Chapter 2; At My Stop

5.6K 109 0
                                    

RC's POV:
 
   
Haay nakakapagod, 10pm palang e pagod na'ko, e paano ba naman, yung kapalitan ko ng shift, di man lang inayos yung storage na pinag kukuhaan nila ng mga items kanina, basta nalang makakuha ng paninda sa box, di man lang mag ligpit! E kung dagain to? E'di mas lagot kami pare-pareho!
  
  
Ako pa tuloy yung tumutulong dito sa storage helper at checker para mag ayos ng kinalat nila. Isa din kasing tamad yung pang umagang helper at checker, ayun hindi man lang tinapos yung na ginawa nila, pati inventory 'di din tapos. Kailangan pa naman daw yun mamaya kaya nag presinta na akong tumulong.
  
  
Maliit lang naman tong dept. store na pinagta-trabahuan ko, 5 lang ang tauhan sa 6pm-2am na shift 2 cashier, 1 storage helper, 1 checker at 1 guard, compare sa pang-umagang shift na may 3 chashier, mas madami sila kasi mas madami daw ang customer sa umaga.
  
  
Multi-tasking din naman kami dito, pag madaming gawa e nag tutulong-tulong kami para lang may matapos, tulad ngayon tumulong ako sa pag aayos at pag check ng stocks sa stock room, ginagawa namin to para malaman namin kung ano ang kailangan na naming i'request sa head office na iba't-ibang product para sa store namin.
  
  
"Kuya Roy, we're almost done, kaya nyo na ba? Baka kasi may mga customer na sa labas."- tanong ko sa checker na ka shift-ko.
   
  
Nasa 38 y/o na sya, 10yrs na sya sa trabaho nya sa company, dating storage helper lang din sya ng company hangang sa naging driver at dahil sa kasipagan e naging checker kaya kahit high-school lang daw ang tinapos nya ay naging checker sya after 5yrs nya sa company.
  
  
"Sige ija, kaya na namin ni Alvin 'to, salamat ulit sayo" –sya, sabay ngiti at turo kay kuya Alvin.
  
  
"Opo Ma'am, isi-sealed nalang naman po ng packing tape yung mga box ng junk food at mga alak e" – si kuya Alvin.
   
  
Sya naman ang storage helper namin, bago palang din sya tulad ko, nauna lang daw sya sakin ng 1 month sa dito, 23y/o pa lang din sya, batang naging ama kaya di nakapag tapos dahil kailangan na daw nya mag hanap buhay para sa pamilya.
  
  
"Sige po kuya, baka kailangan na din kasi ako ni Jaimee sa labas e"
  
  
Bigla kong naisip yung kasama ko sa counter's area, baka ang dami nang nakapila na bumibili sa kanya, pero buti nalang gabi na at wala na masyadong tao bukod sa mga namamasyal ng gantong oras sa mga theme park dito sa Tagaytay. Kaya bumalik na ako sa area ko para tulungan naman sa counter si Jaimee.
  
   
Di pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Rhea Claire Samonte, 18 y/o, working student, di naman kami mayaman e, security guard ang Papa ko at Tindera sa palengke ng Mama ko, kagandahan nga lang e kami yung may-ari ng tinitinda ni Mama sa palengke ng Balintawak.
  
  
Originally sa Manila area talaga dapat ang working base ko, dito lang talaga sa Tagaytay ang training ground ng mga cashier na newly hired. Yun daw kasi ang policy ng company, para din daw malaman kung gaano ka willing ang tabahador sa pinapasukan nila. Bakasyon naman kasi ngayon kaya ok lang sakin na mapunta sa ibang lugar, besides 2 months lang naman ang training kaya 2 months lang din ako mamamalagi dito, actually 1 week na nga lang e, malapit na kasi matapos ang training period ko at makakabalik na din ako ng Manila. 
   
   
Swerte nga ko sa napasukan ko dahil nagre-regular sila kahit working student ka, kailangan mo nga lang magpasa ng schedule mo sa school para malaman nila kung anong day at time ka pwede pumasok ng 8 hours every week, minsan kasi 4-6 hrs lang ang pasok ng mga tulad kong working student, swerte din at may kamag anak naman kami dito kaya may natutuluyan ako.
  
     
"Haay kapagod te!"- ako habang papalapit kay Jaimee, inaayos ko na din yung mga naka lagay sa estante, mejo magulo din kasi sa kakakuha malamang ng mga customer na bumili dito kanina.
  
  
"Ok lang yan te, konting oras nalang naman e, 10:15 pm na oh" – si Jaimee sabay turo do'n sa wall clock na nakadikit sa left side ng store.
  
  
Nasa gitnang dulo kasi kami ng store kaya pag pasok palang ng customer e kita na ang counter's area, pero kahit sa labas e kita na kami dahil full glass ang wall at pinto sa harap ng establishment na'to. Cashier din si Jaimee, nasa 20's at tulad ko e working student din sya pero taga dito lang sya sa Tagaytay.
   
   
"May 4 hours pa tayo pero hulas na'ko" – ako habang naka simangot sa pagod at nag aayos padin ng mga estante sa store.
   
     
Ikaw ba naman yung mag mala'helper e, babae po ako oh!, buti na nga lang at di ako nadumihan.
   
   
"Kaw naman kasi, sana hinayaan mo nalang na abutan pa nila yung kalat na iniwan nila, yan tuloy ang aga mo napagod." – si Jaimee na halatang bwisit na din sa mga employee na pang umaga.
   
   
Buti nalang wala nang tao kaya nakakapag kwentuhan kami kahit nasa counter sya at nasa mga estante ako.
  
   
"Yaan na nga natin te, patapos na din naman e"- ako, habang tinatapos ang pag sasalansan ng mga paninda sa estante na pinaglalagyan nito.
   
  
"Anong hayaan, e di'ba straight ka ngayon?"-Sya. Napailing nalang ako sa sinabi nya.
  
  
Hala oo ngapala, straight ang sched ko every Saturday night hangang Sunday morning. Hangang 10am lang naman ako pag Sunday at Monday naman ang day-off ko kaya keri boomboom na yan. At bahala na nga bukas.
  
   
Anyway, kung nagtataka kayo,  ganto kami ni Jaimee, asaran at kwentuhan, bukod kasi sa tugtog mula sa stereo ng store e wala nang ibang tatangal ng antok namin kundi ang pagku'kwentuhan lang.

***************

A/N;

Oh yan, napakilala na natin ang mga main characters ha..

Happy reading.. Free Votes and comment

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon