Chapter 38: #WOMANIZER

2.3K 57 5
                                    

Kyle's POV

Second sem na, pasukan nanaman as usual. Halos 1 week na din ang nakalipas matapos naming umuwi from our resort at Zambales. Nakabalik na nga rin sila Phil sa Japan e.

Ayun, back to normal ang lahat na parang walang nangyare..

Ako?. Eto tuloy ang pag iwas kay RC dahil nga mula nang umuwi kami rito ay balita ko nama'y puro date sila ni Mark na mukhang sinusulit ang bakasyon nila.

Paano ko nalalaman?..As usual, kinukwento lagi sa akin ni Debbie lalo na pag nagpupunta sila sa condo ko. Naalala ko pa nang minsang mag slumber party kami sa bahay..kung anong dahilan? Wala lang..Nagkayayaan lang para daw masulit namin ang bakasyon.

..Flashback..

"Nakow, sobrang busy nila RC..Inaya ko last time tungkol sa lakad natin na ito pero may lakad daw sila ni Mark e", si Debbie na malungkot na nagkukwento nang isang araw na nandoon nga kami sa condo at nagmo-movie marathon.

"Hayaan nyo na..Baka sinusulit lang nila ang bakasyon..Pasukan nanaman next week diba?", si Jane na tutok sa pinapanood.

"Oo nga hayaan na natin..bitin kasi ang bakasyon..Ba't kasi 2 weeks lang ang sem break e..", si Jel habang kumakain ng pop-corn.

"Malamang din naman nyan e sila nalang ng sila ang magkasama sa pasukan. Naku, balita ko pa ay isinama sya ni Mark sa probinsya nila..I wonder kung ano nang ginagawa nila ngayon..", si Debbie na may pilyang ngiti.

"Debbie..Ikaw talaga kung ano-anong nasa isip mo!", pag awat ni Mitch sa kaibigan.

"Oo nga..Kahit kelan malisyosa ka!", si Jel naman.

"Kayo talaga.. joke lang..hmmp..", sagot ni Debbie sa mga kaibigan sabay irap pa.

"Teka, san mo naman nahagilap ang balita na yan?", si Mitch na tutok pa din sa pinapanood namin.

"Edi kay RC..kanino paba?..Magkatext kasi kami last day,..ayun inaya ko..Kaso di daw makakasama may lakad daw sila ni Mark e", medyo disappointed na kwento ni Debbie.

"Grabe sila na talaga..Hanggang kelan kaya ako single? Hahaha.." si Mitch na parang nangangarap pa ng gising.

"Bakit..may nanliligaw ba sayo?", sabat ni Jel.

"Your so mean..malay mo tulog pa yung forever ko until now..kaya di pa nya ako nakikita..Hahaha.."sagot naman ni Mitch.

"Baka naman ayaw nang gumising? Hahahaha!", pang aasar ni Debbie kay Mitch.

"Wow..nagsalita ang may boyfriend..hmmp", sagot ni Mitch kay Debbie

"Oh edi si RC na ang may Mark..diba Kyle?", si Debbie na halatang pang asar yung way ng pagtatanong sa akin.

"Tigilan nyo ngang pag-usapan ang taong wala!", medyo irita ko nang singit sa kanila.

Honestly ayoko nang marinig pa yung thot na kung gaano sila kasaya. Ang gusto ko lang ay hayaan din sila at mag enjoy sa mga bagay na meron ako.

"Hey..chill lang..nagbibiruan tayo diba?", si Jane na halatang nag-aalala sa akin.

'Oo nga..nagbibiruan lang kami..pero parang apektado nalang ako lagi lalo na pag tungkol sa kanila..Ano nga kaya ang ginagawa nila ngayon..haaays..'

Napatahimik nalang tuloy din ang mga kaibigan ko't napilitan silang ituon ang atensyon nila sa pinapanuod namin at palitan ang topic na pinag-uusapan. Napansin ko namang malungkot nakatingin lang din sa akin si Jane. Marahil ay gets na nya ang ibig kong sabihin.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon