RC's POV:
Time runs..9:50am na, 10 minutes nalang makakauwi na'ko mula sa magdamag na pagta'trabaho. Nang biglang bumukas ulit yung pinto ng store. At iniluwa nga noon ang isa sa pinaka magandang nilalang na nakita ko. ^__^
Sya yung taong pilit kumausap sa'kin kagabi. Iba talaga ang appeal ng taong 'to, may bagay sa kanya na pag makikita mo ay 'di mo mare'resist.
Naramdaman ko nalang ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa 'di ko malamang dahilan.
Ngayon ay naka long back na kardigan syang kulay black at sa ilalim no'n ay nakasuot sya ng white na medyo mahabang t'shirt, naka jogger pants na fatigue din sya't naka white na rubber shoes.
Nakita ko syang naka ngiti sa'kin kaya ngumiti din naman ako pabalik, baka isipin kasi nya suplada ako. Di naman masyado, hehe. Pero nagulat ako nang may nakita akong babae na nasa likod nya, mukhang magkasama sila.
Tinignan ko itong mabuti at napansin kong tumingin din sya sa'kin sabay ngiti.
As I looked at her,. maganda sya, sobra. Matangkad, mahaba ang buhok, medyo maputi, chinita, may pinkish na labi at may voluptuous body. Simple lang manamit, pero kahit gano'n ay ang galing naman nya itong dalhin. Naka palda lang sya na chequered na may red, blue and black na linings, naka tacked-in don yung black sleeveless nyang pang itaas at sa ibabaw no'y naka long back na kardigan din sya na kulay grey, naka high cut din syang white chuck.
Kita ko din ang pag kalawit nya ng braso nya sa braso ng kasama, may ibinulong ito dito't sabay ngiti.
'Sino kaya sya, ano kaya sya ni ateng pogi?',tanong ko sa sarili ko.
Unti-unti akong nalungkot nang isipin kong baka ito nga ang girlfriend nya. Bagay naman sila, kung iisipin pareho nga silang maganda.
At pumasok nga sila sa loob ng store para mamili. Kita ko yung pagiging sweet nila, mukhang 'sila' nga. Naiinis talaga ako pag nakikita kong todo kapit si ateng maganda sa kasama nya, halos mahalikan na nya kasi ito pag nag-uusap sila.
'Di ko alam pero parang sinasadya nya ito dahil sa twing ginagawa nya iyon ay tumitingin din sya sa'kin, pero di lang din ako sigurado. Samantalang yung kasama naman nya'y sweet din sa kanya. Kaya muli ko nalang itinuon ang sarili ko sa pagta'trabaho.
Nang biglang..."Oucth!.",napatingin naman ako sa kanilang dalawa.
Mukhang napuwing si gaga, ang arte kasi e, buti nga. hehe (evil smile)
Naputol naman ang ngiti ko nang makita kong aluin ni ateng pogi yung kasama nya. Kita ko mula sa pag hawak nya ng kamay ng kasama hangang sa pag-ihip nya sa mga mata nito. Narinig ko din yung salitang 'BABE' mula do'n sa babae na kasama nya.
Para akong nakaramdam ng selos, pero bakit?. Yung pakiramdam na para kang inagawan ng laruan na hindi din naman sa'yo.
Nakita ko din kung pa'no sila nagyakapan. 'Langya PDA!. 'Di ba nila alam na hindi lang sila ang tao dito?', inis na nasabi ko sa sarili ko, habang napa'punch ng magazine na mula sa isang customer na nakapila na sa counter.
'Nakaka'badtrip na ah', sa sobrang inis ko'y bigla kong na'hampas ang magazine na hawak ko sa counters' area.
Nagulat din ako sa ginawa ko't nilibot ko nalang ang mata ko para tignan kung may nakakita sa nagawa ko.
'Hala, mukhang napansin nila ako' sabi ko sa sarili ko nang makita kong halos lahat ay nakatingin sa'akin. Pati nga yung mga kasamahan ko sa trabaho'y napatingin din sa'kin.
Saglit pa'y ibinalik ko na ang sarili ko sa trabaho na parang walang nangyare.
Nagulat nalang ako nang makita ko si ateng maganda na nakapila sa line ko. She tried to approach me pero di na'ko nagsalita't inasikaso ko nalang yung mga pinamili nila. Nakita ko namang malungkot yung ksama nya't tahimik din ito. Saka sila lumabas na sa store, holding hands while walking.
"Te, kilala mo ba yun?", tanong ng pang umagang cashier na kasama ko habang nakatingin kay poging ate at sa kasama nito.
"Hindi bakit?", sagot ko.
"Ah kala ko kilala mo e, pansin ko kasing nakatingin sa'yo yung pogi kanina e", sya ulit.
Tumahimik nalang ako't ilang saglit pa'y naghanda na'ko para umuwi. Sa wakas makakapag pahinga na'ko't 1 week nalang ay makakabalik na'ko sa Manila. 3 weeks nalang din kasi'y pasukan na at kailangan ko pang asikasuhin ang pag e'enrol ko.
***************************
A/N
Hangang may isang reader ako..I won't stop doing this..Para masaya tayong mga Pilipino..yohoho
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomansaMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...