Chapter 19; My Old Friend

2.7K 65 2
                                    

RC's POV;


After we take our lunch out, bumalik na kami nila Jane sa school. Naglalakad na kami malapit sa classroom for our next class nang nagulat nalang ako na may lalaking tumatawag sa'kin somewhere.


"Rhea", yung boses ng lalaki. "Rhea Samonte", ulit pa nito.


Napahinto pa 'ko para hanapin kung kanino galing ang boses na 'yon. At napansin ko nalang na may lalaking papalapit nga sa'kin.


"Rhea", sya na nasa harap ko na.


"Uy! Kamusta? Dito ka din pala nag aaral? Sabi ko na't ikaw yan e", sya ulit na dirediretso lang sa sinasabi nya habang ako'y iniisip ko padin kung sino sya.


"Oh my geeez...Mark?..Mark Corpuz?", at nakilala ko nga ang isa sa mga closefriend/classmate ko no'ng elementary days.


"Langya ang laki ng pinagbago mo ah, di kita agad nakilala"-ako ulit


Malaki nga talaga ang pinagbago nya. Dati kasi e chubby sya pero ngayon pumayat, tumangkad at gumwapo pa.


"Grabe, di naman masyado", sagot pa nitong halatang nahihiya


"Oh lika't ipapakilala kita sa mga new friends ko", at sabay hatak sa kanya para ipakilala sa apat ko pang kasama.


Naupo naman kami sa bench malapit sa classroom para makapag kwentuhan at makapag kamustahan. Kinuha din nya ang number ko, ite'text daw nya 'ko, I don't know why pero friends naman kami kaya binigay ko na.


Maya-maya pa'y nagulat nalang ako nang pumasok sila Jane sa loob ng classroom. Pag silip ko'y kasama na pala nila si Kyle. 'Sh*t di man lang ako pinansin',inis na sabi ko sa sarili ko.



Time runs, malapit nang mag start ang klase kaya pumasok na'ko sa room. Magha hi sana ako kay Kyle pero bad mood nga ata sya, kanina pa kasi walang imik e.


(Hi, from 0917*******), nakareceive ako ng text from someone.


(This is Mark, it's nice seeing you here, after so many years. Anyway, ok lang ba kung sunduin kita mamaya?), text ulit na nareceive ko.


Napangiti naman ako sa nabasa ko. Medyo namiss ko din talaga si Mark, isa kasi talaga sya sa pinaka malapit sa'kin noon. Mabait kasi sya't matulungin pa. Naaalala ko panga noon,pag kinukulang ang pera ko pang recess dahil nabili ko na ng gamit na pang activity namin ay nililibre nya ko sa canteen, hehe.


(Ok, 5pm pa tapos ng last subject namin e), I replied.


(Ok lang, I'm willing to wait ^__^), sya. Napangiti naman ako sa smiley nya.


At dumating na nga ang prof namin for our first subject this afternoon. Tinago ko na ang phone ko sa bag. Napatingin naman ako kay Kyle, eto't naka simangot pa'din. Bakit kaya?.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon