Box

1.5K 42 1
                                    

|Dyena|

"Emergency, sir."

Matapos ang pag uusap nila tito Ashton at Ms Vineyard ay pumunta kami dito sa mall para magrelax.

It's been months ng huli daw pumuta si tito sa malls. Masyado kasi siyang nagfocus sa underworld kaya di na niya naasikaso ang pagliliwaliw kahit na sa sandaling oras lang naman.

Napaisip ako. Magiging ganun kaya kahassle ang oras ko kapag nasa ganun kaantas na ako ni tito? Si papa kasi, kahit mataas na ang antas niya, nakikita ko pa rin na may oras siya sa sarili niya. Nakita ko pa nga siya dati sa mall di ba. Kasama niya sila Zoe. Ayokong magaya kay tito. Tulad nalang ngayon, emergency na naman. Hay nako! Di ko naman sinasabi na unahin niya ang paglabas-labas niya pero syempre, relax-relax din diba? Tsaka di naman tatakbo ang Mafia. Well, di nga tatakbo, papataubin naman ang Meir Mafia lalo na pag ganitong kaimportante na.

"Bakit?"

"Hinaharang ang transaction natin mula sa dealer."

Tinignan ako ni tito pagkatapos sabihin yon ng tauhan niya. Naiintindihan ko naman.

"Ipapahatid na kita-"

"Nah, dito muna ako 'to. Papahangin." ngumiti ako

"Are you sure? Anong oras na e?"

Tumango ako as assurance na pursigido akong magstay talaga dito. "Allright. I insisted to be have a dinner with you pero ako 'tong mawawala. Maybe next time?" Tumango ako. Nginitian niya ako at hinalikan ako sa noo bago umalis.

However, masaya din naman na mag isa. Magagawa kong mag ikot-ikot. Kakaiba din 'tong mall na pinagdalhan sa akin ni tito ah. Hindi masakit sa mata ang mga taong nakikita ko. Too much classy ang nandito.

Kumain muna ako bago tuluyan magliwaliw sa loob ng mall. Hindi nakakaligaw ang mall na 'to infairness ha!

"I'm sorry!"

"O-Okay lang" tinulungan ko siyang damputin yung mga gamit n'yang nabitawan. Siya yung nakabangga, siya yung naout of balance. Nice, tibay ng katawan ko? 😂

"Pasensya na ulit. Naabala pa kita. Di kasi ako nakatingin."

"Better focus on way. Baka kasi sa susunod hindi na ako ang mabangga mo."

Ang ganda naman ng batang 'to. Hanggang leeg ko lang siya. At mukhang may lahi siya? Koryana ata 'to? O Hapon? Ah whatever!

"Mauna na po ako ate."

Nagbowed siya at umalis. Maglalakad na din sana ako ng mapagtantong may box siyang nahulog. Dinampot ko yon at tinanaw- wait! Where is she? Ang bilis niyang nawala! Ganun ba siya talaga nagmamadali?

Nang tignan ko yung box, nakasealed. Uh. Too much important? Iwan ko nalang kaya sa information desk 'to ng mall? Pero... paano kung magkita kami ulit sa other places? Gahd! Ako na nga magtatago.

**

"Namakyaw?" Salubong agad sa akin ni Amethys matapos ko siyang kaabutan sa living room.

"Mukhang parehas tayo ng taste sa clothes, you want to get some? Marami 'yan" pumunta ako ng kusina at kumuha ng tubig tsaka bumalik sa living room.

"Thank, but no. Sayo yan."

Okay. Di ko ipipilit. Besides, kaya ko nga pinili kasi bet ko. Nang alok lang ako para di magmukhang madamot. Rt.

Narinig ko ang pusa. Pagtingin ko sa sulok ay nakita ko si Ruru na nakatingin sa akin. Kung tao lang 'to, poker face ang expression niya. Itong pusang 'to! Parang kahit kailan hindi natuwa sa pinaggagawa ko sa buhay ko. Ay nako!

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon