Chapter 33; That Dream

2.3K 55 0
                                    


RC's POV


"Guys alam nyo gumagabi na..'di paba tayo magsu-swimming?", para naman akong nakabalik sa realidad nang sabihin ito ni Debbie.


Lalo ko kasing nae-enjoy na titigan ang maamong mukha ni Kyle, parang mas gusto ko pa ngang maupo habang tinititigan sya kesa mag-swimming e. Ang isa pa'y di naman talaga ako marunong lumangoy, ewan ko ba pero 'di ko talaga yun naging talent.


"Siguro kayo nalang..maglilibot muna ako.", sagot ni Kyle.


Nalungkot naman ako, dahil aalis nanaman si Kyle. Parang mas gusto nya pang mag libot kesa makasama ako..


"Ok, so who's with me?", tanong ni Debbie.


Tsaka naman nagtaas ng kamay ang iba pa naming kasama bukod kay Jane.


"Nakow..sasamahan ko nalang si Kyle..baka maligaw pa 'to dito..hehe"-si Jane sabay kindat kay Kyle.


'Tssk..pwede bang ako nalang ang sumama kay Kyle?', inis na nasabi ko sa sarili ko habang nararamdaman kong hinahatak na'ko nila Jel palapit sa dagat. Napalingon pa 'ko kay Kyle na ngayo'y naglalakad na din palayo kasama ni Jane.



At nagsimula na nga kaming magtampisaw sa dagat. Dahil nga'y 'di ako marunong lumangoy ay 'di ako masyadong pumupunta sa malalim habang ang mga kasama ko nama'y nakakapunta kahit saan. Halata ko ding magaling sila sa pag langoy.


Maya-maya'y isa-isa na silang nag-ahunan sa tubig para bumalik ulit sa cottage namin, mukhang nakaramdam na sila ng pagod kaya sumunod na din naman ako sa kanila. Medyo madilim na din kasi, pero kita ko padin kung gaano kaganda ang paligid lalo na ngayong mga ilaw na ng resort ang nagbibigay liwanag sa kalakhan nito.


"Nakakapagod.",si Debbie na hinihingal pa.


"Lakas ng loob mo mag-aya weak ka naman pala?.", pabirong sagot naman ni Jel dito.


"Tse! Teka, madilim na ah..Saan na kaya nagpunta yung dalawa?", si Debbie mukhang inaalala sila Kyle at Jane.


'Di naman din ako makausisa tungkol sa kung nasaan na ang mga ito, baka kasi mang asar nanaman si Debbie e.


"Nako..hayaan mo yun..sigurado akong pabalik na din yun."si ate Lyra sabay kindat ng makahulugan sa'kin.



Maya-maya'y nagulat naman ako nang may biglang lumapit sa'ming tatlong lalaki. Mga gwapo at matatangkad pa ang mga ito at sigurado akong isa sila sa mga mayayamang guest ng resort.


"Hi, can we join you?",confident na tono ng isa sa mga lalaki habang naka tingin kay ate Lyra.


"Oh hi..Sure.", tipid na sagot ni ate Lyra.


Miss Sungit and Me (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon