A/N:
Ipa-private ko sana to' kaso nagbago isip ko..I dedicate this chap sa mga hindi ko followers.. ^_____^
Guys, if you wanna know what really happen before the story jumped in this chap..Basahin nyo po ang hidden chapter..
As I've said..naka PRIVATE po ang chap 43..You can send me message to know how..
Enjoy reading..Love lots.. ^___^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
RC's POV:
Oh God..this can't be Kyle please? Hindi ko po alam ang gagawin ko kapag nawala sya sa akin..
"RC..it's not Kyle..", masayang balita sa akin ni Ate Lyra na nakalapit na pala sa akin. Humihikbi pa sya pero bahagya na syang nakangiti, I guess she just felt relief as she realize that it's not Kyle's dead body.
Di ko naman kasi talaga nakita kung sino yung iniiyakan nya because I avoid looking on it. I honestly don't want to check if it's Kyle or what..Kasi natatakot ako sa kung anong pwede kong maramdaman kung sya nga iyon..
"False alarm..Buti nalang..", Jel uttered with full of hopes..
"Bwisit na relo na yan! Tinakot ako!", maktol pa ni Debbie na halatang sobrang naasar sa nangyare.
"Takte..buti nalang pala may kamukha yung relo na yan!", sabi pa ni Mitch.
"Okay..I think we should be more positive about it..", sabi naman ni Jane habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Excuse po Ma'am..kilala nyo po ba yung bangkay?", tanong ng isa sa mga rescuer na may hawak sa bangkay.
"Ah....hindi po Manong..pasensya na po at naistorbo namin kayo..", nahihiyang sagot pa ni Mitch.
Nagpasalamat pa kami sa mga ito tsaka naman umalis na ang dalawang rescuer na bitbit na bitbit parin ang bangkay.
"I guess I need to inform Tito regarding what happen..Besides, tingin ko din naman alam na nila ang nangyare..I bet it's all over the news on T.V..", sabi pa ni ate Lyra.
"Haay..nasaan naba kasi si Kyle..nag-aalala na talaga ako..", sabi pa ni Jane.
"Ituloy nalang ulit natin ang paghahanap sa kanya dito..Pag wala parin, I think we better proceed on our next plan..I think wala na tayong choice kundi maghanap sa nearest hospital dito.", sabi pa ni ate Lyra habang dina-dial ang phone nya para tawagan ang parents ni Kyle.
Kanina pa ako walang kibo, kasi kahit alam kong hindi si Kyle yung bangkay kanina ay hindi padin mawala ang takot ko sa thought na until now ay hindi padin naming sya makita.
Almost an hour na ang lumipas nasa waiting area padin kami ng airport. Nagbabakasakali na hindi pa nakaka-alis si Kyle, o kahit man lang katawan nya ay makita namin dito.
Nakausap nadin ni ate Lyra ang mga magulang ni Kyle, syempre nag-alala ang mga ito lalo na ang Mom ni Kyle, dinig ko pa ang pag iyak nito sa kabilang linya habang kausap sila ni at Lyra since nakaloud speaker si ate Lyra nang nakipag-usap sa mga ito..Inaasikaso na din nila ang pag-uwi sa Pilipinas para maasikaso ang kung ano mang nangyare kung sakali ngang di padin magpakita si Kyle until tonight.
Wala namang pagbabago ang ingay at gulo na nakikita namin sa paligid. Siguro kung may nagbago ma'y kahit papaano'y naapula na ang apoy ng nasusunog na eroplano.
Madami nading dumarating na ibang tao para maghanap siguro ng kamag-anakan nilang napasama sa aksidenteng nangyari kanina.
"Tayo na..Almost an hour na tayo naghahanap dito..Siguro kailangan na natin pumunta sa malapit na hospital.", si ate Lyra.
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
عاطفيةMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...