Chapter 40; Our First

2.5K 57 1
                                    

Kyle's POV;

"Nice one cuz..That was hot!", bulong sa'kin ni Marco sabay kindat pagkatapos ng mini make out session na iyon.

Pansin ko din naman ang kilig sa mukha ng iba pa naming babaeng kasama.

"Sira!", tipid kong sagot.

Ang totoo, medyo nahihiya talaga ako sa mga taong nakakita ng ginawa ko. Hindi ko naman kasi talaga gawain yun. I'm more on private person kasi. Anyway, andito na 'to kaya nakisakay nalang ako.

Medyo may pag-aalala naman akong naramdaman. Para kasing may parang masamang mata ang nakatitig sa amin kanina. Kung saan galing yun e hindi ko alam, pero kinakabahan talaga ako.

"Hahaha..please next time get a room huh",pang aasar ni Marco.

"Siraulo ka talaga..hahaha", -ako

Napatingin naman ako sa mesa kung nasaan sila RC..

'Okay nasaan na sya?' bulong ko sa sarili ko nang mapansin kong wala nga si RC sa mesa nila habang nakatayo ang lahat ng mga kaibigan ko na parang may nangyaring di mo maintindihan.

Saglit pa'y nakita kong nagmamadaling lumapit si Jel sa table namin.

"Kyle si RC tumakbo palabas!!.", natatarantang si Jel na ngayo'y nakatayo na sa harap namin.

"What? Why?", tanong k okay Jel.

"I don't-----", di ko na pinatapos si Jel sa sinabi nya.

Agad nanga akong tumayo at nagmamadaling nagtungo sa table ng mga kaibigan ko. Pansin ko naman ang pagiging balisa ng lahat. 

'aaiissstttt...ano ba kasing nangyari'..

"Okay..spill!. What happen?"tanong ko sa kanila.

Pero anak ng tokwa..walang sumasagot! Mas lalong nag init ang ulo ko na may kahalong pag-aalala. Alam ko kasing hindi din naman kabisado ni RC ang lugar na ito. Kung lalabas man sya'y malamang maliligaw yun dito..Tsaka anong oras na..tssk!

"Ano bang nangyari?!", naituon ko naman ang pansin ko kay Mark na nakayuko pa din sa upuan.

'Langya tong tao na'to..di man lang sinundan yung girlfriend nya', mas lalo tuloy nag init ang ulo ko sa isipin na iyon.

"Di namin alam, bigla nalang nyang sinigawan si Mark tsaka sya tumakbo palabas", si Mitch.

"What?!.Anong ginawa mo?!", tsaka ko kinwelyuhan si Mark tsaka sya hinila patayo sa sobrang galit ko.

"Wait Kyle..stop!", si ate Lyra na nag-aalala sa galit ko habang ang iba'y hinahawakan na din ako sa braso.

"W-wala akong ginawa! Nagulat nanga lang din ako nang sigawan nya ko e",paliwanag ni Mark.

"Ano?!. Anong wala?! Hindi yun tatakbo palabas kung wala kang ginawa! Alam mo bang delikado sa labas ng ganitong oras?. Nag-iisip kaba?!", okay beast mode na talaga ako.

"Hey chill, ang mabuti pa sundan nalang natin si RC.", pag-aawat ni Marco na nasa likod ko nadin pala.

Kita kasi nyang malapit ko nang sapakin si Mark sa sobrang inis ko. Nakow, malapit na akong makasapak, ano kayang ginawa ng mokong na'to!

"Fine!"- ako

At binitiwan ko nga ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Mark.

"Pero pag nalaman ko na may ginawa ka kay RC..You better run for your life!". Madiin kong sinabi kay Mark

Death glare nalang ang ginawa ko bago ako tumalikod sa kanya. Ayoko naman ding magkagulo kami dito dahil malalagot kami kay Tita Helen pag nalaman nyang nakipag away ako sa bar nya.

Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon