IWMSB 41: his secret treasures

80.1K 2.2K 67
                                    


*may mga characters talaga na napadaan lamang..this story will end as planned, kasing haba lamang ito ng TPS.*

IWMSB 41:

Nakatulugan ni Phin ang paghihintay sa dalawang ka meeting ni Ron. Bumangon siya para dungawin ang dalampasigan para makita kung naka daong pa ang motor boat na sinakyan ng mga bisita. Nakahinga siya ng maluwag ng makita pa rin ang bangka, patunay na dito nagpalipas ng gabi ang mga bisita. Narinig niya ang pagkalam ng kanyang sikmura, hindi siya naghapunan sapagkat nagtuloy tuloy ang kanyang pagtulog. Inayos niya muna ang sarili bago nagdesisyong bumaba, sana ay makausap niya kahit isa sa dalawang lalaki, mas maganda kung ang pulis para kumbinsihin ito na isama siya pabalik sa syudad.

Nakarinig siya ng usapan sa bandang kusina, nakita niya doon si Lola Josie na nakatayo habang pinagsisilbihan ang dalawang lalaki. Hindi siya agad lumabas, sa halip ay nakinig muna sa mga usapan ng mga ito.

"Bilisan nyo ng kumain at ng makaalis na kayo. Perwisyo talaga kapag nandito kayong dalawa." Bagamat mahina ang pagkakasabi ay bakas ni Phin ang kahapon pang kakaibang tono ng pananalita ni lola josie, na para bang ayaw niyang makita ang dalawa.

"Si lola talaga, minsan mo na nga lamang makita ang paborito mong apo, ayaw mo pa akong magtagal?" yung pulis iyon na nilakipan pa ng tawa.

Umismid lamang ang matanda.

"Anong oras ba kayo natapos? Nakatulugan ko na ang paghihintay sa inyo." Nagtiningan ang dalawang kausap. Yung Kaleb na mas malaki ang katawan ang siyang sumagot.

"Madaling araw na, ayaw pang tumigil ni boss...wala akong magawa."

"Baka dalawang araw iyong nakahiga-" dagdag na komento ng pulis na agad natigil ng masulyapan siya sa pintuan. Napakunot ang noo niya sa reaskyon nito, parang naging balisa habang nginunguso si Kaleb. Nang makita siya ni Kaleb ay tumayo na ito.

"Aalis na po kami." Sabay na tumayo ang dalawa, saka lamang din napansin ni lola Josie ang kanyang pagdating sa hapag. Lumakad na siya papunta sa mesa, hindi pa nga ubos ang kinakain ng mga ito pero nagpapaalam na? Mukhang iniiwasan din siya ng mga ito.

"Si-sige, mabuti pa nga at ihatid ko na kayo. " binalingan siya ng matanda." Kumain ka na rin iha, hindi ka naghapunan kahapon, ihahatid ko lamang ang mga batang ito. Animo'y nagmamadali ang mga ito, hindi niya maiwasang mapansin ang kakaibang kinikilos ng mga ito, muntik niya ng makalimutan na gusto niyang kausapin ang mga ito. Kahit magkano magbabayad siya, makaalis lamang siya sa isla na ito. Mayroon syang sapat na yaman para tumbasan o higitan pa ang binabayad ni Ron sa mga ito.

"Sandali!"

Nasa pinto na ang tatlo nang siya ay lingunin.

"Sasama ako pabalik." Nagtinginan ang tatlo. "Name the price, handa akong magbayad makaalis lamang ako sa lugar na ito."

"You don't know what you're wishing ma'am." Sabi noong Kaleb bago tumalikod, sumunod din ang pulis na tumango muna sa kanya. Hindi niya maintindihan , susundan niya sana ito pero pinigilan siya sa braso ni lola Josie.

"lola?" iritable niyang tawag dito, pero nang makita niya ang nagmamakaawang mukha nito ay parang nawala ang kagustuhan niyang makaalis sa lugar na ito.

"Mag stay ka pa, kahit mga ilang araw lamang, maari ba? Ako na ang nakikiusap sa'yo." Matapos yun ang iniwan siya ng matanda, kaya naman siya lamang mag-isa ang kumain ng agahan. Hinintay niya si Ron, hindi niya man maamin sa iba pero nagtataka siya at tanghali na ay hindi pa ito lumalabas ng kwarto. Naiinip siya sa sariling silid kaya naman nagdesisyon siyang maglakad lakad sa loob ng bahay. Tumungo siya sa ikatlong palapag, napa wow siya ng makita ang kabuuan nito pati ang paligid. Paano'y may garden sa itaas ng bahay, may iba't-ibang bulaklak na nasa paso, may isang papag na yari sa dekalidad na kahoy, mayroong itong barnis kaya't napakakinis at ang sarap higaan. Sa kanan naman ay may isang kwarto na glass ang dingding. Kita niya ang isang kama doon at iba pang mga gamit. Ang ganda ng lugar, mas maganda sa kwarto niya sa pangalawang palapag. Siguro kung iba lamang ang sirkumstansya ay ganap ang kaniyang kasiyahan na nandito siya sa isla. Maganda ang paligid, ang kalikasan, galit lamang talaga siya sa taong nagdala sa kanya dito.

Nakita niya ang ilang paso na mukhang inaayos pa, may halaman na nasa itim na plastic na mukhang inililipat sa paso. Wala naman siyang magawa, hindi naman siguro magagalit si lola Josie kung pakekealaman niya ang mga tanim nito. Wala namang mag mamay-ari ng mga halaman kung hindi ang matanda. Hindi lamang iyon ang kanyang ginawa inayos niya rin ang ayos ng mga halaman. Nasisiyahan siya at nakikita niyang mas gumaganda ang hitsura.

"Eh di mas maganda!" puri niya sa sarili, inalis niya ng mga tuyong dahon ang mga halaman. Pinagsamama sama niya rin ang mga pasong magkakaparehas. Nilagyan niya rin ng halaman ang pintuan ng glass door na silid. Naghugas siya ng kanyang kamay, pinihit niya ang pinto ng silid, bukas ito kaya naman inimbita niya na ang sarili para pumasok. Puti ang kulay ng kama , mga unan at kumot. Agad niyang napansin ang brown an bookshelf sa kanang bahagi ng kama. Kumuha siya ng libro doon, typical Ron, hindi mabubuhay kapag walang kasamag libro o hindi magbabasa. Sa bagay, mas gusto nga nito ang magbasa kaysa pansinin ang kanyang pangungulit. Hindi niya mapigil ang galit nya sa mga libro ni Ron na kaagaw niya sa atensyon nito, na inis ay sinipa niya ang lagayan ng libro. Sa lakad ng kanyang pagkakasipa ay nahulog ang ilan sa mga iyon, nasaktan din siya sa kanyang ginawa. Mabilis niyang sinaway ang kanyang sariling katangahan. Hindi naman niya maaring iwan ang mga kalat na ito dahil siguradong niyang silid ito ni Ron. Pinulot niya ang mga libro para ibalik...isa doon ang nakabukas nang mahulog. Hindi pala ito libro, photo album pala ang nahulog.

Pagkabuklat niya ay nanlaki ang kanyang mga mata sa larawan, binuklat niya isa-isa ang bawat pahina pero mas lalo lamang lumalala ang kanyang pagkagulat sa kanyang mga nakikita. Hindi siya makapaniwala sa mga larawan na nasa loob. Hindi niya maintidihan kung bakit marami o puro larawan niya ang mga nandoon, mula pagkabata hanggang sa elementary days niya. Nakita nya ang harapan, may nakalagay doon na gradeschool. Tumingin pa siya muli sa bookshelf, may ganoong photo album muli na kanyang kinuha, highschool naman ang nakapangalan sa harapan. Puro larawan niya rin ang mga nandoon , may solo siya at mayroong kasama ang kanyang mga kaklase, mayroong din na kasama ang kanyang pamilya, pero mapapansin mo na ang focus lamang talaga ng camera ay siya lamang.

"What the hell is this?" if her realization is right, hindi lamang pala siya ang palihim na kumukuha ng mga litrato ni Ron, maging ito rin...Pero bakit? Bakit hindi niya alam? Bakit wala itong sinasabi sa kanya? Bakit ganoon? Kung totoo ang sinabi nito na mahal siya nito bakit hindi pa noon? Noong niya ito pinangarap pero bakit hindi isinakatuparan ni Ron ang pangarap niya noon? Bakit napaka unfair nito?

Kinuha niya ang mga photo album, she will confront him. Gusto niyang malaman ang sagot nito. Kahit ba napaka useless, walang kwento o makitid ang dahilan nito, gusto niyang malaman. Umalis siya sa silid para tunguhin ang kwarto ni Ron. Alam niyang sa first floor ito nagkwa-kwarto.

Napatigil siya sa kanyang paghangos ng nakasalubong niya si lola Josie, may dala itong palanggana na may bimpo. Isinara nito ang kwarto ni Ron.

"Si Ron po?"

"Nagpapahinga siya iha, bukas mo na lamang siya kausapin." Sagot nito pero hindi siya matinag sa kanyang kinatatayuan, nakaharang siya sa daanan ng matanda pero hindi siya kumikilos para maka-alis.

"Gusto ko po siyang maka-usap." Hiling niya sa matanda.

Umiling ang matanda, mukhang pinipigilan siya para makita ito, may sakit ba si Ron at may dalang palanggana si lola Josie? Kahapon lamang na magka-away sila ay napaka ayos nito.

"Nagpapahinga na siya, bukas na lamang kayo mag-usap iha, hayaan mo muna siyang magpahinga sa ngayon."

"Pero, gusto ko po siyang makita." Pilit niya dito. Hinawakan siya ng isang kamay nito dahil nagpipilit siya na makita si Ron, tinignan niya lamang saglit ang matanda bago pinilit ang sarili na makapasok. Hindi niya na kaya pang ipagpaliban pa ang kanyang mga tanong. Binalewala niya ang tawag ng matanda.

Nakita niya si Ron na nakahiga, nabitawan niya ang kanyang dalang mga photo album ng makita si Ron, napatakip siya sa kanyang bibig.

Bakit mayroong mga pasa ang mukha nito at hinang hina?

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon