Kyle's POV;
"Kyle, oh himala andito ka sa bahay ng parents mo", ngiting bungad ni ate Lyra.
Pinuntahan nya kasi ako dahil tinext ko sya na uuwi nga ako dito sa bahay nga namin sa Zambales. Hindi na 'ko pumasok dahil alam kong 'di ko din naman kakayaning makita si RC ngayon pagtapos ng mga nakita ko kahapon.
She just say YES to someone else and I don't know how to deal with it, kaya minabuti ko nalang na bigyan ng panahon ang sarili ko para makapag-isip. Alam ko naman din kasing kahit ano pa ang gawin ko'y wala narin naman.
Masakit man na malamang may boyfriend na sya, alam ko namang di ko na mababago yun. And the worst thing about it is when I don't have any choice than to accept, to forget and to move forward.
Nagte-text at tumatawag naman si RC pati nga mga kaibigan ko para tanungin kung ba't 'di ako nakapasok, pero pinili ko nalang na 'wag silang pansinin. I just want to avoid things that would hurt me, kahit isang araw lang.
"Kyle?", oo nga pala, andito nga pala si ate.
Nakatingin parin si ate sa'kin na parang naghihintay ng sagot kung anong nangyare, pero sa halip na sumagot ako'y tumayo ako sa pagkakaupo mula sa gilid ng pool tsaka patakbong yumakap sa kanya na parang batang nagsusumbong. I just cry as if there's no tomorrow.
"Kyle wait what happen?", nag-aalala nyang tanong.
"Ate, may boyfriend na sya, anong gagawin ko?",ako habang umiiyak na.
Naramdaman kong huminga sya ng malaalim, inalis nya ang yakap ko sa kanya. Nakita ko din ang lungkot sa mukha nya pero saglit pa'y bigla nya 'kong kinurot sa pisngi.
"Outch ate, yan ka nanaman e. Umiiyak na nga yung tao oh", inis kong sabi. Samantalang sya'y pinipilt ngumiti.
"Coz' youre asking me what to do e alam mo naman ang gagawin mo", sagot nya.
"Kung may boyfriend na nga sya, then so be it! Alangan namang sabihin ko sa'yong agawin mo sya sa boyfriend nya?", seryosong sagot ni ate Lyra.
"Kyle, all I'm saying is just be the same person you use to be, 'di yung tulad nyan ume'emote ka e wala ka namang ginawa para malaman nyang gusto mo sya", pagalit pa ni ate sa'kin
"Ate, may ginawa ako. Pinaramdam ko naman na gusto ko sya 'di ba? Kaso—", di ko na natapos ang sinasabi ko.
"Kaso, minsan ang mga babae e kailangan ng assurance na gusto mo nga sila. Alam mo yun, minsan kasi may mga babae na 'di assumera. I mean yung gusto pa'rin nila na sabihin mo sa kanila kung ga'no mo sila kamahal",paliwanag ni ate.
"Di paba sapat yung pinakita ko sa kanya?", malungkot kong tanong.
"Uulitin ko paba yung kakasabi ko lang? Kyle you should let her know in the first place, but you didn't. Dinaan mo sya sa pagpaparamdam e hindi kanaman multo! E pa'no kung trip pala nyang lumaklak ng anesthesia at manhid pala sya?",sermon nya habang nakataas kilay.
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomantikMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...