Kyle's POV;
Nakaalis na nga kami ni ate Lyra sa school at ngayo'y nandito na sa isang mall na malapit lang sa school.
Pagtapos nga naming mamili ng damit ni ate e nandito na kami ngayon sa isang restaurant sa loob ng mall para kumain.
"Sya 'yun di'ba?", nakangiting sabi ni ate Lyra habang kumakain.
"Sino?", taka kong tanong sa kanya.
"Yung girl sa Tagaytay noong bakasyon..Si Miss Sungit..",sya na nakapa wide ng smile.
"Ah..oo", tipid kong sagot habang nakatuon padin ang atensyon ko sa pagkain.
Nagulat nalang ako nang kurutin ni ate Lyra ang pisngi ko, at halatang tuwang-tuwa sya sa tipid na sagot ko.
"Outch, ate ano ba?", medyo inis kong sabi sa kanya.
Ang lakas kaya nya mangurot. Yung akala mo e babaklasin yung pisngi mo, partida nangigigil lang sya nyan ah..
"Anong ano ba?. Remember what I have told you last time?"- sya.
At napakunot lang ang noo ko sa kanya dahil sa totoo lang ay di ko sya maintindihan.
"Haay, matalino ka pero minsan ang slow mo", naka smirk lang na sabi nya sa'kin. "Yung, kung kayo talaga e makikita mo ulit sya", kilig na kilig na sya this time. "Ayan na sya oh"-sya.
"Ate, ano bang pinagsasabi mo", tugon ko sa kanya.
Sa totoo lang e naalala ko ang sinabi nya na 'yon pero paano kung mali sya? Paano kung pag sumubok ako e magkamali lang ako ulit.
RC is special, sya yung tipo na pagnakikita ko e parang sya lang yung tao sa paligid ko
Yes she's simple but her simplicity makes her more beautiful. Pero pa'no kung di pala totoo ang destiny? And worst pa'no kung 'di pala nya 'ko gusto o magustuhan man lang? Napailing lang ako sa mga naisip ko tungkol sinabi ni ate Lyra. Yumuko ako't binaling nalang ulit ang atensyon sa pagkain.
"Hey, chin up", si ate Lyra habang hinahawakan ang baba ko para tignan ako sa mata.
"You like her right?", si ate na naka ngiti lang.
"Hindi nga", tipid kong sagot
"E ano yan Love? Na love at first sight ka?", pangungulit nya
"Ate walang ganon"-ako
"E di Love at second sight! Hahaha", sya padin.
BINABASA MO ANG
Miss Sungit and Me (gxg)
RomanceMiss Sungit and Me (gxg) Author's Note: Ang lathang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang, lahat ng tauhan o lugar na naabangit ay likha lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakataon na aking nagaya ang ibang kwento o pangalan sa ibang...