Kyle's POV:
Andito na kami sa kwarto, isa sa mga guest room sa bahay nila Lola, pero originally kwarto ito ng Daddy ko no'ng bata pa sya. May dalawang kama, isang family size at isang pang solo. At syempre I'm with my parents at kanila yung mas malaking kama.
Sila tita at iba kong pinsan?, Malamang tulog na din ang mga yun sa kanya-kanya nilang kwarto. Nakita ko ding nakatulog na ang parents ko sa kabilang kama, malamang dahil sa pagod at kalasingan. Pero ako eto di makatulog kahit nakapag freshin' up naman.
Iniisip ko pa'din kasi yung sinabi ni Ate Lyra, na sa totoo lang di ko maintindihan kung anong ibig sabihin. Pero sabi nga nya, someday maiintindihan ko din yun. Pinilit ko matulog para makapag pahinga na din. Haay, bahala na!
Kina'umagahan..Pupungas-pungas pa'ko nang marinig ko nang may kumakatok sa pinto. Sinulyapan ko ang parents ko sa higaan nila pero wala na sila doon. Nasa baba na ata at mukang maagang gumising.
'Teka 7:30am palang ang aga naman nito'. Nagtalukbong ako ng kumot saglit dahil nga antok pa'ko, pero dinig ko na mas lalong lumakas ang katok sa pinto, kaya napilitan na'kong tumayo para buksan ito.
Pag bukas ko ng pinto, nakita kong nakangiti si Ate Lyra sa'kin, bihis na bihis at mukhang may lakad. Bigla nalang syang pumasok sa kwarto, hinahap ang maleta ko, kinuha iyon at binuksan para maghanap ng kung ano.
"Ate, ang aga mo ah! And why are you here?.At bat mo ginugulo ang gamit ko?!"-ako na nagtataka sa ginagawa nya, sabay kunot noo ko.
"Chill..Hahanapan kita ng damit na susuotin mo" –sya na may evil smile habang busy sa pag kalkal ng gamit ko.
Ano kayang balak neto?.
"At bakit po?.Ano nanamang trip mo te?. Can we just eat first?.Di pa nga ko nakakapag hilamos oh", sunod-sunod kong reklamo sa kanya.
"Anong bakit?.Gagala tayo remember?.Saka maliligo ka at di ka maghihilamos lang!.Naka handa na'din ang almusal sa baba. Kaya pwede ba bilisan mo maligo ah!",utos nya sa'kin.
Oo nga pala, napag usapan na namin bago pa kami pumunta dito na papasyal nga kami before kami bumalik ng Manila. Si ate talaga, di nagpapa awat. Ngiti at kamot nalang tuloy sa ulo ang sinagot ko sa kanya.
"Oh, eto ang isuot mo, pwede ba pumasok kana sa banyo! Bilisan mo ah hihintayin kita sa baba!" –utos ni ate na naka ngiti lang sakin sabay tulak nya sakin papunta sa banyo.
Iniabot lang nya sakin ang damit na napili nyang suotin ko, may taste naman sya when it comes to fashion kaya ok na sakin to. Saka sya lumabas ng kwarto at sinara na ang pinto. Nagmamadali sya ah, haay sa'n kaya kami pupunta. Bahala nga sya. Sumunod nalang ako s autos nya at nagmadali na nga ako sa pagligo at pagbibihis.
Pagka'baba ko, dumeretso na'ko sa kusina, nakita ko si ate Lyra na kumakain.
"Good morning Kyle", salubong na bati sakin ni ate Lyra na parang nang-aasar dahil ginising nya ako ng maaga.
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
Roman d'amourMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...