Sorry

2K 37 38
                                    

|Dyena|

"Look for what he'd done!" Nakatingin kami nila Zoe sa ibaba ng bundok habang nakatanaw sa nasirang bahagi ng syudad.

Ngayon, pangatlong araw simula ng pagsabog at ito pa rin ang sitwasyon sa city. Hindi masabing parte pa ng syudad. Halos hindi makilala ang parteng yon lalo na ang isang bahagi ng central city kung saan ako nag park non.

Tatlong araw. Tatlong araw simula ng hindi umimik si Akemi. Naiinis tuloy ako sa kanya. Gusto ko kasi siya kausapin about don kay Rum. Pero hindi naman niya kami kinakausap.

"San na tayo ulit? Sa kotse ulit?" Zoe's rolled her eyeballs "sakit sa likod oy"

Kasama ang unit ni Akemi sa pagsabog. Thankful ako dahil minuto bago sumabog ang bomba, ay nakalayo na sila. Zoe said na may nag alarma sa kanilang babae kung nasaan ang bomba kaya dali dali silang umalis ay lumayo.

"Maybe sa apartment ko muna," suhistyon ko at bumalik na sa sasakyan. "San yon?" Hindi ko siya sinagot at pinaandar na ang makina ng kotse.

Bumyahe kami pabalik sa apartment. Hindi yun malayo sa bundok kaya matapos ang isang oras ay nakarating na kami.

Medyo ilang pa si Zoe sa new environment na papasukin niya pero no choice siya. She needs to be with us para sa kaligtasan niya. Pumasok kami sa loob at halos magulat ako ng may nakaupong lalaki sa kama ko. Pinangliitan ko siya ng mata dahil sa pustura niya. Mukhang hindi naman siya masama.

"What the?! Dylan," lumapit si Zoe dito at nakipag apir. Okay, so he is Dylan. Siya na siguro yung tinutukoy nila sa akin.

Ngumiti si Dylan sa akin, "How are you, Dyena?" Tila'y sa pananalita niya ay matagal na niya akong kilala.

"Bakit ngayon ka lang?" As far as I remember, dapat nung umalis si Eros ay nasa tabi ko na siya ah? Well hindi naman pala require ang makasama ko siya agad. And speaking of kasama, bigla nalang naglaho si Howw sa tabi ko nung mailabas niya ako sa casino. Bwisit na lalaki yon. Hindi manlang nagpaalam. Nambabae siguro!

"May inasikaso lang ako."

Tumango ako bilang sagot. Napagpasyahan kong umalis muna para bumili ng makakain. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may makasalubong ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ko at parang gusto ko nalang umiba ng daan.

But I need to face him even I can't. Magmumukha akong bitter.

**

"It's been a long time"

Hindi ako umumik. Tahimik lang ako habang nakatanaw sa langit. Namiss ko ang pakiramdam na to. Yung kasama mo yung taong minsan mo ng minahal ng lubos. How I wish I can take him back.

"Kumusta ka na?"

Parang gusto kong maiyak na naman. Kumusta? Kung sa kanya manggagaling ang tanong, hindi. Hindi ako okay. Nasasaktan pa rin ako dahil sa paghihiwalay namin ng walang reasons.

"Are you still mad?"

"What if I am?" balik kong tanong. Bakit, may mababago ba? Babalik ba siya sa akin? "Pero hindi ko magawa. Siguro dahil mahal kita? Ganun naman e, kahit gaano mo pa gustong magalit sa taong minahal mo ng sobra, hindi mo magawa. Kasi nangingibabaw yung pagmamahal mo."

Masyado akong nagiging madrama. Damnit! Hindi ko maiwasan na itago nalang tong nararamdaman ko kasi alam ko sa sarili ko na walang mababago. Na hindi na siya babalik sa akin. D-mn. Bakit ba nawawala sa akin yung mga taong minamahal ko? Akala ko, siya, hindi niya kakayanin na mawala ako. Pero nagkamali ako, ako pala ang hindi makakakaya. Hindi ko pala kakayanin ang lahat. D-mn.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon