Chapter 21; At the Bar

2.7K 80 1
                                    

Kyle's POV;


Dahil nga daw walang choice sabi nga ni Jel e ako nalang ang nagsabay kay RC papunta sa dito sa bar. Nagsorry naman ako sa kanya dahil sa inasal ko kanina pero sa sobrang hiya ko dahil doo'y pinili ko nalang na tumahimik habang nagda-drive. Tahimik lang din naman sya't di naglao'y nakatulog din naman.


Pero honestly, parang syang anghel pag natutulog. Parang hindi sya yung babaeng isnabera sa Tagaytay noon. Nagkapanahon tuloy akong mas titigan ang mukha nya, she really has something na unang kita mo palang ay matutuwa kana. Her aura can fit even in the most evil person on earth.


As time runs, nakarating nga kami sa dapat naming puntahan.


Sa parking lot palang ng nasabing establishment at nakita ko agad sila Jane na kasama si ate Lyra, ininvite na din daw ng apat si ate para mas marami nga daw kami. At ayun nga, di pa din sila nakakapsok sa loob at mukhang hinihintay pa ang pagdating namin. Nakita ko namang tinawag nila si RC para lumapit sa kanila.


Sa di kalayua'y napangiti naman ako nang makita ang isang kakilala na andito din ngayon sa labas ng bar nila tita. Mukhang papasok din sila sa loob, kaya nilapitan ko muna para kamustahin. Maya-maya'y napansin kong pumasok na sa loob ng bar sila ate Lyra kasama si RC, kaya nagpaalam na din ako sa mga babaeng kausap ko para pumasok nadin sa loob ng bar.



Sa loob, pareho padin ang ambiance pero may kalakihan ang lugar na ito. Madaming tao, mausok, maingay at tanging party lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Maya-maya'y sinimulan ko na silang hanapin at as usual ay andon nga sila sa paborito naming spot sa loob ng bar. Exclusive lang ang mesa na 'yon para sa'ming magpipinsan hehe.


Paglapit ko sa kanila'y pansin ko namang naka order na sila, 3 tower ng maiinom at iba't ibang klase ng pulutan. Nakita ko ding nagtatawanan na sila at mukhang palagay na nga si RC sa mga kasama pati sa pinsan ko.


"Hey, am I late?", ngiti kong tanong sa limang babaeng nasa harap ko.


"Ofcourse not, tara upo kana", si Jel sabay kindat sa'kin.


Kaya nagdesisyon akong umupo na sa couch katabi ni ate Lyra, bali ako yung nasa dulo ng sofa na pang tatluhan.Pero nagulat naman ako nang 'di nya ko paupuin sa tabi nya.


"Hey, wag ka dito", si ate Lyra at umusog nga sya sa bandang dulo ng couch.


"Dito ka", sya ulit habang pinapalo pa ang upuan bilang senyas na sa gitna ako pumwesto.. Sa tabi ni RC..Nangiti naman ito nang makita akong paupo na sa gilid nya.


"Tagal mo ah, sa'n ka galing?", usisang tanong ni RC sa'kin


"Bakit?,hinihintay mo ba'ko?", biro kong sagot sa tanong nya sabay pa cute na ngiti.


"Huh? Mukha mo!", ismid pero ngiting sagot nya sa'kin.


"Hay.. Kala ko pa naman na'miss mo'ko tssk", pangiting kunwaring nagtatampo na sinagot ko sa sinagot ko sa kanya.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon