Chapter 30; How Humble She is

2.5K 55 0
                                    

RC's POV


Nang makaalis nga kami'y nagpasya si ate Lyra na sya ang magsakay sa'kin, kung bakit ay 'di ko din alam.


Noong una'y medyo nalungkot ako dahil gusto ko talagang si Kyle ang makasama ko sa byahe. Pero dahil ayoko namang umarte pa ay sumang-ayon nalang ako kay ate Lyra. Nakita ko din namang pumayag si Kyle na sa pinsan nya ako sumakay, nakakalungkot lang ay baka ayaw nya din naman ako makasabay.


Sa loob ng sasakyan, habang binabagtas namin ang kahabaan ng express way...


"RC, kamusta kayo ni Mark?", pagsisimula ni ate Lyra ng conversation.


"Ok naman po.", tipid kong sagot.


"Mahal mo ba si Mark?.", nagulat talaga ako sa tanong nya na'to.


"Oo naman po", tipid kong sagot pero 'di naman ako makatingin sa kanya.


"Oo NAMAN? Pasensya na ha, ba't parang 'di ka sigurado?.", pang uusisa nya.


Napatahimik nalang ako sa huli nyang sinabi. Sa totoo lang ay 'di ko talaga makuha ang point nya, kaya medyo nagugulat ako sa way ng pagtatanong nya sa'kin. Pero ang alam ko lang ay kailangan kong sagutin ang mga tanong nyang iyon kahit pa hindi ako sigurado sa isasagot ko.


"Anong tingin mo kay Kyle?", sya ulit.


"Po?", ako na medyo naguguluhan sa kung anong gusto nyang isagot ko.


"I mean ano si Kyle para sa'yo..Yung traits nya na pwedeng magustuhan ng lahat", sya habang busy padin sa pagda-drive.


"Ah si Kyle po, lahat na po ata ng magandang katangian e nasa kanya na. Mabait, matulungin, caring. Natutuwa nga din po ako dahil humble sya. Madami syang traits na katutuwaan mo, yung iisipin mong hindi sya mayaman sa sobrang simple nya. Yung araw-araw na makikilala mo sya'y lagi kang may bago at magandang katangian na madidiskubre sa kanya.", sagot ko.


"Nice..At least alam kong sigurado ka sa sagot mo. Walang hesitations e hehe.",sya sabay ngiti sa'kin.


Medyo nahiya naman ako sa nasabi nya. Totoo naman kasi yung description ko kay Kyle, mukhang may kulang panga e. Dahil 'di mauubos yung magagandandang bagay na madidiskubre mo sa ugali nya.


"Paano kung sbihin ko sa'yong gusto ka ni Kyle?", seryosong sinabi ni ate Lyra.


"Po?", ako na 'di makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.


'May gusto sa'kin si Kyle?' Saglit lang ay nakaramdam naman ako ng tuwa mula sa sinabi nya. Parang musika sa tenga ko ang mga salitang yun. Napangiti naman ako habang nakatingin sa view mula sa labas ng salamin ng sasakyan ni ate Lyra.


"Kaso may boyfriend kana e, yaan mo na nga lang.."- sya ulit.


Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon