Shot of reality

1.2K 32 5
                                    

|Dyena|

Tatlong araw ang nakalipas ng mawala na ang lagnat ko. Halos wala akong gana sa buhay sa loob ng ilang araw na 'yon. Ang hirap ng may sakit. Akala mo laging lumilindol e. And worst akala ko katapusan ko na. Na sa lagnat ako mamamatay. Ah. Walang dangal 'yon.

Tatlong araw na din ang nakalipas ng huli kong makita ang isang myembro ng Blacks. Nagbitaw siya ng salita na hindi na dapat ako makialam sa kanila. Ha. Ano ba ginagawa ko?

Bumangon ako sa kama at lumabas ng silid. Nakita ko si Justin at Meeco na nag uusap sa baba ng second floor. Parehas seryoso ang mukha nila. Ah. Buti hindi agad nasira ang umaga ko dahil hindi masakit sa mata ang itsura nilang dalawa pag seryoso. Isang uri ng painting. At hindi yon abstract.

"What's going on?" I asked them at kumuha ng gatas sa ref at sinalin sa baso. "Girls?" pang aasar ko

"We don't have time about girls, especially about their dramas, tumtrums and childish acts."

Akmang sisikuhin ko si Meeco sa sinabi niya ng dumistansya na ito sa akin at tinawanan ako.

"It's all about Black organization."

Napaubo ako pagkatapos kong lagukin ang gatas dahil sa sinabi ni Justin. Ano na naman ang ginawa ng mga yon?

"Then?"

"About Kir. She's dead."

"What?! Sino may gawa?"

"Tita Alys. And she's with another woman nang mapatay nila si Kir."

And who's that woman?

"And where's my mom?"

"Nasa CH Building. May katransaksyon ayun sa pagkakaalam ko."

D-mn. Once na umabot to sa organisasyon, magkakadalintek-lintek na. Sa ngayon kailangan namin ng bawas kalaban. Hindi pa tuluyang nakakabangon ang Meir mula sa pagkakritikal. Kaya hindi na dapat pang- napatingin kaming lahat sa sumisigaw na si Zoe na papasok. Ilang malutong na mura pa ang nasundan bago siya makahawak sa braso ko.

"F-ck! Ang CH Group building, binomba!"

Tangina.

"What?!!"

"The fuck! What happened?"

Napatakbo kaming lahat sa sasakyan. Wala kaming sinayang na oras at nagmadaling makarating sa lugar kung saan nangyayari ang kaguluhan.

Pagbaba namin saa kotse ay halos madismaya ako kung ano ang itsura ng tayog dati ng CH Group.

Kung dati ay kumikinang ito sa taas at ganda, ngayon isa nalang itong ruined building.

Pero damn! Si mommy!

"N-Nakaligtas ba lahat ng tao sa loob?!" Tanong ko sa isang pulis na humarang sa akin matapos kong subukin tahakin ang wasak na gusali.

"Sorry miss, ngunit ilang bangkay na ang narescued mula sa mga palapag. At hindi namin masasabi kung may ligtas bang nakaalis mula sa unang palapag hanggang sa itaas. Ayun sa report, nagsimula ang pagsabog mula sa basement paangat ng mga palapag."

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ni Meeco at tinawagan si mommy. Hindi nagriring.

Naiiyak na ako sa kaba. Nakayakap na din sa akin si Justin at si Zoe naman ay tulala sa tabi.

Karma ko na ba to? Pati pa ako mawawalan ulit ng ina? For real? No. Hindi ko kakayanin. Masisira ako ng tuluyan once na mangyari yon. Kung dati kinaya ko na wala si mommy, ngayon hindi na.

"Two down." Napatingin ako ng mabilis ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nakatayo si mama di kalayuan sa amin at may sugat sa mukha na sariwa pa. "I can still fight, I have still uses my dear." ngumisi siya sa akin, damn. How cruel you are mom!

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon