EPILOGUE

119K 3.2K 402
                                    

A/N: maraming salamat sa nagbasa ng story na ito, mula una, gitna hanggang huli,...sa mga nainis, sa mga nagalit, sa mga napaiyak...sa mga kinilig, sa mga na inlove...para sa mga naasar dahil naasar din ako...para sa'yo... oo para sa'yo na nag abalang basahin ito. Maraming salamat, walang distansya...

Dedicated kay Nhielyn Fontanilla Fille ...para sa'yo na nagmahal na kina Ron at Phin kahit sa BMO pa lamang yata...thanks <3

Dedicated sa gabi gabi kong ka chat na lagi kong tinutulugan... alam niya kapag ni Like ko na ang chat niya, mawawala na ako sa ere @jaradejuan

.....

EPILOGUE

Ron, the stalker

"Ah, mahal ka nga niya tito..."

Napalingon siya kung saan nakatingin si Robin. Mabilis siyang napatayo ng makita si Phin na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.

"She's with Mr. Castro." Sabi ni Kaleb, naulinigan niya kasi na may kausap ito sa phone kanina...mabuti kung ganoon kaysa kasama nito si Owen. Kanina habang kaharap ang media, hindi niya mapigil ang mapaiyak. The almighty Ron Romualdez cried in national tv and he didn't mind. If he can shout to the world how much he loves her, kayang kaya niya rin umiyak para mapatunayan iyon.

Nagtama ang kanilang mga mata...nandoon siya sa harap habang hinihintay niya ang paglapit nito, she's still wearing her wedding gown, minus the make up, yet beautiful still. Ang buhok nito na alon alon ay nakaladlad, nakangiti ito habang naglalakad pero katulad niya, mukhang galing din ito sa pag iyak...

Pag iyak...tama , marami itong ibinuhos na luha para sa kanya.

"Ron?" itinabi niya ang hawak na libro ng pumasok ang kanyang mommy sa kanyang kwarto.

"Yes mommy?" inabot nito sa kanya ang phone nito,"Your tita Pyne." Sabi nito sa kanya. Kinuha naman niya iyon at itinapat sa kanyang tainga.

"Hello tita?" sabi niya sa kabilang linya..

"Sorry sa abala, Phin refuse to eat can you tell her too?" may pag aalala ang boses nito, siya naman ay nakaramdam ng pag alala para sa kababata.

"Hindi po kumakain? But it's late."

"Yes, please tell her too, may lagnat siya." Napakagat siya sa kanyang labi, napatingin siya sa kanyang mommy na nakamasid sa kanya...pasimple siyang tumayo at nagpunta sa may veranda, medyo malayo sa kanyang mommy.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon