Chapter 7; The Question

3.6K 73 1
                                    

Kyle's POV:


Nakatingin padin ako sa kawalan. 'Di ko alam kung kailan matatapos yung sakit na nararamdaman ko, 'lam mo yung thot na kung kelan ka nag seryoso e saka ka ginago.


Pero baka nga karma ko to, sa dami ng pinaiyak ko noon baka deserve ko to. Ito nalang yung iniisip ko para ma'justify ko yung thot na baka nga eto na yung karma ko sa lahat ng nagawa ko..


"Haaaay", buntong hininga ko.


Maya-maya'y bigla nalang may kumalabit sa'kin mula sa likod ko.


"Ang lalim nyan ah", si Ate Lyra. Pinsan ko, anak ni Tita Luz.


Matanda sya sakin ng 2yrs. Maganda din sya, lahi nga po namin 'di ba?. Pang super model pa. Kamuka nga nya si Angel Locsin e hehe. ^__^


"Ng tubig?. 6ft lang to te, magaling ka naman lumangoy kaya maabot parin ang lalim nito" –Ako



*Bogsh!!.


At batok talaga ang sinagot nya sakin sabay ngiting wagi.


"Araaaaay, ate naman e", -Ako na medyo inis sa sakit na ginawa nya.


"E baliw ka kasi, 'di yung tubig yung tinutukoy ko kundi yung iniisip mo" -sya.


Di ako nakasagot, binalik ko nalang ulit yung tingin ko sa pool. Naramdaman ko nalang na umupo na din si Ate Lyra sa tabi ko.


"May ginawa ba si Marco sa'yo? Pansin ko kasi pag balik nyo e ganyan na yang muka mo. Kahit tumatawa ka e malungkot padin yang mata mo" –sya.


Haay, kilala talaga ako ng mga pinsan ko bilang magkakasama kasi kami tumanda.


Si Ate Lyra din kasi talaga ang close ko noon, kasa'kasama ko sya noon sa galaan bago kami maghiwalay ni Sam. I met Sam because of her. They use to be friends, pero nong iniwan ako ni Sam, e di na din kinausap pa ni ate Lyra yung kaibigan nya dahil di na'rin naman sya kinausap nito.


"Wala ate, kaw talaga", sagot ko na may pilit na ngiti sa kausap ko.


"Sure ka?. Sabihin mo lang ah, nakow babatukan ko yun" –sya.


..Haay bini'baby nanaman ako ni ate Lyra.


Umiling lang ako, muling tumahimik at tumingin sa langit, napa ngiti naman ako ng bahagya dahil nakita ko ang napaka raming stars. Ewan ko ba, tuwang-tuwa talaga ako pag may nakikita akong stars, kahit nga yung makakita ako ng mga ilaw na maliliit na alam kong lumiit lang dahil sa layo e naa'amazena'ko.


"It's beautiful", pamba'basag ni ate Lyra sa katahimikan.


"Huh?", tipid kong sagot sa kanya.


"Yung langit kako maganda, puro stars oh. Mukhang magiging maaraw bukas", sya sabay ngiti at turo sa langit.


Ngiti lang din ang isinagot ko sa kanya. Ewan ko ba, di ko trip magsalita. Minsan nami'miss ko na din yung dating masayahin na ako.


"Is it about her?...Again" – si ate Lyra.


Napayuko lang ako dahil sa sinabi nya saka umiling. May maga bagay kasi na hindi ko parin talaga kaya sagutin hangang ngayon.


"You know you can tell me everything right?.Now what is that all about?", si ate Lyra.


This time alam kong seryoso na sya dahil di nya inaalis ang tingin nya sa'kin at alam kong naghihintay sya ng sagot.


At sinimulan ko ngang i'kwento sa kanya yung nangyari kanina sa store. No'ng una ay tumatawa sya dahil inis na inis pa'ko habang kinukwento yung tungkol sa babae sa store kanina. Dahil first time in my life e na'deadma ng isang 'Miss Nobody' ang charms ko. Ako na anak ng isa sa pinaka mayayamang tao sa bansa. Taga pag mana kaya ako, tapos na deadma lang ako ng malala! Hehe.. 


Napapahaba na nga ang kwentuhan namin ni ate Lyra hangang sa nabangit ko na ang pangalan ng dati nyang kaibigan.


Nakita ko ang pagbabago ng timpla ng mukha nya lalo na nang unti-unti ding nagbago ang tono ng boses ko. Mula kanina na masaya ay humina ito na parang ayoko na magkwento. Nakita ko naman ang tingin ni ate Lyra sa'kin.


Nakakita ako ng awa sa mga mata nya mula nang muli kong ibalik ang kwento ko sa nangyari sa'min ni Sam 1 year ago. Pinili ko nalang din ihinto ang kwento ko kasi ayoko ng ganito, ayoko ng pakiramdam na kinaaawaan ako.


Ilang minutong pareho kaming tumahimik ni ate Lyra matapos kong magkwento sa kanya. Marahil ramdam nya na ayoko nang pag usapan ang nakaraan. At nakakatuwa lang dahil di na sya nangulit pang ipagpatuloy ko ang kwento ko.


"Do you still love her?"-tanong ni ate Lyra habang naka titig sa mga mata ko.


Mukhang seryoso sya. Ikinagulat ko sa totoo lang ang tanong na to. Napa hinto ako dahil di ko din alam ang isasagot ko.


"Nawawala ba ang pagmamahal 'te? 'Di ba nababawasan lang yun o nagbabago?" –Ako


"Siguro, pero mas mganda sana kung ang pagmamahal na'yan e yung natutumbasan o nahihigitan" –sya na naka ngiti ng tipid sa'kin.


"Alam mo yun, siguro ngayon di kapa ok, pero someday you will meet someone who will let you realize kung bakit kailangan mo masaktan ngayon." –Sya ulit na seryoso na talaga.


"Haay, may ganon pa kaya", malungkot kong sagot sa kanya, yet I really don't know what's her point.


"Nu kaba, bata kapa, marami ka pang makikilalang tao, yung someone na who will show you what it's worth" –sya na may convincing smile.


Tumahimik lang ako para hanapin ulit ang sagot sa sarili ko. Mahal ko pa nga ba sya o galit nalang tong nararamdaman ko? Galit nga ba to o naghahanap lang ako ng sagot sa tanong na kung bakit nya ko iniwan? Haay ewan ang gulo na.


"Hey, why so serious,nakaka'pangit yan sige ka hehe. Pasok na nga lang tayo sa loob at mahamog na dito sa labas, I think you just need to rest", –sya na halatang pinapagaan lang ang nararamdaman ko.


Ngumiti lang ako sabay akbay sa kanya, tsaka kami tumayo at pumasok na nga kami sa loob ng bahay, baka kasi antok na din si ate.


*****************************

A/N;


And I quote; The most painful part of being broken is..that moment when all you can do is smile or laugh about it..And move on..  

Oo nga noh..Mahal ko pa nga kaya sya?...#charot

Anyway..Happy Reading..=)

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon