Chapter 3; The Grand Entrance

4.4K 122 0
                                    

RC's POV:


Ilang saglit pa, pareho kaming napatingin sa labas ni Jaimee nang may nakita kaming nagpa'park ng kotse sa may parking area ng store, may customer na kami ulit.


Mukang mayaman yung nasa loob ng kotse, naka Porsche Boxster 2015 na kulay grey e, alam ko yung ganitong kotse kasi sabi ko sa sarili ko pag yumaman ako e bibili ako ng mamahaling kotse kaya mahilig na'ko mag search sa net ng model ng kotse na pwede kong magustuhan, di naman masama mangarap e hehe.


Saglit na nagkatinginan pa kami ni Jaimee nong nakita namin yung taong unang bumaba sa kotse. Gwapong lalaki, maputi, chinito, clean cut yung hair, kaso yung height siguro nasa 5'4 lang, parang maliit na version ng artista na..sino nga ba yun?.Ah!..Si Jake Cuenca! ^__^


Nakadadag pa sa angas ng dating nya yung suot nya, kasi naka long sleeve sya na black, naka straight cut na color blue na pants at naka low cut shoes na chuck.


That moment, napatingin ulit ako kay Jaimee na halatang kinikilig, nakita ko kasi syang naka ngiti habang nakatingin sa kung anong ginagawa ng lalaki sa labas ng store and I was like 'sabi ko na kinikilig sya e hehe'. ^__^


"Mata mo te, makita ka ng boyfriend mo sige ka..hehe" biro ko sa kanya.


Halata kasi yung kilig nya habang tinitignan pa din nya yung nasa labas habang inaayos din nya yung ibang display sa counter's area, at ako, eto balik ulit sa pag-aayos ng mga junk food sa lagayan.


"Huwag ka nga, papasok na sila"- sya na biglang napatahimik.


Narinig ko nalang na bumukas ang pinto ng shop tanda na papasok na nga sila. Teka..sila? Isa lang yung nakita ko ah, kaya saglit ulit akong tumingin sa pinto para makita yung papasok. Una ngang pumasok yung maliit na gwapong lalaki.


May kasunod nga sya, nang ma'confirm ko na dalawa nga sila e ibinalik ko nalang agad ang mata ko sa ginagawa ko kahit di ko nakita ung itsura nong kasama ng maliit na lalaki.


Saglit pa ay nagulat nalang ako nang mula sa likuran ay may biglang kumausap sakin. Confusing yung itsura nya, mukha kasi syang lalake pero sobrang feminine naman ng muka nya. Napatitig ako ng bahagya sa kanya, aba gwapo ang isang to..


Halatang mayaman, makinis yung mukha na parang walang pores, matangos yung ilong, hindi nga naka clean cut pero mabango sya ah. Hindi sya naka lipstick pero mapula yung labi nya. Kahit na naka suot sya ng malaking eye glasses na halatang wala namang grado e kita ang maganda at kulay chestnut brown nyang mata.


Matangkad sya, siguro nasa 5'7 kasi bahagya akong napatingala nong lumapit sya sakin e. Maporma pa, naka hoodie na kulay grey, naka skinny pants na black at naka cap na white at naka shoes ding chuck na white. Mukha syang girl version ni Enrique Gil.


Teka girl ba to or boy?.At ano nga ba ulit yung sinabi nya?.Napakunot tuloy ang noo ko no'ng inisip ko kung ano nga ba sya at kung anong sinabi nya.


"Ah,..ate san po yung wine section?" pag ulit nya sa sinabi nya.


Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon