Just Easy?

1.9K 58 0
                                    

|Dyena|

Linggo ngayon. Bumangon ako sa higaan at tinignan kung anong oras na sa desk clock. One pm. Mamayang five pm pa ang Examine Test.

Nag unat ako at nagtanggal ng muta. Kahapon, halos malaspag ang katawan ko sa practice na ginawa ko. Napakahirap. Sinanay ko ang sarili ko kung paano umilag at sumalo ng mga kutsilyo. Puro sugat at pasa rin ang meron sa balat ko ngayon at bakas na bakas yon dahil fresh from training.

Offense at Defense. Two major na kailangan matutunan sa pakikipaglaban. Siguro hindi magiging madali ang lahat para sa laban na ito mamaya. Royals to Royals. Elites to Elites. Wala akong laban dahil baguhan lang ako. Si Kristina, hindi ko alam kung nagpractice ba yon o hindi dahil puro pagwawaliwaliw lang ang nakita kong ginagawa niya sa araw araw. Sila Eythan, kahit papaano nakikita kong nagsasanay kasama ang mga Elites niya sa Training Hall. Hindi sila nagpapabaya.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Medyo mahapdi ang bawat hilod dahil na rin sa mga sugat na natamo ko mula sa kanya. He's deadly serious sa paghagis ng mga kutsilyo, shurikens and swords sa akin. Hindi niya iniisip na baguhan pa rin ako. Pero sa turo niya, seryoso, may matutunan talaga.

**

"Who the hell attacked you?" Natatarantang tanong ni Kristina pagkakita niya sa akin dito sa hallway. Nabitawan niya tuloy yung dala niyang foods. Tss. Sayang.

"Practice" simpleng sagot ko para mabawasan ang pagkataranta niya.

"What the f-ck? Practice? Like that? Sinong gagong sumugat sayo? Uupakan natin-"

"Calm down!" Hawi ko sa kamay niya "Daplis lang yan ng atake ni Howw"

Naglaho ang pagkataranta niya. Parang nagulat, naguluhan pa siya sa sinabi ko. Nang magsink in ay tinampal pa niya ako sa noo. Pero mahina lang kaya natawa pa ako ng bahagya.

"Kailan pa? Kayo ba? Type mo ba si King?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo at umiling. Bakit ba niya iniisip na kami? Baliw ba to? He just wanted to train me. Yun lang. Binibigyan malisya.

"nah, isa lang gusto ko" She shrugged her shoulder and spoke again "Iniwan ka na, mahal mo pa rin? Just move on be. Forget what made on your pain. Forget about the people in you past, they didn't make it to your future for a reason."

"Nagmahal ka na ba?" Tanong ko sa kanya

"Hindi at wala akong balak-"

"Yeah. Hindi pa. At wala kang balak dahil ayaw mong masaktan. It's hurts like hell bound yeah! F-ck! 'Why do I need to suffers to?' masasabi mo nalang. Disadvantages ng pagiging involuntary ng puso, hindi mo mauutusan, di mo mapipilit. Hindi mo mapapasunod. Tingin mo ba, hindi ko iniisip na mag move on? F-ck! Ilan days palang! Sh-t! Sobrang sakit! I don't want to be a madrama actress here, mahirap mag move on lalo na kung minahal mo ng sobra at iniwan ka ng walang dahilan."

Natahimik siya sa sinabi ko.

Now, she knows what I'm feeling right now. Di na niya ako kukulitan mula ngayon.

"I'm sorry," then she hugs me "di ko pala nararamdaman ang nararamdaman mo. Siguro kung masasaktan ako tulad mo, baka maintinidihan na kita. Wala kasi akong alam dyan. Ever since I never had boyfriends. That's the one of the rule for being one of Royals."

Kaya ba ako iniwan ni Warren ay dahil doon? Dahil bawal?

"Tingin mo yun ang dahilan niya?" I asked her. I want to hear 'yes' from her para mabawasan ang sakit. At least, alam kong mahal na mahal niya ako. Na hindi niya ako ipinagpalit sa iba.

"Do you think so?" Kumalas siya sa pagkakayakap "Kilala mo si Warren,"

Tilay gumuho ang maliit na hope ko. Tama siya. Kung gusto ni Warren, gagawin niya kahit ikapahamak pa niya. Matigas ang ulo niya. Lalaban at lalaban siya kung gugustuhin niya.

"What if kausapin mo siya-"

"Nah, let the time healed my inside wounds."

Tumango siya at tinapik ako sa balikat "Strong woman."

Di ko mapipilit ang lahat. Kung iniwan niya ako, nasa kanya na yon. Hindi ko kawalan. Hindi ako ang nagkulang. Nagpabaya. Nanghinayang.

Hindi ako magpapakadesperada ng dahil sa kanya. Iiyak ko lang to ng iiyak until the pain fade away. And time healed everythings. I just need to accept everything. Hindi man ngayon, pero darating ang oras na yon kung saan we are stranger with memories.
~~

Helloooo~ ✌✌✌

Yey! Page 10 na TGS

Yung DC nasa page 4 na :) rank 49 for this day. Action Series.

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon