RC's POV
Ang sarap ng tulog ko, ang saya kasi ng reason bago matapos ang araw ko. I really don't understand what's happening to me, but I know Kyle has something to do with this. Yung parang sumasakit yung tyan mo at medyo natataranta ka lalo na pag nakikita mo sya.
'Haaist, buhay..makatayo na nga', nasabi ko sa sarili ko. 'Teka baka may mga nagtext na sa'kin.'
Naalala ko, di ko nga pala pinansin ang cellphone ko kahapon ng maghapon. Honestly ayoko kasing maistorbo or baka ayoko masira ang mood ko ng kung sino mang pwedeng magtext pa sa'kin.
Pagkatingin ko nga ng phone ko'y nakakita nga ako ng 18 missedcalls na puro naman galing kay Mark. Meron ding 25 messages; 20 is from Mark at 5 is from my Mom.
"Shocks..nakalimutan ko din sila Mama!", inis na kinausap ko ang sarili ko. Sa sobrang gusto ko kasing in'avoid ang kung ano e pati sila hindi ko man lang naitext.
Kaya, dali-dali kong tinext sila Mama para sabihin na nakarating naman kami ng maayos sa sa isla at nag sorry nadin ako dahil di nga ako nakapag text. Sinabi ko nalang sa kanila na napagod ako kaya nakalimutan ko silang itext, baka kasi magtaka sila Mama e. Syempre tinext ko na din si Mark, baka kasi nag aalala na din yun.
*Tok..Tok..Tok...*
Bigla nalang akong nakarinig ng katok sa pinto, medyo late na din kasi, wala e nasarapan ako sa pag tulog.
"RC gising na, kakain na tayo.", si ate Lyra pala ang nasa labas.
Tumayo naman ako agad para pag buksan sya ng pinto. Nagulat naman ako nang mapansin kong nakatayo na din pala si Kyle sa tapat lang pinto nya, at mukhang ginising lang din sya ni ate sa Lyra. Ang cute lang kasi pupungas-pungas pa sya na halatang antok na antok pa.
"Oh..mga gising na kayo..bilisan nyo na't hinihintay na kayo ng pagkain.",si ate Lyra na mukhang babalik na sa kusina.
Bigla namang natuon ulit ang paningin ko sa cute na nilalang sa harap ko. Paano ba naman naghihikab pa sya at halatang wala pa din sa wisyo, hindi ko tuloy maiwasan ang mangiti.
"Good morning.", bati nya sa'kin na parang nagising din sa wakas.
She's just so cute with her wide smile. I can even stare at her all day and I just don't know why. Ni hindi ko nga napansin na hindi pa pala ako nananalamin. Kung may muta man ako?, I don't know, bahala na.
"Good morning din.", bati ko pabalik and this time I gave her my sweet smile.
"Ahhmm..sige, ligo muna ako..Mukhang naghihintay na sila sa'tin e." pag paaalam nya.
Tumango nalang ako, di pa din kasi ako nagtu-tooth brush, mahirap na, hehe. And besides, I also need to fix myself, baka naghihintay na din sila ate Lyra sa kusina.
After almost 45 minutes, I'm done. Nakaligo na ako't nakapag bihis nang makarinig ako ulit ng mahihinang katok sa pinto from someone.
'Mukhang si ate Lyra to', nasabi ko nalang sa sarili ko tsaka ko lumapit sa pinto para buksan ito.
Nagulat nalang ako nang si Kyle pala ang nasa pinto. Naka loose white polo lang sya at naka tokong na maong shorts na black. I don't know kung nagka totoo bang nasira ang aircon o ang hot lang nya talaga. Tssk.
"Yes?", ito lang ang nasagot ko para hindi nya mahalata na natutuwa talaga ako na sya ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto.
"Ahhm..just wanna ask if you're ready..sabay na tayo?".
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
Roman d'amourMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...