Kyle's POV:
Pinag buksan ako ng pinto ni Marco, may kabigatan kasi, at alam kong alam nya na iuutos ko din yun sa kanya kaya nagkusa na sya hehe. Pero una padin syang pumasok sa loob ng store.
Sa pinto palang ay sinimulan ko nang ilibot ang mata ko. In all fairness kahit maliit yung establishment e maganda at malinis naman sa loob at labas. May 14 na magkakatalikod na estanteng wari ko'y hangang tenga ko lang siguro na lagayan para sa ng iba't ibang uri ng junk food. May sariling lagayan naman ang iba't-ibang klase ng sweet products.
May lagayan din na para sa personal na gamit ng babae at lalake. May mga ref at freezer na lagayan ng ice cream, soft drinks, chocolate drink, juice etc.. Sa bandang wall naman ay may lagayan ng magazine at iba pang reading materials at katabi nga no'n ay ang lagayan kung nasan ang wine at iba pang alcoholic drinks. Sa loob pa ng store ay may 2 lamesa na may tig 4 na upuan, upuan siguro ito ng mga customer na gustong dito mismo mag meryenda sa loob ng store.
Pero di lang yun ang napansin ko, sa paglibot ng mata ko'y may nakita akong babae, maganda sya, medyo bilugan ang mata, maliit ang pulang mga labi, maputi at makinis. Matangos ang ilong nya. Siguro nasa 5'5 ang height.
Naka white polo na my lining na red yung dulo at naka black na skirt, siguro eto ang uniform nila dito Naka black doll shoes at naka stockings din sya pero halatang maputi din ang legs nya, hehe. Naka pusod sya ng buhok pero kita kong maganda at makinis din ang batok nya. Alam mo yung pakiramdam na para syang naggo'glow nong makita ko sya. Kaso mukang mataray e.
Pag pasok palang kasi namin ay nakita ko nang naka kunot na ang noo nya habang nag aayos ng mga tinda sa isang estante malapit sa counter. But she's interesting tho.
Naglakas loob na'kong kausapin sya, kung bakit?.Hindi ako sigurado..at kung anong sasabihin ko?.Bahala na..
"Hi ate,.ahmm..san po yung wine section?", tanong ko na kunwari ay di'ko alam kung san naka lagay yung mga alcoholic drinks.
Hala, kamuka sya ni Sue Ramirez sa malapitan, yung gumanap ng Ligaya sa Pangako Sa'yo. Ang ganda ng bilugang mata nya. At ang bango nya pa..
Pero bukod kay Sue Ramirez, may isa pa syang kamuka na 'dati' kong kakilala, bigla naman akong natuwa na may halong lungkot sa naisip ko na yun. Pero ang alam ko, hindi 'tong babae na 'to yung taong yun. Ibang-iba, sophisticated yung dati kong kakilala, sosyal in lay man's term. Pero itong nasa harap ko, simple lang pero rock! hehehe
I smiled at her..yung malaking smile..pero sya...1..2..3 DEADMA!.
Blank stare lang sabay kunot ng noo ang sinagot nya sa'kin na parang di nya ko narinig. Kita ko din ang pag pula ng mukha nya, di ko lang alam kung bakit.
"Ah,..ate san po yung wine section?", pag ulit ko sa sinabi ko, nag assume nalang ako na di nya ako narinig kanina.
Hala sya, tinalikuran lang ako. Tssk, konting push pa kala mo te ha.. ^__^
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomanceMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...