Chapter 5; Regrets

3.7K 101 6
                                    

RC's POV:


Pansin ko naman na gusto nya ko kausapin, kaso ewan, natataranta ako pag nagsasalita sya. Ba't ko ba kasi inisip na lalaki sya. Sana nga kasi lalaki nalang sya.


Nakita ko naman si Jaimee na kausap yung maliit na lalaking kasama nya, taong to talaga oh, nag harot nanaman..tssk!


"Nakakapagod noh?..RC?." – sya.


Teka anong ibig nya sabihin sa sinabi nya? Akala nya siguro wala akong ginawa kanina! Purkit ba nakatingin lang ako kay Jaimee na kasalukuyang nag aasikaso sa kanila?!


"Huh?", tipid kong sagot.


Iniiwasan ko kasing may masabi ako, besides customer padin sila. Teka, pa'no nya nalaman ang pangalan ko? Napakunot tuloy ako ng noo.


"Aah..sorry, nabasa ko kasi sa pin mo,.yan oh RC"- sya ,sabay turo sa pin na nasa dibdib ko.


Parang nabasa nya yung huling inisip ko ah.


"Ahh..", tipid kong sagot.


Kinausap sya ng kasama nya para sa bayad ng napamili nila, binigay naman nya yung credit card nya.


 Nag try ulit syang kausapin ako, pero tango lang ang sagot ko sa kanya sabay tingin sa malayo. 'Di ko naman kasi alam kung anong trip nito ang kinakausap ako.


Maya-maya pa'y nag ready na sila para umalis. Pero bago sila umalis ay ngumiti at nagpaalam sya sakin, syempre ikinagulat ko yun. Pero ngingitian ko sana sya pabalik kaso tumalikod na sya para lumabas ng store. Saka ko binalik ang mata ko sa cash register.


Narinig ko nalang na umalis na yung sasakyan nila sa labas ng store.


Sumulyap pa'ko para i'check yung kotse. Haay wala na nga sila, pero ba't ganon? Nakaramdam ako ng panghihinayang na sana kinausap ko nalang din pala sya.


Taga dito lang din kaya sya? Kung OO, malamang e babalik din yun. Pero kung taga dito nga sya, ba't ngayon ko lang sya nakitang bumili sa'amin?. Ahh ewan..Back to work na nga lang!.



"Huy girl, ano yun ha?"- si Jaimee na naka kunot ng noong nakatingin sa'kin.


"Alin ba?" – taka kong tanong kay Jaimee.


"Yung ginawa mo kanina! Aba te dini-deadma mo yung customer, tapos tinalikuran mo pa! Kung di ko sinagot yun e malamang nagmukang tanga yun..Kaw talaga oh!"- Ang haba ng sermon nya.


"Kasi naman teh!...Ewan ko..Baka pagod na'ko, sorry na?" –napa pout yung nguso ko habang pilit na nagso'sorry kay Jaimee na halatang nainis din sa ginawa ko kanina.


"Ok na nga te, next time ha"- sagot nya sakin.


Halatang naguluhan din sya sa sagot ko at tinangap na din nya yun dahil ayaw na nya akong kulitin pa.


Lutang padin ako, e paano ko nga naman kasi sasabihin sa kanya na inatake ako ng ka'gaga'han ko kaya napilitan akong mag suplada kanina sa customer. Nakow pag inulit ko pa toh e lagot na'ko sa management, buti nalang kasundo ko si Jaimee at alam kong 'di nya ako isusumbong, hehe.


**********************

A/N;


Ok last na talaga to for today. Medyo konti lang, sasabog na kasi ang laptop ko ee..Charot!..

Sana makareceive na'ko ng comment..Para mas masaya tayong mga Pilipino..yOhoho.. ^__^


Ciao..

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon