Chapter 34; My Groupmates

2.8K 62 0
                                    

Kyle's POV


Mukha namang mabait ang mga nakilala naming mga lalaki. Ang isa pa'y 'di ko sila pwede sungitan dahil bisita nga sila ng resort.


Ang nakaka-inis lang talaga e yung lalaking katabi ni RC na kanina pa halatang nagpapa-cute a kanya..Pssshh kung di lang 'to bisita dito'y pinitik ko na ang kamay nito. Kanina ko pa kasi nahahalatang pasimple ang pag hawak sa balikat ni RC ee. Kahit nga nong nanlibre sila ng dinner e panay ang kindat kay RC, sarap tusukin ng mata..


Pero syempre, 'di ko pwedeng ipahalata na bwisit ako sa nakikita ko. Nakow kung nakakamatay lang ang pagtingin ng masama e kanina pa to bumulagta dito. Masyado kasing pa'pogi..


Mabuti na nga lang e nag-aya na si ate Lyra na bumalik na sa mga kwarto namin, mukhang antok na din sya kaya nagpaalam na din sila agad sa mga taong naghatid pa sa kanila, ay sa'min pala..


Ilang minuto pa'y andito na din ako sa designated room ko. Ang nakakaloko'y di ko naman mahanap ang antok ko. Mukhang na-traffic pa at tumambay sa kwarto ng iba.


Inis pa din kasi ako sa mga nakita ko kanina..Kung pwede lang sabihin kay RC na ayoko ng may ibang humahawak sa kanya'y ginawa ko na..


'Ano kaya kung sabihin ko yun sa kanya, or kahit mag good night nalang ako?',inis na nasabi ko sa sarili ko habang napapa face palm pa dahil sa thot na gusto ko na matulog kaso 'di ko naman alam kung bakit 'di ko 'to magawa. Pakiramdam ko kasi'y may dapat ako gawin na hindi ko alam..


'Lalabas nanga lang ako para magpahangin..baka sakaling antukin ako,' ito nalang ang nasabi ko sa sarili ko bago ako tumayo sa higaan.


Pero nagulat nalang ako nang pagbukas ko ng pinto'y palabas din pala si RC. 'San kaya sya pupunta?' Ang sexy padin nya, naka maong na short-shorts lang sya tsaka naka white t-shirt na maluwag. She's drop dead gorgeous, I can even die only staring at her. Mukhang patulog nadin sya, pero saan kaya ang punta nito?.


Nang tanungin ko naman sya'y titig lang ang sinagot nya sa'kin. Ang nakakaloko pa'y tulala lang sya na 'di ko maintindihan, pero parang nakaka'turn-on naman ang makahulugang titig na iyon. Napansin ko pa na bahagyang naka buka ang bibig nya, para syang natutulog ng nakatayo..


"Sh*t..Kyle..",sya. Nagulat pa'ko sa sinabi nya na halatang lutang padin na 'di ko maintindihan


"Huh?", napataas nalang tuloy ang kilay ko dahil doon. 


Teka..anong sinagot nya sa'kin? Nag i-sleep walk ba sya? Mukha namang hindi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti, ang cute nya kasi. Para syang biglang nabuhusan ng malamig na tubig na tarantang tumayo ng tuwid at tumingin ng matino sa'kin.


"Huy Klang..sabi ko 'di kaba 'kako makatulog?",ako padin na medyo nagtataka sa inaasal nya.


"Medyo ee.",sagot nya na parang naalimpungatan 


Natatawa talaga ako sa taong 'to, napapangiti nalang tuloy ako sa mga inaasal nya. Para kasi syang biglang nagising sa pagkakatulog, yung parang naligaw kung saan at nakabalik sa realidad.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon