#unedited
...
IWMSB 3:
"Mommy," napatigil siya sa ginagawa ng pumasok ang kanyang mommy sa loob ng kwarto, aside from gumagawa siya ng mga designs, nakatingin siya sa band aid na ginamit ni Ron sa kanya. Parang tanga siyang nangingiti dahil doon.
Naupo ang kanyang mommy sa kanyang kama, nakaharap ito sa kanya. Looking at her mother, she knows how she will look like in the coming years. Wala ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba.
"Who did that to you?" lumapit ito para haplusin ang kanyang mukha. Walang bahid ng ngiti ang mukha nito. Yung tingin nito na malalagot siya kapag hindi siya nagsabi ng totoo.
"It was partly my fault..i let them, sorry mommy." Yuko niya. Her mother understands her clearly, pero hindi nito matatanggap na apihin siya ng kung sino man. She understand her affections to Ron but not this, never this.
"Is it Emma?" akusa nito, dahan dahan siyang tumango. She heard her curse. Sandali muna itong hindi nagsalita bago muling humarap sa kanya.
"Listen baby, it was not your fault...and promise me, wag kang papayag na saktan ka ninuman. It's okey to be nice, pero not all the time. Kung ganyan naman ang mga tao sa paligid mo, don't you think its better to be alone? Their not your realy friends, they are just a bunch of plastic bitches!" galit na galit ang kanyang mommy, alam niyang makakarating din ito sa kanyang daddy. Tama nga naman, hindi siya sinaktan ng kanyang mga magulang pero ang mga itinuring niyang kibigan ay hindi lang siya sinasaktan sa msa salita nito umabot na sa pisikal.
Their not for real, mahalaga lamang siya sa mga ito dahil may kailangan sa kanya.
That's what she had learned kaya naman , nasanay o sinanay niya na ang sarili na mag-isa. She can be civil to them but not more than that. Hindi niya na pipilitin ang sarili na magustuhan ninuman. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang mapansin ni Ron, if theyr can't stand her, there's nothing that she can do.
"Phin, lalabas kami after class, gusto mo bang sumama?" yaya sa kanya ng kanyang groupmates minsan. She politely rejected them, mabait man kasi sa kanya ang leader nila pero hindi makakalampas sa kanya na ayaw siya ng iba doon. Sawa na siyang ipilit ang sarili sa mga tao na ayaw sa kanya. She just focus on her number one goal. Mag-aral na mabuti para makapag aral din sa university kung nasaan si Ron.
"I'm sorry, may inuutos sa akin si mommy, maybe next time." Pero dapat pala hindi niya na sinabi yun. Hindi naman niya maipapangako na sasama siya sa susunod.
"Okey meron pa namang susunod."
Sanay na siya sa kanyang pag-iisa. She's not sure what her parents did, isang araw na lamang lumapit sa kanya sina Emma, Ruth and Timmy. They all said their sorry. Nakatingin lamang siya habang nagasasalita ang mga ito. She thought that were force to do it in public, nasa canteen siya noon. Matapos noon hindi na sila kasing popular di gaya ng dati. Later she found out na nagkaroon ng problema sa business ng mga ito. She can't ask her dad , hindi naman siya nito pinagsabihan noong malaman na inapi siya ng mga ito. He just said that they will get what they deserve.
Hindi naman siya umuwi agad, she went directly to the Romualdez mansion, sabi kasi ay may sakit si Ron kaya naman ay nagpunta siya doon.
"Si Ron po nasa kwarto nya?" tanong niya sa isang kasambahay doon, magiliw naman siyang binati ng mga ito. Nakakatuwa dahil mababait din ang mga kasambahay ng Romualdez kagaya ng sa kanila. Naka uniform nga lamang sila, sa kanilang bahay ay hindi naman. Feel at home siya kapg bumibisita sa mga ito, minsan nga ay kakunstaba niya pa ang mga ito kaya kapag natutuwa siya ay nagdadala siya ng kung ano para sa mga ito. Mabuti pa ang mga ito, mga totoong tao, hindi kagaya ng mga kaedad niya.
"Ayun, inumaga sa pag-aaral, masama ang pakiramdam, napaka tigas na ulo na bata, matalino pa, ano pa bang gusto niyang patunayan?" natawa na lamang siya. Ganoon talaga si Ron. Well that's why she love him more. Kapag may gusto talaga ito gagawin ang lahat at hindi makukuntento, kailan kaya na siya naman ang gugustuhin nito?
"Hayaan nyo na po, basta po alagaan niyo lang sya and made sure that he always eat on time. Nakakalimutan niya po kasi ang pagkain sa sobrang talino niya."
"Hay naku, heto ang susi at naka lock yun. Wag mo lang sabihin na ako ang nagbigay." Inabot niya ito nang may malaking ngisi. Hindi naman ito ang una at huling beses na papasok sya sa kwarto ni Ron pero nandoon pa rin ang excitement.
"Salamat po."
"Pero mangako ka, wag kayong gagawa ng milagro, wag nyong unahan yung kuya niya na mag-asawa."
"Yes po," natatawa naman siyang napapailing...kikitain niya lamang si Ron , wala naman siyang gagawin na kung ano. Madalas kasi mas maganda itong kasama kapag tulog, kapag gising kasi ay hindi niya ito matitigan ng matagal.
Dahan dahan siyang pumasok matapos mai unlock ang pinto, medyo madilim at malamig, nakadapa ito sa kulay puting higaan. Ang mukha nito at nakatagilid, kaya naman nagpunta siya sa gawi noon para mapagmasdan, syempre wala ang salamin nito na nagpapa dagdag sa natural nitong kasupladuhan. Medyo makapal ang kilay nito, matangos ang ilong at maputi kagaya ng mga kapatid nito,suma tutal, gwapo talaga. Kaya naman deads na deads ang puso niya dito. Maingat siyang naupo sa kama habang nakamasid dito. She can trade all the parties and invites just to be this close with him. Sa kanyang darating debut sana pumayag ito na mag eskorte sa kanya. Ala talaga siyang nakikita na iba para sa posisyon na yun. Kung hindi rin lang naman si Ron, mabuti pang wala ng party, family and relatives lang naman ang pupunta doon and their companies employees.
"Kung sana ganyan ka lagi kaamo kahit gising ka." Mahina niyang bulong, she wanted to touch him baka magising nga lamang ito. She promise na wala siyang gagawin dito kaya lang napapakagat siya sa kanyang labi habang nakatingin sa labi nito na bahagyang nakaawang. Si Ron ang first kiss niya, bata pa sila noon, her mother have pictures and videos as evidence, pero yung kiss talaga ay wala. Is it okey to steal a kiss? Illegal iyon alam niya kaya lang, she wanted him to be her first real kiss. Hokage moves? Ninja moves?Mukhang tinatamaan siya noong mga linyang yun.
"Noong si Snowhite hinalikan ng prince charming niya, she woke up...if i kiss you, gigising ka rin ba and we will live happily ever after?" bulong niya sa sarili. Makukurot na siya sa singit ng mommy niya kapag nalaman nito ang pinaggagawa at iniisip niya ngayon. Kahit naman daw siya ang naghahabol dapat may class pa rin. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng mommy niya doon?
She had no idea.
All she have in mind is to kiss him and see if he will wakes up.
Unti unti siyang yumuko para tawirin ang labi nito, isang maliit at mabilis na halik lamang sana, pero hindi yun nasunod ng maabot na ng labi niya ang labi ni Ron. It stay there like it has a mind of it's own. Nakapikit pala siya the whole, nakangiti siya habang dinadama ang labi nito. Ng imulat niya ang kanyang mga mata ay laking gulat niya ng salubungin siya ng mga mata nito.
Napaawang ang kanyang bibig. Lagot.
Bigla siyang lalayo ng hapitin siya nito, nagulat na lamang siya ng nasa likod niya na ang malambot nitong kama habang nakapatong ito sa kanya ang parehas na kamay ay nagkukulong sa kanya para hindi makatakas o makatakbo.
"What do you think you're doing stalker?" matalim na tanong nito...gulo gulo ang buhok na nahuhulog sa mukha nito.
"Ahm, kissing you?" wala sa sarili niyang sagot. Nagtiim ang bagang nito, lagot na, mukhang masusuntok siya!
Pumikit siya para ihanda ang sarili sa sakit.
Pero walang suntok na dumating.
Sa halip ang labi nito na humahagod sa napakasarap na paraan sa kanyang mga labi.
Damn!
Ito na nga ang tunay niyang halik.
...
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan