Death School

2.1K 51 1
                                    

|Dyena|

-
To: Warren

I'm not going to school. Where are you?
-

Hay! Napahinga ako ng malalim after kong isend ang message ko kay Warren. This is the day!

Inayos ko yung maleta ko at naghintay pa ng sandali bago may sumundo sa akin na itim na kotse. Sabi kasi ng dean kahapon, may susundo sa akin para ihatid ako sa school na yon. At siguro, ito na yung sinasabi niya.

"Dyena Cruz?"

May isang desenteng nilalang ang nakatayo sa harapan ko ngayon. All black ang 3 pieces suit niya at nagbow pa siya sa akin.

"Ako nga po." Nagbow din ako dahik nagbow siya. Malay ko bang ito ang way ng pagbibigay galang sa matatanda.

"M-Maam Cruz, you don't need to b-bow"

Luh. Stuttered. Bakit naman? Di ko naman siya kakainin sa bow ko e.

"Okay."

Nilead na niya ako papasok sa kotse na halatang mamahalin at hindi makikita sa Pilipinas, I mean totoong mayaman lang ang makakabili nito.

Kinuha niya sa akin yung maletang dala ko at nilagay sa compartment ng sasakyan. Pagpasok, heaven. Ang bango at ang lamig. Parang araw-araw tong nililinis. Sumakay ni si kuya sa Driver's seat habang nasa passenger seat ako at bakante naman ang upuan sa shotgun seat.

Unti unti ng umandar ang sasakyan. Tinanaw ko ang buong paligid dahil sigurado ako na mapapatagal ang pagbalik ko dito. Mamimiss ko na ang lugar na to lalo na ang unit ko.

Kagabi ko lang napagtanto, bakit nga ba hindi ako pumalag kahapon sa pagpapalipat nila sa akin? Oo, walang kaso yon, pero parang may something e! Pakiramdam ko, may humahatak sa akin sa school na yon. Ano bang meron yon? Ni pangalan ng school hindi ko alam.

"Anong school yon, kuya?"

Nilingon ako ni kuya sa salamin at ni hindi manlang ako sinagot dahil ngumiti lang siya. Ano, pasuspence? Walang clue? Papasok akong clueless? Pano kung sindikato ang nagpapatakbo non at balak kunin ang laman loob ng mga nag aaral don? Ay shemay! Oa ko naman mag isip kung ganun!

Maya-maya nawawala na ang ilang bahay. Paunti sila ng paunti hanggang sa gubat na ang nadadaanan namin. Kinilabutan ako bigla. Yung part na to kasi yung restricted area ng whole city dahil sa may mga mababangis na hayop dito. Kaya bakit kami dumadaan dito? Omyghad! Pano nalang kung... kung may malaking butiking sumulpot at kainin ng uod yon? Waaah! Shemay ang landi ng utak ko ngayon mag isip ha. Kanina pa!

So dito pala ang destinasyon namin. Kaya pala. "Matagal na po ba kayong sumusundo ng mga istudyante?" Siguro kilala na tong si kuya ng mga hayop kaya di kami sinusugod. Ang daming bears at lions sa labas e. Mababangis silang lahat.

"Istudyante? They are not, yes."

Di na ko nagtanong pa. Natakot kasi ako bigla. Not? What he did mean? Nakakatakot kasi parang sinasabi niya na hindi istudyante ang mga sinusundo niya e.

Sa end ng gubat, may isang malaking gate na natatanaw ko. Namangha ako. Sobrang laki. Ni hindi ko manlang alam lalo na ng karamihan sa labas ng gubat na may malaking gate pala dito sa dulo ng gubat at talagang magugulantang ka. Halo halong emosyon. Takot. Saya. Excitement. What the hell! Ang lakas ng dating ng gate na yon.

Automatic na bumukas ang gate ng nasa 50 meters away na kami sa gate. At kung pwede lang bumalik sa unit ko, ginawa ko na.

"What the hell..." I cursed my breath dahil sa mga nakikita ko. Is this really school, huh?

Huminto ang sasakyan pagkapasok. Nawalan ako ng lakas bumaba pa. Pakiramdam ko, pagpipyestehan nila ako oras na bumaba ako ng kotse dahil baguhan akong tignan.

"We are here at Death School. Hindi istudyante ang sinusundo ko, I dragged them here... because they are sinners... just like you."

What the f-ck!
~~

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon