#UNEDITED
A/N: yung pagiging tanga...choice yan, hindi lang ng nababasa mo, isasabuhay mo, buhay mo yan, itong story na ginagawa ko, alam ko na ang ending, yang story mo na pang real life talaga, labas ako dyan, same goes sa lahat ng story na nabasa mo...yung pagiging tanga...choice mo yan ..
...
IWMSB 6:
Hindi na nakapalag pa si Phin ng ipasok siya ng kapatid sa backseat ng kotse, mabilis din naman itong sumakay bago pa man siya makaisip ng pagtakas.
"Ang pakealamero mo kamo Phytos!" angil niya dito habang hinihimas ang namumulang braso.
"Nakakairita ate kapag nakikita kang pinagmumukha niyang tanga. When will you ever start to respect your self? Kababae mong tao ikaw ang naghahabol!" iritado ito sa kanya, maging siya ay ganoon din. Dinaig pa nito ang kanilang mga magulang sa pagiging overprotective.
"Wala kang pakealam, this is my life!" pagtatanggol niya sa kanyang nararamdaman, hindi naman niya nakikita na nawawala ang kanyang respeto sa sarili. The idea same goes with a boy who pursue a girl that he loves. Syempre hindi agad makukuha, hindi agad magugustuhan ng babae, dadaan muna sa mga pagsubok at paghahabol. At iyon ngayon ang kanyang pinagdadaanan, ano ngayon kung babae siya? Magiging hadlang ba talaga yun para mapigilan niyang mahalin ang taong gusto niya? Kung maghihintay siya na mahalin ni Ron sa isang tabi, magiging posible kaya na maging sila sa huli?
Hindi niya maatim na hindi sila ang maging end game, kaya ngayon siya ang gagawa ng paraan.
"Damn your reason! Bakit kasi hindi ako ang mas nauna sa'yo? Eh di sana malaya kitang tuktukan hanggang sa magising ka sa katotohanan." Nilingon niya ito at pinaghahampas sa braso. Mukha naman hindi nito iniinda ang kanyang pananakit.
Phin knew better, her brother had other reason why he wish that.
"See? Ako lang ba ang naghahabol? Mas malala ka kaya, hindi ka maka move on sa anak ni Ninong Newton, at hinding hindi mo matanggap na mas matanda siya sa'yo!" sumimangot naman ito sa kanyang sinabi, binalingan nito ng inis ang walang muwang na driver.
"Pakibilisan nga, nakakainis na itong katabi ko!" mas sinapok niya pa si Phytos dahil sa pambabastos nito sa driver nila, humingin naman din siya ng tawad doon. Buti at very understanding ang kanilang mga tauhan. Sa kumpanya sila dumiretso, nakakahiya na pinaghintay na niya ang magsusukat kaya silang magkapatid na lang ang magpapasukat.
Agad naman silang sinukatan, si Sally ay parang may hinahanap pa sa likod niya.
"Mag-isa? Hindi mo kasama si future boyfriend, yung supladong Romualdez?" nahihiya siyang umiling dito. Si Sally kasi ay matagal na sa kanila, alam na nito ang pagkahumaling niya sa binatang Romualdez.
"Busy siya sa mga school works," tipid na sagot niya dito. Umubo naman ang kanyang kapatid sa gilid na sinusukatan din. Sinamaan niya ito ng tingin para hindi na dugtungan pa ang pagpapansin. Masama na nga ang loob niya na hindi nakasama si Ron, gagatungan pa nito.
"Ah, I see." Marahil naintindihan na ni Sally ang kanyang pananahimik. Matapos masukatan ay pinag-usapan pa nila ang mga detalye ng debut, wala kasi ang parents niya ngayon, nasa Greece kasama ng kanilang daddy para sa isang business meeting "daw".
"So okey ka na doon sa kulay ng gowns mo?" tatlo kasi ang napili niyang gown, may photo shoot pa siya two weeks from now para doon sa mga mga invitations. Her parents wants the best for her. Dadaan pa sa mommy niya ang lahat, ito ang aayos sa lahat ng mga detalye. Mabusisi pa naman ito lalo na't siya mismo ang gagamit.
"Sorry I'm late." Napalingon silang lahat sa pinto. Kulang ang sabihin na nagulat siya ng makita na nakatayo doon si Ron. Naka uniform ito kanina lang.
"Oh, Mr. Romualdez, nice to see you!" bati ni Sally at tinawag na ang assistant para asikasuhin si Ron. Si Phin naman ay hindi na mapigil ang ngiti, buti na lamang talaga at wala si Phytos sa paligid, umalis ito pero babalik din daw. Sana nga lang at wag ng bumalik dahil babasagin na naman nito ang kaligayahan niya.
"I thought you're busy, sana next time ka na nagpunta."
"Mas busy na ako next time." Mapakla na sagot nito hanag sinusukatan sa likod, nakatingin naman siya dito habang halata ang pagkakailang nito.
"Stop staring."
"Can't help it. Gwapo mo kasi." Natawa naman ang assistant na nagsusukat kay Ron, parehas silang napatingin doon.
"Continue nyo lang, kunwari wala ako." Natatawang sabi nito. Napakamot na lamang sa batok si Phin habang nakatingin kay Ron, ito naman ay naiiling lang, hindi niya tuloy mahulaan kung natutuwa rin ba na tinutukso sila o ano.
Dumating si Phytos taliwas sa hinihiling niya, nahiya naman siya kaya naupo na lamang siya sa sofa katabi ng kapatid. Masama at galit pa rin ang tingin nito kay Ron, kahit close ito kay Rojan , bihira itong magpunta sa mansion ng mga Romualdez dahil inis ito kay Ron.
"What?" ingos nya sa kapatid na pinapanood yata kahit ang paghinga nya.
"Mukha kang baliw."
Tama ito nababaliw naman na talaga siya, ni hinid man nga nanghingi ng sorry si Ron pero sa pagdating nito ay parang hindi sumama ang loob niya. Hindi naman kasi siya mahirap i please, hindi rin mahirap kuhanin ang loob niya. Yun ang dahilan kung bakit marami ang nanloloko sa kanya dati, yun ang dahilan kung bakit madali siyang magtiwala dati...hanggang siguro, napagod na lamang ang mga tao sa paligid niya na lokohin siya.
Pero tama si Phytos , baliw nga siya at mahirap makabangon sa kalokohan na dulot ng pagmamahal niya kay Ron Romualdez.
Binira lamang ito nakapunta sa practice ng kanyang cotillion, pero ganoon pa man ay umaasa siya na darating ito.
Darating ito hindi dahil sa nandoon ang pamilya nito, darating ito hindi dahil sa magkaibigan ang kanilangmga magulang. Darating ito hindi dahil lumaki silang magkasama.
Darating ito dahil mahalaga siya para dito.
Pero hindi ito dumating.
Sa gitna ng maraming tao na nakakaalam na darating ito...sa gitna ng maraming tao na umaasa na sa wakas natupad ang kanyang pangarap.
Hindi ito dumating.
"Tahan na, don't cry on your special day."
"Daddy."
"Don't cry, I'm here. I will never leave you." It was her father who gave her strenght. Still. Gustong gusto niya ng tumakbo, tumuloy sa kanyang kwarto, magkulong, umiyak.
Nagawa siyang biguin ni Ron, pero sino nga ba ang niloko niya, hindi lang naman ito ang unang beses, pero ito na yata ng pinaka masakit sa lahat.
"Ang bad mo talaga Ron."
...
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan