Chapter 18; She's With Him

2.6K 68 2
                                    

Kyle's POV;


Palapit na'ko sa kanila, nagbeso naman agad sa'kin sila Jane. At si RC?,ayun parang di ako nakita.


"San si Ate Lyra?", si Mitch.


Ako naman nakatingin pa'din kay RC at sa kasama nya.


"Ah, umalis na. May pupuntahan pa daw kaya sa gate nalang nya 'ko hinatid", ako habang nakatingin padin kila RC.


"Sino 'to?",tanong ko kay Mitch tungkol sa kung sinong kasama ni RC.


"Ah,.kaibigan daw nya, classmate daw nya no'ng elem", si Jane habang nakangisi lang sa'kin.


Sila RC naman at yung lalaking kasama nya'y nagkukwentuhan lang na parang di ako nakita.


"Ah,.tara na sa loob. Mukhang busy naman na si RC dito sa labas e", inis kong hinatak si Jel papasok sa loob ng classroom, sumunod naman na sila Debbie sa'min papasok.


Maya-maya pa'y, pumasok na din si RC sa loob ng classroom, at mukhang may ka text ha. 


'Kakakausap lang nila, text naman ngayon?',inis na sabi ko sa sarili ko kahit 'di ako sigurado kung sino ang katext nya. Minabuti ko nalang na 'wag muna sya pansinin, tutal mukhang di naman nya nahalata na andito na'ko e.


Pero hinayaan ko namang kausapin sya ng mga kaibigan ko, at mukhang close na nga talaga sila.


Pagtapos ng lahat ng afternoon class namin, sa wakas nga'y uwian na. Nakita ko namang may gwapong lalaki na naka'tayo sa labas ng classroom namin, mukhang may hinihintay ito. Isa-isa nang lumabas sa classroom ang mga blockmates ko, kaya naman lumabas nadin kaming anim.


"Hi", sabi ng lalaki sa isa sa mga kasama ko.


At nagulat nalang ako na nakangiti na si RC pabalik sa kanya.


Oo ngapala, ito nga yung lalaking kasama nya kanina. In fairness, gwapo nga ito't matangkad pa.


"Hi", bati ni RC pabalik sa lalaki habang lumalapit sya dito.


At base sa mga kilos nila'y mukhang matagal na nga silang magkakilala.


"Pauwi kanaba? Ok lang sabayan na kita?", yung lalaki.


"Sige ikaw bahala", sagot ni RC sa kanya sabay ngiti.


"Oh guys, una na'ko ah. Punta muna ko sa mga team mates ko", ako habang kausap sila Jane.


"Nag text kasi sa'kin si coach tungkol sa try-out bukas, if you want e mauna na kayong umuwi, 'di din kasi ako sure kung matatagalan ako e", ako ulit kila Jane.


'Di ko na nilingon si RC, mukhang ok naman na sya sa kasama nya at mukhang may maghahatid na sa kanya pauwi. Ayoko din kasi ng nararamdaman ko kaya umalis nalang ako agad.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon