanga niya talaga ako. He's strong. Walang doubt kung bakit isa siya sa mga royals.

"Pero walkout silang lahat ng grupo niya no? Parang may nangyari. Ano kaya?"

As if alam ko.

Yung mukha ni Eythan kanina, parang takot na hindi malaman. Bigla nalang kasi siya tumakbo after niyang damputin yung phone niyang tumilapon sa malayo. Di sana siya mapapangahan kung di niya pinansin yung tawag sa phone niya. Ayan tuloy, sabog panga niya. Medyo malakas din yung suntok sa kanya ha.

Bumalik na kami sa kanya kanya namin unit room.

Napagod din ako. Di ko alam kung satisfied ang lahat sa ginawa ko baka first time lucky luck lang tingin nila sa nangyari. Mahina pa talaga ako. At hindi ko pa pwedeng bawiin sila lolo sa Commission. I'm still weak. A useless girl.

Pahiga na ako sa kama ng may malalakas na kalabog ang narinig ko sa pinto. Napataas ang kilay ko sa hinayupak na kumakalabog non. Padabog akong lumapit at binuksan.

Bumulaga sa akin si Eythan. Bigla niya kong hinigit at mabilis na hinila pababa.

"Oy ano ba! Nasasaktan ako!"

"F-ck! I'm f-cking need your bullsh-t blood!"

Bampira ba siya o somewhat creature? Kailangan niya daw dugo ko e? Bakit naman?

Pabalya kong binawi ang braso ko dahil pinagtitinginanan na kami ng mga istudyante. "Di ako sasama hanggang di ko alam-"

"F-ck! Ano blood type mo?"

"Bakit-"

"Blood type."

Ngayon ko lang napansin. May dugo pala ang kamao niya. Namumula rin ang mata niya at habol ang paghinga niya. May nangyari ba talagang hindi maganda?

"Type A" sagot ko

Huminga siya ng malalim at tila may pinakalma sa sarili niya. Ilan segundo bago niya muli minulat ang mata niya. "C-Can you donate a blood?" His voice was pale. Parang hirap siya sa mga sinasabi niya. His strong and fearless aura went hopeless right this moment. Parang walang pag asa. Walang kasiguraduhan.

Kahit di ko maintindihan, tumango ako. I don't know kung sino ang pagdodonate-an ko pero pakiramdam ko kailangan ko tong gawin. May tumutulak sa loob ko sa hindi ko maintindihan na dahilan.

"Let's go"
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon