Peace

1K 30 5
                                    

Mula sa isang matayog at marangyang gusali ay isa isang nagsidatingan ang mga panauhin papasok sa gusali. Suot ang kanilang magara at magarbong kasuotan, ay sinalubong ito ng ibang tripulante upang ihatid sa nakatalagang lamesa

Mula sa loob, naroon ang karamihan na parte ng underworld habang may kanya kanyang negosyo patungkol sa kanilang karangyaraan. Imbitado ang mga taong kayang makipagsabayan sa laro ng mundo.

Mga taong pera at kapangyarihan lamang ang kinikilalang makapangyarihan at may likha ng lahat ng kanilang natatamasa ngayon.

Mula sa isang parte ng gusali, nakatingin lamang siya sa mga katulad niyang bisita habang may maliit na ngisi sa mga labi nito. Ngising hindi makapaniwala kung bakit naroon siya. Isang ngising hilaw para sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

What will next happen?

Isang katanungan ang iniwan niya bago lisanin ang lugar.

Mula sa labas ay napagpasyahan ma nilang pumasok sa lugar kung saan pagdadarausan ang isang kaganapan. Suot ang kanilang black attires, ay tinungo nila ang table na bakante.

"Why are we here, Gin?"

"It's looks exciting."

"Tapos na tayo sa Meir, napatay na si Haivara. So why we are wasting our time here?"

"May transaction ba tayo dito?"

Mula sa mataas na balkonahe ay nakatanaw ang babae na suot ay puting gown habang sinisimsim ang malamig na alak sa kanyang kopita. Hindi mawala sa paningin nito ang itsura ng mga bagong dating. May mga bagay na tumatakbo sa isipan nito na gusto na niyang isakatuparan.

"Blacks. Blacks. Huh. Avenge for Akai." she whispered.

Nilisan na nito ang pwesto at bumalik sa grupo niya.

|Alys|

I took a deep breath. I'm not mad at her. Anak ko siya. Mahalaga siya sa akin. Kapakanan ko lang ang iniisip niya kaya siya nagkakaganon. Bakit ko mamasamain? Bakit ako masasaktan? Kung ako lang naman ang gusto niyang ingatan?

"Tita Alys"

"Oh Zoe" ngumiti ako sa kanya

"Bakit po kayo nasa labas? Malamig po dito tita" maya maya ay inabutan niya ako ng jacket na tinanggap ko naman

"Iniisip lang ng anak ko ang kapakanan ko di ba?"

"Of course tita! Syempre ngayon niya lang kayo nakasama after so many years!"

I see. Hindi dapat ako maging pabigat sa kanya. Ayokong mahirapan siya tulad ng daddy niya.

Ezekiel, bumangon ka na.

Meow~

"I'll go inside muna tita, puntahan ko lang si daddy ha? Safe naman dito sa Gloucester e"

Yeah. At matatawag kong tahanan ang Gloucester. Kasama ko ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi na dapat ako mangamba.

Hawak ko ang phone ko ng magvibrate ito.

From: Unknown number

Stay alive. Soon, we'll face each other again.

Natawa ako ng mahina sa nabasa ko. Bakit ba hindi ako maubusan ng kaaway. Gusto ko na ng tahimik na buhay kasama ang pamilya ko.

Meow~

"Rydis?" Nakita ko ang pulang pusa. Si Rydis ba to? Pero bakit parang di tumanda? Kung sa tao, siguro age 17 to. Binuhat ko yung pusa at may cat tag to. Riri. "Anak ka ni Rydis. I see."

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon