Kyle's POV;
Yes, nakilala na nya ko!. Natuwa naman ako kahit na kahit ang bilis magbago ng moods nya e ramdam kong gusto nya 'ko maging kaibigan.
Ang 'di ko lang maintindihan e kung sino yung sinasabi nyang girlfriend ko. Pero malamang si ate Lyra yun, sya lang naman yung huling kasama kong namili sa store na pinag'trabahuan nya sa Tagaytay e. Ipapaliwanag ko sana 'yon sa kanya kaso mukhang magsisimula na ang klase kaya muli na naming ibinaling ang atensyon namin kay Sir.
Natapos nga ang klase. Sya.,ayun nakaupo lang at mukhang nahihiya pa. Pero ako nakikipag kwentuhan na sa mga barkada ko na classmate din namin.
Nang biglang.."Araaay!", may humatak sa'kin, paglingon ko'y si RC lang pala.
Pero imbes na sumagot sya'y hinatak lang nya ko uli palabas.
"Teka nga, ba't ba aray ka ng aray?.'Di naman masakit ang paghawak at paghatak ko sa'yo?", aba, sya pa ang galit? Masakit kaya.
"E kasi po medyo masakit po ang braso ko,..Ahhmm, may babae po kasi kaninang bumanga sa'kin, medyo napalakas 'yon kaya nagamit ko itong braso ko na pang tukod para di lang ako bumagsak sa lupa. At alam mo ba kung anong malala do'n? Ni 'di man lang sya nag sorry..As in..Tapos ngayon eto nanaman sya't hinahatak ako sa di ko malamang dahilan", napangiti nalang ako no'ng naalala ko ang ginawa nya kanina.
"Ahhh..eh, sorry, di ko talaga sinasadya. Nagmamadali kasi ako kanina kaya di kita napansin",nalungkot naman bigla ang mukha nya.
"Ok, apology accepted..",pinatawad ko na, mukha nang iiyak e..hehe "E para saan naman yung paghatak mo sakin ngayon?",pa cute kong tanong.
"Ahhh, ehhh, iniiwas lang kita sa mga babae noh! Baka makita ka ng girlfriend mo sige ka", iniisip talaga nyang girlfriend ko si ate Lyra.
"Iniiwas mo'ko sa ibang babae, pwera sa'yo?", I asked her with my sexy voice.
I really wanna know why kaya sinubukan kong ilapit ang sarili ko sa kanya para malaman kung anong magiging reaksyon ng mata nya. I don't know, feeling ko kasi malalaman mo kung nagsisinungaling ang tao pag di sya makatingin ng diretso.
Hinawakan ko pa ang dalawang balikat nya para maiharap sya sa'kin, sabay lapit pa ng konti sa kanya. Wala e, feeling close ako e hehe. Pero ba't parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang ginawa ko yun. Unexplainable pero masarap sa pakiramdam.
"Ahh..ehhh..."sasagot na sana sya kaso, bigla namang nag vibrate ang phone ko, sinabi ko muna kay RC na sasagutin ko ang tawag na yun saka ako lumayo sa kanya ng bahagya.
Si ate Lyra ang tumawag.
"Hello ate? Napatawag ka?", ako sa kausap ko sa phone.
(Hello Kyle, what time lunch break mo? Emergency lang), si ate.
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomanceMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...