Conquer

1.1K 30 0
                                    

Veryyyyshoooort Ud.

|Dyena|

(Aaaah! Gusto kitang sundan dyan!)

Gusto kong matawa sa boses ni Howw. Para kasing hindi siya mabubuhay ng wala ako. Ramdam ko ang pangungulila sa boses niya.

Tinignan ko si mama na natatawa-tawa habang kumakain ng noodles. Nakaloudspeak kasi ang phone ko at rinig ni mama ang usapan namin dalawa. Di ko alam kung mahihiya ba ako kay mama o makikitawa din e. Ang sarap hilahin ni Howw sa screen ng cell phone ko. Lalo ko lang talaga siya namimiss.

(Aist! I wanna shoot their heads!) Matapos niyang sabihin yon ay narinig ko ang mga boses nila Jake na nagtawanan ng malakas. Mukhang nagpupustahan na naman sila. (HELLO DYENAAAA) Si Jake yon! (DYENA KAILAN KA BABALIK? ANG PANGET NI HOWW EH!) Eh. Ano naman connect ng pagbalik ko sa itsura ni Howw? (DI MAPINTA PAG WALA KA!—shut up Zia! —Hahahaha sorry na Howw! Smile naman dyan oh!)

Inabot ko kay mama ang pancake na gawa ko. "Ah Howw! I really missed you!"

(Shit. Dyena! Why are you so sweet! Damn!) Sinundan iyon ng tawanan sa kabilang linya, pinagtatawanan nila ang boyfriend ko kaya nikitawa na din ako. Pero mas natawa ako ng makarinig ako ng pagkasa ng baril at pagtahimik sa kabilang linya.

"Para siyang papa mo. Ganun din ang ginagawa sa tatlong unggoy."

"Sinong unggoy ma?"

"Sila tito Ervin mo" sagot ni mama at ngumiti pa. Natawa ulit ako. Yun pala ang tawag ni mama kala tito dati. Komportable talaga sila sa isa't isa kung ganun.

(I'll hang up this love. Baka di ko matansya ang mga tao dito at masukat ko pa.)

"Okay. Lets talk later."

Napagpasyahan kong lumabas ng maputol na ang linya. Namimiss ko na talaga ang isang yon. Parang mas gugustuhin kong umuwi nalang at makasama ang lalaking yon.

Di ko napansin na sinundan pala ako ni mama sa labas. "Magsisimula na ba tayo?" Napataas ang kilay ko sa banyagan iyon ng magtagalog siya. Seriously, marunong pala siyang magtagalog?

Tumawa pa ito ng mapansin ang reaksyon ko. Maski si mama ay natawa. Okay. May nakakatawa ba sa mukha ko? Bukod sa maganda ako, hindi biro yon.

"Karamihan sa parte ng Mafia, ay napupunta sa Pilipinas Dyena. Masyadong maliit ang mundo nila sa lugar nila kaya nakakarating sila sa Pilipinas kung saan nakakasama nila ang mga kapwa natin na parte ng Mafia. Yung iba, natututo magtagalog dahil sa mga ka-comrade nila na may lahing Pilipino o nadadayo sa Pilipinas."

Ah. Okay. Lakas talaga makainfluence ng mga filipino sa banyaga.

"So, ano? Let's start?"

Tinignan ko si mama muna. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa katana na hawak ng banyaga. Uh-oh! Parang kinakabahan ako.

**

"Ahhh tangina!"

"Ay letse! Yuko!"

"Mama kalma naman!"

"Jusko! Dapat sinama ko si papa para mapakalma ka!"

"RIP sword!"

**

"Ano, kaya pa?" Simangot kong tanong kay John. Yung banyaga.

"Ah. Ah. Akala ko lumipas na siya. Pero shit, she is still strong!"

Parehas namin tinignan si mama na nakaupo habang umiinom sa ilalim ng puno. "She still the same!"

Ganun ba talaga si mama kagaling? Bakit lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay bilib dito? Ang laki ng paghanga nila.

"You're lucky to have her, Dyena."

Alam ko yon. Alam na alam.

I smiled at him "I am lucky."

"Yes you are. And it's my pleasure to be her servant. The Cursed Child of Theirs and Dily Mafia." Ngumiti ito sa akin bago bumalik sa loob ng tinutuluyan namin ni mama. Panigurado, napagod iyon sa training nila mama. At kita ko iyon kay mama.

Nilapitan ko siya at inabutan ng sandwich. "Nakakaamaze ka ma. Sana ay ganyan din ako katibay"

"Di malayo iyon. Nasa pinagmulan ang lakas ng isang tao." Double meaning. I see. "I want you to be more stronger among us."

"Sapat na ang makalaban ka ma"

She patted my cheeks "Marami ka pang pawis na ilalabas, my dear."

"So, deal ma?"

"Why not? Of course."

After namin mag usap ay bumalik na din kami sa loob. Gabi na rin at oras na ng kain.

I took out my phone and texted him.

Maraming stars dito. Wish?

I sounded corny! Tss. Pagdating kay Howw, nagiging korni ako. Aaaaah! Anong meron sa lalakinh yon at nahohomesick ako sa kanya? Aist! It's kinda weird.

|Gin|

(Mission completed!)

"Alright. 8 degrees."

I hang up the phone call. I faced Vodka who's looking at me with grins in his lips. "Gagawin mo sa Rytox?"

"Send it to boss."

"Akala ko naubos na talaga ang Rytox. But hell, may natira pa pala."

Akala ko din. Mabuti nalang at nauhan namin ang mga dapat maunahan.

"Rytox?"

Hinarap ko Vermouth with her disgust reaction. "Yan pala ang nagagawa n'yan sa katawan na kontiminado ng subtances" tukoy niya sa lalaking may kaliskis sa bandang leeg nito.

"Gusto ko malaman ang kaya n'yang gawin" asik ko sa tuwa na sinundan pa ng tawa.

"Ano gagawin mo?" She asked seriously.

I smirked at her "Save your word first."

**

"What the hell! Shit! What's happened?"

Kita ko ang amusement sa mata ni Vermouth habang nakatingin sa isang rehas na bakal kung saan may isang leon ang umuungol sa samo't saring pagkasira sa katawan matapos ang ginawa ng lalaking may inject ng Rytox. Rytox. It can lead you into 10x stronger yet into death also.

"I can't believe. Who ever made that Rytox, he is awesome."


"Siguradong matutuwa si boss oras na malaman niyang may Rytox pang natitira sa Black Market.

"That boss can conquer the world using this Rytox."

"No doubts."

Iba talaga ang nagagawa ng Rytox. Nakakamangha pa din.

"Ayaw mo bang masubukan muna yan?"

I laughed for his question. "I want to see his face first." Dahil sa tagal ko sa Blacks, hindi ko pa din nakikita ang pinaglilingkuran ng buong Blacks.

"This Rytox will conquer everything by Blacks soon."
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon