Kyle's POV:
"Kyle, let"s go! Baka wala na tayong maabutang bukas na dept. store" tawag ni Marco, pinsan kong 'cute'.
Sabi nga nila pag maliit ka pero maitsura e hindi pogi or maganda ang tawag sayo kun'di 'cute', aba OK na yun kesa tawagin ko syang bansot. Gwapo naman kasi talaga sya, pero syempre mas pogi ako..Lahi ata namin yun e hehe.
"Oo na, kulit mo, may sinasabi pa si Tita e" sabi ko habang papalapit sa kanya.
Ayun, nautusan nanaman kaming pumunta sa tindahan para bumili ng maiinom at makakain kaya kinausap ko si Tita para makuha ang listahan ng ipapabili nya.
"Bat kasi kulang-kulang ang pinamili nyo kanina, yan tuloy"–Ako.
Nagmamadali na kami kaya agad kong kinuha ang susi ng kotse ko sa bag ko saka kami sumakay, ini-start ko na din yun at umalis agad baka nga naman wala na kaming abutan.
Andito kasi kami ngayon sa townhouse ng grandparents ko sa Tagaytay, sa father side ko to. May reunion kasi ang family namin, yearly naman to at dahil kami ang pinaka bata sa matatanda at pinaka matanda sa mga batang magpipinsan e kami ni Marco ang laging nauutusan. Sabagay, ngayon lang to kasi sa susunod hindi na kami yung uutusan kami na yung mag uutos hehe.
Ako nga pala si Kyla Nicole Guevara, 19 y/o. Nag-iisang anak ng may-ari ng Guevara Ads Inc., isa sa mga pinaka sikat na Advertisement company sa loob at bansa. Gwapo daw pero single by choice, busy pa kasi ako pa pagmo'move on mula doon sa 'ex' kong pinaglihi ata sa salitang HINAYUPAK e hehe.
Ganda ng pangalan ko no? Akala kasi ng Mom ko noon e pwede nya akong isali sa international beauty contest na napapanood nya sa T.V., frustration nya kasi yun, kaso nakilala nya si Daddy, ayun, di natuloy kasi pinanganak na'ko hehehe .Nasa tiyan pa lang daw ako ni Mommy ay pinlano na nya ang pangalan ko,di kasi daw nya alam na magbibinata pala ang baby girl nya.
Yes I'm a Lesbian, na kung tawagin ng iba e Tomboy, Tibo, Shibolibambam etc. And Imust say thatI'm lucky to have them as my family 'coz the time na sinabi ko yung sexual preference ko sa kanila ay tinangap naman nila ako agad without asking why or how. It's genetic anyway, may mga relatives din kasi akong shibolibambam. Happy family diba?. ^__^
"10pm na, may makikita pa kaya tayong bukas na tindahan dito? tssk" inis na sabi ni Marco.
Pagod na ata sya sa kakalakad, este kakaupo sa tabi ko..hehehe..
Wala pa din kasi kaming maayos na tulog, from Manila kasi dire-diretso kaming nag impake at bumyahe papunta dito, pagdating naman e tumulong din kami sa pag aasikaso sa kusina.
Talent ko din kasi ang pagluluto at si Marco sus taga panood lang habang nagluluto ako. Oh diba pagod na pagod sya, hehe.. ^_^
"Kalma kanga, meron yan, alam ko kasi may store dito na 24/7 na bukas e, last year diba doon din tayo bumili?" sagot ko.
Kailangan ko sya pakalmahin kasi inis na talaga sya, nakakunot na yung noo e hehe.
"Oo, natatandaan ko na, teka alam mo paba kung san banda yun?" tanong nya.
Sa wakas kumalma na. 10 minutes palang naman kami sa daan pero pang 24hrs na yung reklamo nya hehe.
"Oo naman, malapit yun sa palengke diba?" –ako
"Oo, at malapit na tayo, teka tanda mo ba yung bibilin natin?" – sya
"Oo, ako nang bahala basta ikaw taga bitbit ha, sige ka sa dami ng pamimilin natin e mapipilayan ako, hehehe"- pang aasar ko sa kanya, kilala ko to, papayag to hehe.
"Oo na, ikaw talaga, sa lahat ng chick-boy ikaw yung pabebe e noh?" sagot nya na may ngiting pang asar.
"Chick-boy?" takang tanong ko, habang abala ako sa pagda-drive.
Alam ko kasi may ibang ibig-sabihin yung mokong na'toh sa sinabi nya e.
"Chick-boy! Pwede sa chicks,.....pwede sa boy wahahahaha!"-sya na may nakaka asar na tawa.
Buti nalang sanay na'ko sa kakulitan ng bansot na'toh. Kundi nilaglag ko na' toh sa auto ko.
"Bwisit ka talaga, gusto mo ilaglag kita dyan sa labas?" pananakot ko sa kanya.
Ang hirap kaya mag lakad pauwe, nakatunog ata at tumigil sa pang aasar nya hehehe.
"Kahit kelan pikon ka e noh, o ayan na pala yung dept. store na hinahanap natin" –sya
At nakita na nga namin sa wakas ang hinahanap namin kanina pa. Maganda yung lugar, mahangin, kita sa dahil liwanag ng buwan ang magagandang tanawin ng Tagaytay especially yung Taal Lake. Malapit din dito yung isa sa pinaka sikat na theme park sa nasabing lugar, ang Sky Ranch kaya habang nagda-drive ako papunta e di ako naiinip dahil nae-enjoy ang mata ko sa tanawin lalo na sa mga ilaw sa bukas sa gabing ito.
"Buti nalang may parking space sila dito kundi pati yun mahihirapan pa tayo" Sabi nya habang tinuturo ang parking space sa labas ng 'My Stop 24/7', name ng dept. store na pupuntahan namin.
In-assist din kami ng guard ng nasabing establishments sa pag paparadahan ng kotse, unang bumaba si Marco, pinatay ko lang saglit yung engine ng kotse sabay kuha ko ng cellphone ko saka ako bumaba from driver's seat, tsaka kami sabay na naglakad papasok sa loob ng store para sa pamimilihin namin.**************************************
A/N;
Kailangan may i-edit e..Nag check kasi ako at medyo may mga typo error..
Pls. leave any comments or vote..
You can also follow me if you want.. ^__^
Happy reading ulit.. grazie.. ^__^
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomantikMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...