To Keep

1.6K 44 5
                                    


|Kristina|

"Shoot."

Kinalas ko na sa pagkakabit yung silencer sa baril at inayos na sa gun case para makaalis na sa lugar na to. Sa wakas, tapos na ang mission na kinuha ko sa Request Board. Isang high-professional killer lang naman ang pinatay ko. Kahit papaano nabawasan ng point zero zero one ang mga katulad niya sa mundo.

"Nasaan ka?" Inayos ang earpiece sa tenga ko bago sumakay sa sasakyan.

Saan kaya ako pupunta ngayon? Matagal tagal pa bago kami bumalik sa academy dahil for sure yung iba hindi pa natatapos ang nakuha nilang mission sa request board.

(I'm with Dyena. Old Resto.)

"Punta ako."

Inistart ko na ang makina at nagmaneho na paalis. Matagal tagal na rin nung huli kami magkita ni Dyena kaya baka namiss niya ako. Haha. Wait, mukha ba akong mamimiss non? Kumusta na kaya sila ni Warren? Sana hindi na sila nagkabalikan pa.

Para sa akin, kung anong tapos na, hindi na dapat balikan pa.

**

"Hey" kaway ko sa kanila pagkakita ko sa pwesto nila. Akala ko dalawa lang sila pero kasama pala si Warren. Okay na ba sila? Eh.

Umupo ako sa sunod na bakanteng upuan sa tabi ni Warren. Bale katabi ko si Warren at sa kabila ay si Dyena at katapat ko naman si Dylan.

"What's up?"

"Tapos ko na ang mission sa Request Board."

"Me too."

"Akemi is on my side now."

Napatango ako sa sagot nilang tatlo. So dahil tapos na ang mission namin, mangyayare ngayon? Siguro kanya kanya muna kami. Doon din babagsak yon dahil wala kaming gagawin at matagal pa bago kami bumalik ulit sa Academy.

"Si Howw?" Napatingin ako kay Dyena dahil sa tanong niya. Huh. Interesado siya sa lalaking yon? At sa harap pa ni Warren nagtanong ah? Di ko tuloy maiwasan tignan ang reaksyon ni Warren. Wala naman akong nakitang affection na nasasaktan siya dahil sa narinig niya?

"Wala akong balita sa kanya e." Half true. Nung isang araw nakita ko siya with his man in black. Mukhang may katransaksyon siya.

"San—" di ko natapos yung itatanong ko sana ng makarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa labas na umabot hanggang sa loob namin ang pagsabog kaya napadapa kaming lahat.

"What the hell was that!"

"Fuck. Better get ready!"

"After this let's run!"

Shit. Sino may gawa— damn! "Duck! Marami sila!" sunod sunod na putok pa ng baril ang narinig namin kasama ang malalakas na sigawan ng tao sa paligid. Woah. Seryoso ba sila sa ginagawa nila?

"Don't let that girl run away from us! Big boss will kill us!"

That girl?

Tumayo na kami at nakipagpalitan ng putok ng baril sa kanila. Exciting! "Bring it on!"

|Dyena|

We used to be like this before. Yun bang ayokong nadidikit siya sa akin kasi maarte ako at ayokong nasasanay sa kanya. Yung lagi ko siyang hinahampas kapag nangyayakap siya bigla.

Nakakamiss pala. At ang sakit sakit pa rin talaga na tapos na kami.

"Hold on, I will protect you." He whispered after that ay nakipagpalitan na rin siya ng bala sa mga armadong lalaki na hindi namin alam kung bakit kami pinupurtirya.

I feel useless.

Why the hell he acting like this? We're over! I mean normal lang na ganito ang eksena pero bakit sa akin may ibang dating? If he's afraid of losing me? Damn! Bakit ko ba binibigyan ng ibang ibig sabihin. Malamang sa malamang ako lang ang walang baril sa kanila.

"Sumakay na tayo sa kotse!" I heard Dylan's said kaya nahatak ako ni Warren. They're busy on keep fighting with those men in black. Sanay na sanay talaga sila lalo na si Dylan.

Sana dumating naman sa puntong ako naman ang tutulong sa kanila.

"Damn!" I cursed nang sumabog ang kotseng pupuntahan sana namin. Ngayon naglalagalablab na yon sa apoy habang may babaeng nakapula ang nakatayo mula sa anino ng apoy. "Shit!" I heard from Dylan habang pikon siya dahil mukhang wala ng bala ang baril niya. Si Kristina out of nowhere kung saan nakikipagsagupaan. Bigla nalang talaga naglalaho yung babaeng yon.

"Trying to escape, huh?" aniya ng babaeng nakapula sa amin. So, may purtirya siya sa amin? Oh let me guess, target ba niya ako?

Nacomfirm ang nasa isip ko banggitin niya ang pangalan ko. Ni hindi ko namalayan na si  Dylan ay sumugod na sa babae at nakikipagsagupaan na ng atake. "Warren, move! Save her from death!" Sigaw ni Dylan

Hinila ako ni Warren. At habang lumalayo, kinakabahan ako. Si Kristina at Dylan baka may mangyare sa kanila! Kaya ba nila? Pero tss. They are strong! Alam kong kaya nila pero bakit ako kinakabahan ng ganito?

"Shit!" Mura ng kasama ko habang nakaharang sa amin ang ilang lalake. Base sa itsura nila, may panlaban sila sa amin. I don't know if kaya kong makipagsabayan sa kanila.

"Secure her. Let her head alive."

"But? We can kill her right now"

"Nah, sabi niya dalhin na buhay siya" tapos lahat sila napalingon sa akin. Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak sa akin ni Warren. Once again, I feel secured. Lahat nalang sakit, nawala dahil sa thought na ayaw niya akong mapahamak. Na ayaw niya akong masaktan.

Why Warren? You always gives a reason to keep coming me back to you. Damn!

"Dadaan muna kami sayo—"

"Your wish has granted."

Halos manlamig ako sa bilis ng nangyare. Mula sa ibang dereksyon may sumulpot na isang lalake at bumulong sa pagitan namin Warren kasabay ang pagkawala ng malay ni Warren. What the hell he did do? Fuck! "Warren!" I shouted ng hatakin ko ng lalaki. Inipon ko ang buong pwersa ko at sinipa siya sa dibdib dahilan para mabitawan niya ako at sandali siyang mapagasp sa hangin.

Lalapit na sana ako kay Warren ng may humigit ng buhok ko at malakas akong binalya sa kalsada. Ramdam ko ang sakit at pagkahilo. Naging blurry red din ang paningin ko dahil sa dugo. Naiiyak ako fuck!

"Bitch!" Paglingon ko kung sino may gawa, yung lalaki palang sinipa ko "Pinaiinit mo ulo ko!" Inabot niya ang buhok ko at for once again, inuntog niya ulit ako.

Fuck! I just want to die here na. Ang sakit sakit na. Di ko na kakayanin. Bakit ba nangyayare sa akin to?

"Calm down, we need to take her off there. Baka may back up sila."

"Are you scared?"

"Of course not! Mas magandang walang sagabal. Tara na."

I'm tired.

Bago ko tuluyan ipikit ang mata ko, napangiti ako. At least, si Warren ang huli kong nakita. It's enough. Magpapahinga muna ako.
~~

May 27. Hahahaha it's been a month since the last ud. Still editing every chaps. Daming wrong typo and spelling tss. Hahaha. Kalma lang tayo. Comment downnn ⇩⇩⇩

Chasing Sinners (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon