Lyra's POV:
Naawa talaga ako sa pinsan ko kanina habang nagku'kwento sya sa'kin ng tungkol sa kanila ni Sam. Oo kaibigan ko si Sam, pero 'di ko naman alam na gagawin nya yun kay Kyle.
Naalala ko tuloy yung pinag usapan namin ni Sam bago sya mawala ng parang bula.
*Flashback*
"Sam, what are you doing?"- ako
"What?"- sya na parang di nya alam ang ginawa nya.
"Bigla ka nalang di nagparamdam sa pinsan ko, gusto ka nya hanapin pero di nya ginawa kasi alam nyang ayaw mo! Nasasaktan sya alam mo ba yun?.Pero ikaw?.Parang wala lang sa'yo?"-galit na sabi ko kay Sam.
"Bakit?.Akala mo ba wala akong nararamdaman?!.Minahal ko sya!.Mahal ko sya, mahal na mahal!.Pero 'di ko alam kung hangang saan o kung hangang kelan ko kakayanin na makasama sya nang 'di iniisip ang ibang tao!."-sya na may namumuong luha sa mata.
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya. Paano nga naman sya magiging masaya nang 'di iisipin ang sasabihin ng iba. Para sa ganitong klaseng relasyon, mahirap.
Alam ko naman sinubukan ni Sam e, 3yrs nga sila ni Kyle. Ang problema hindi kinaya ni Sam na yung thot na may mahal sya pero 'di nya pwede sabihin sa mundo dahil alam nyang mapang husga ang mata ng mga tao.
"I just made a choice!", si Sam.
"And what did you choose? Na tumakbo sa bagay na pwede mo namang ipaglaban? Ang unfair mo Sam!", galit kong sabi sa kanya.
"Hindi mo'ko naiintindihan! Buti sana kung ako lang e, Lyra may anak ako!.Lumalaki na sya!.Paano ko sasabihin sa kanya na tomboy ang nanay nya?.Paano kung pati sya e husgahan ng iba?.Hindi ko yun kaya!.",at tuluyan na nga syang umiyak.
"You know what's worst? Is that I need to let go of someone who I loved most just because I need to!", sya saka tumakbong palayo sa'kin. Alam ko may point sya sa mga sinabi nya at kung tutuusin nga'y pinili lang nya yung anak nya.
At yun nga yung huling beses na nakita ko sya, kahit kasi sa iba pa naming kaibigan e 'di na din sya nagpapakita.
*End of Flashback*
Pero paano ko sasabihin sa pinsan ko na hindi sya kaya panindigan ng taong pinili nyang panagutan?. Oo, nabuntis si Sam at iniwan ng lalaking naka buntis sa kanya. Halos kakapanganak palang ni Sam nong ipakilala ko sya kay Kyle.
Nagkagustuhan sila kahit mas matanda pa si Sam kay Kyle, tinangap naman ni Kyle yung past ni Sam. Naging masaya sila pero minsan 'di lang siguro puro saya ang lahat. Minsan kailangan mo din isipin yung makakabuti para sa nakararami at hindi lang yung sa sarili mo. Pero paano ko nga sasabihin sa pinsan ko yun ng di sya masasaktan?.
O pag sinabi ko yun..May mababago ba? Ah basta tutulungan ko nalang sya makalimot..
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomanceMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...