The Eye Loyalty

1.9K 57 0
                                    

|Alys|

Mula sa loob ng selda, rinig ko ang bawat yabag ng sapatos. Sapatos ng lalaki.

Nanatili lang akong tahimik habang inaantay ang pagdating ng kung sino man yon na lalaki. Siguradong dito ang destinasyon niya dahil nag iisa lang tong selda sa gawi ng kinalalagyan ko at ni papa. Most of the time, morning, lunch and dinner lang na may pumupunta dito pero ngayon, maghahapon palang meron na.

Nasa harap ngayon ang isang taong nakahood. Nagsiyuko yung mga bantay sa lalaki. Napataas pa ang kilay ko dahil sa presensya. Familiar.

"Nalaman kong gising ka na, how is your feeling now?" walang pagbabago. Boses at boses pa rin niya. Nakalaloko talaga ang kapalaran. Pinaglalaruan ako.

"I'm fine. Buti nalang dumalaw ka, namiss mo ba ako? Yung demonyong ako?" I grinned at him.

He just shrugged his shoulder and smiled genuine. Dekada na ang dumaan pero kaunti lang ang nagbago sa itsura niya.

"You're still the same although lahat nawala sayo dahil sa kapabayaan mo,"

Yes, aminado naman ako sa sinabi niya. Pero bakit nakakapikon na nakakairita? Ang sarap burahin ng mukha niya sa harapan ko ngayon.

|Flashback|

Hawak ko ang kwentas na ibinigay sa akin ni Neyo weeks ago. Hanggang ngayon kumikintab pa rin sa ganda to.

May kumatok sa pinto kaya umayos ako ng upo sa swivel at humawak ng katana. Hindi dahil naghahanda ako, kundi para bigyan nila ako lalo ng respeto kung makikita nila kung paano ako maglaro sa loob ng opisina ko.

"come,"

Someone opened door and I get her entered before I threw the Katana to her direction. She immediately deflected the Katana to other direction para hindi siya matamaan. I smiled at her, "Nice trainor,"

"Thank you. Here's the evidence Ms Alys."

Inabot niya sa akin ang isang envelope. "Nakabalik na rin ng bansa si TOP Monasterva."

**

"TOP" tawag ko sa pangalan niya na agad naman niyang inilingon sa gawi ko. Ngumiti ito sa akin at hinintay akong makalapit sa kanya. Sabay kaming naglakad papasok ng cafeteria.

"Tagal natin 'di nagkita." panimula ko ng usapan

"Kinailangan ako ni daddy." He replied

Natahimik na naman ako. Daddy. Daddy. Ang hirap naman ng ganito! Yung may nagpapaalala sayo ng mga bagay-bagay. Hay.

"Tulungan mo ako." sabi ko

"Saan?"

"Ubusin ang Black Organization."

Nahinto siya sa paglalakad gayun din ako. "Are you sure?"

"Very sure."

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti.

Tsk. Sino ka ba talaga? Bakit magkasama kayo ni Neyo sa mga pictures? Kahit nung isang araw, magkasama kayo! Ano ba tinatago mo, TOP?

|End of Flashback|

Ngitian ko siya. Di ko maiwasan. Sobrang bilis na pala ng panahon. Di ko manlang namalayan ang pagbabago ng mundo. Ano na kayang itsura ng labas ng seldang to? Ng lugar na ito?

"Neyo," I called his name. He looked at me, seriously. "How's Haivara?" Naalala ko, humingi pala siya ng tulong sa akin. Sinabi kong puprotektahan ko siya pero hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung ano na rin lagay niya.

Si Haivara, alam kong kilala niya si Neyo. May together picture silang dalawa. And they're both from Black Organization. Kung hindi ko pa nakita ang picture nilang dalawa habang kasama si Ruthus sa background na pinatay ko dati sa isang hotel unit, hindi ko pa malalaman.

"Black Organization. Already eliminated. Simula ng pamunuan ni Miyu ang Underground World, inumpisahan tugisin ang bawat kamyembro ko by the money of Commission. Sa lahat ng mapapatay ng myembro ay may patong sa ulo. Si TOP ang nagbayad. That time, si Haivara hinuli ng tatlo sa apat na pinuno ng Black Organization. Nailigtas si Haivara by the money of Commission with Miyu."

Ah mabuti nalang at tinupad ni TOP ang tulong na gusto ko mula sa kanya. Hindi niya nakalimutan ang lahat.

"And you? Bakit?"

"He's my eye, my daughter" biglang nagsalita si dad

Pinagtinginan ko silang dalawa. Napatingin din ako sa sundalong nasa magkabilaang rilis lamang ng selda.

"Dad?"

"Don't worry abour the soldiers. Loyalty ang kailangan ng Commission"

Napatango ako sa sinabi niya. Naintindihan ko kaagad. What a soldiers.

"Hindi sila magsasalita sa mga naririnig nila kahit anong mangyari. Loyalty. Kahit nasa bingit na ng kamatayan dadalhin nila sa hukay ang mga narinig at nakita nilang usapan mula sa binabantayan nila."

Having a loyal soldiers is enough for me. I salute them.

"So you are here to help us?" Paninigurado ko

"Lumaking maganda si Dyena," pagkasabi niya non, napangiti ako bigla. Parang hindi kasi ako sanay na isipin na may anak na talaga ako at lumaking maganda. Nacomatose ako na alam kong dalaga ako, at gumising ako na may anak na. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat.

Parang natulog lang ako.

Bigla rin akong naluha. Nalulungkot ako. Na masaya. Nalulungkot ako dahil hindi ko talaga siya nasubaybayan. Na napalaki. Ni hindi ko manlang siya natawag na anak. Na Dyena. Kahit sinong bata, hahanap hanapin ang aruga at kalinga ng isang ina. Sana, dumating na yung panahon na magkita na kami.

"Thankyou for guiding her" I whispered

"Hindi ako,"

"Huh?"

"Soon, malalaman mo. As of now, just chill and relax."

"Are you serious? Nasa panganib ang anak ko-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tutukan ako ng baril ni Neyo na ikinagulat ko.

"Don't kill him or else I'll bring you also to hell," sabi ni dad kaya lalo akong naguluhan.

Tumingin ako sa paligid kong may nagmamanman ba kaya sila biglang umacting pero wala akong nakita. Kahit anino wala.

Maya maya'y binaba na niya ang baril at nagbow sa akin "Sorry for my acts. Someone came and check us." Huh? Baliw to. Wala naman akong nakita. Sabog ba to? May third eye? Ays!

"Like I said, just chill. And Dyena, will save the two of you. Not by her actions or revenge, just by her words. Her words only. I have to go,"

Patalikod na siya ng pigilan ko. Sapat ng alam kong maayos ang anak ko. Pero ang ama, gusto kong malaman kung okay lang siya. Kailangan ko lang to itanong.

"How about E-Ezekiel?"

Dumaan sa labi niya ang ngiti. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko "He still yours. Di naman nagbago. But right this moment, he's suffering from your gone." A sweet bitter smile plastered on my lips. Kahit siya, alam niyang patay na ako. The people who around me from past, they know that I'm already dead. What a sad story for me.

"Take care of them while I'm here"

"Areglado."
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon