Chapter 22; The Flirts

2.7K 75 0
                                    

RC's POV;


Ngayon nga'y napilit ako ni Jane na sumayaw sa dance floor. Ba't ko pa kasi nabangit yung 'Cheerleader e, yan tuloy. Pero wala namang nakakakilala sa'kin dito kaya kinapalan ko nalang din ang mukha ko sa pag sayaw.


Napansin ko naman hinahatak na nila Debbie si Kyle papuntang dance floor, malamang e pagkatapos sa'kin e sya naman ang inasar ng mga ito para magsayaw.


Ito na nga sya sa harap ko ngayon, noong una'y tinititigan lang ako ni Kyle pati lahat ng sumasayaw sa gitna kahit nandito nadin naman sya sa dance floor. Mukha naman kasing di talaga sya mahilig magsayaw tulad ng sinabi nila Mitch sa'kin kanina. Kaya eto nakatayo lang din sya sa harap ko.


"Dance with me..tonight", I whispered to her habang naka kapit ang braso ko sa leeg nya.


I really wanna see if at least she can dance.


At di nga ko nabigo dahil maya-maya'y nakipag sabayan nga sya sa'kin sa pag sasayaw. 'May itinatago pala syang talent dito, magaling syang sumayaw', tuwang sabi ko sa sarili ko.


Pero habang sinasabayan nya ko'y para naman akong napapaso sa init ng katawan nya habang napapadikit ito sa katawan ko. Andyan nanaman yung pakiramdam na 'di ko maipaliwanag, pero ang alam ko lang ay natutuwa ako sa twing naglalapit ang mga mukha namin.


Nagulat nalang ako na di ko maipaliwanag nang nag automatikong napayakap ako sa babaeng kasayaw ko. Yung parang nag fade lahat ng lakas ko't unti-unti kaming bumagal sa pagsasayaw.


'Di ko alam kung dala ba'to ng kalasingan o dahil lang sa pagod ako o kanina ko pa talaga gusto maramdaman ang yakap na'to. Pero ang alam ko lang ay ang sarap sa pakiramdam ng init ng katawan nya.


"Hey, are you tired? Gusto mo na'ba umupo muna?", she ask.


She suddenly cupped my face habang nakatingin sa mata ko. Sa totoo lang ay ang sarap sa pakiramdam ng mga hawak na iyon na para bang kami lang ang tao sa loob ng maingay at mausok na bar na ito..


Tumango naman ako bilang sagot. Alangan namang sabihin kong 'hindi pa at yakapin lang nya ko 'diba?' Kaya inihatid nga nya 'ko sa pwesto namin kanina. Pansin ko namang di na sya bumalik sa dance floor para umupo sa tabi ko't samahan nalang akong magpahinga.


"I thot you don't dance? Ang galing mo kaya kanina", ngiti kong sabi sa kanya.


"Yes I said I don't, but I never say I can't", sya sabay kindat sa'kin.


Ang yabang ng tono nya pero ba't parang 'di ako nainis man lang sa sagot nya na yun. Bumalik na nga sya sa pag inom ng drinks na hawak nya kanina.


"You don't? Pero ba't nagsayaw ka?", pabiro kong sagot sa sinabi nya.


"Coz you ask me to.. So I did..With you..Only with you", she answered using her sexy voice.


Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon