Kyle's POV:
"Ano! Bakit ka pupunta dito para lang sampalin ako?.At bakit ko kailangan sabihin sa'yo na aalis na ako?!",tanong ko ulit kay RC.
Dahil ata sa sinabi ko na iyon ay mas lalong nag init ang ulo ni RC..Napakuyom pa ito ng kamay na halatang nagpipigil lang dahil sa dami ng tao sa paligid.
"So ano..di ka sasagot?.Tingin ko umuwi nalang kayo at magpapa re-book pa ako ng flight.", ako sabay talikod sa kanila.
Honestly, alam ko namang hindi ako makakapagpa re-book ng flight dahil nga sa nangyare sa airport. Sinabi ko lang talaga yun dahil di 'ko ma'gets kung anong ikinagagalit ni RC at sinampal pa nya talaga ako.
Pero bago ko pa man ako makalakad palayo ay hinawakan na nya ako ng mahigpit sa braso tsaka nya ako iniharap sa kanya.
"Tinatanong mo ako kung bakit mo kailangan magpaalam sa akin?.",pabulong pa na sabi ni RC..pero sapat na para marinig ko ito.
Di na ako umimik..Tiningnan ko lang sya..at pansin ko pa ang panginigilid ng luha nya sa kanyang mga mata..
I honestly hate seing her hurting..I hate seing her this way..Pero di ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganito..
"Tinatanong mo ako kung bakit mo kailangan magpaalam sa akin?!."sumisigaw nanaman sya..Sudden change of mood?.Haays..
"Kasi kinuha mo ang first kiss ko! Tapos ako naman 'tong tanga na pumayag kasi sabi mo mahal mo ako!.",sya na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid.
"Kasi iniisip ko na kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan!.Kasi hindi ko kaya mawala ka..Kasi mahal kita!.Ikaw na g*go ka!.Mahal na mahal kita!",pagpapatuloy nya pa, bagay na nagpatalon ng husto sa puso ko.
Alam mo yung sinisigawan kana ng kausap mo pero di mo parin maiwasan ang mapangiti. Confusing yung mga sinabi nya sa bagay na nakita ko kanina..pero sana hindi ako nabibingi lang at this moment..
~~~~
RC's POV
At sampal nga ang inabot nya sa akin..Paanong di mo sasampalin, nag-alala kaya ako ng husto..kung alam nyo lang..Tapos makikita ko sya na parang sya pa ang ayaw na nakita kami dito.
Sunod-sunod pa yung tanong nya na lalong nagpainit ng ulo ko.
Lord, kung di ko lang mahal tong ugok na ito e ako na mismo ang bumugbog dito..Hindi nya ba alam na kung nagpatuloy sya ng pag alis e malamang kasama na sya sa mga sugatan or worst sa mga namatay dahil sa aksidente.
Pero sinubukan ko namang kumalma..Dumadami na din kasi ang taong nakatingin sa amin. Ang isa pa'y nakakahiya naman talaga.
"So ano..di ka sasagot? Tingin ko umuwi nalang kayo at magpapa re-book pa ako ng flight.", si Kyle sabay talikod n asana sa amin.
Nakakapang-init ng ulo, pero bago pa man sya maglakad palayo'y pinigilan ko na sya agad. Baka kasi magpa re-book nga sya at tuluyan na talaga nya akong iwan. Hindi ko kaya yun, lalo na't sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"Tinatanong mo ako kung bakit mo kailangan magpaalam sa akin?.",mahinang sagot ko.
Di pa din sya sumasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin. Honestly..bwisit na ako. Di ko alam kung manhid ba talaga tong tao na ito o nagtatanga-tangahan lang. Di ba nya alam na ayaw ko sya mawala..Di man lang ba nya alam na seryoso yung sinabi ko sa kanya na mahal ko sya..
Sasabihin nyang mahal nya ako tapos eto sya ngayon..balak pang iwan ako..Yung sakit na nararamdaman ko ay parang dumoble sa thot na wala syang pakialam kung sino ba ang pwede nyang iwan..
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
Roman d'amourMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...