IWMSB 20: will be worth it

94.7K 3.2K 1.1K
                                    

A/N: Yung i-uupdate mo ito para matulog na sila

O yung i-uupdate mo ito para mas lalo silang hindi makatulog?

Still story lang to, matulog na po...wag masyadong paapekto <3

wag masyadong paapekto <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



***

IWMSB 20:

The drama club makes Phin busy, istrikto pero mabait si Ms. Estrada ang kanilang adviser slash coach. Isa itong stage actress at part time teacher sa university. Nang malaman niya kay Peter kung anong play ang kinabibilangan nito ay talagang na curious siya, kaya naman isang gabi kasama ang buong drama club ay pinanood nila ang performance nito. Doon siya na inspire na kumanta at umarte at the same time. Kapag binabasa niya ang role at ang mga linya ni Evangeline sa play, para talaga itong ginawa para sa kanya. Iyon ang mga bagay na gusto niyang sabihin kapag nakaharap niya ang dalawang tao na dumurog sa kanyang puso. Pero hindi na siya hahantong sa ganoon, Sabi nga ni Peter, malalim daw ang hugot niya kaya sisiw lang daw ang ganap niya sa role. Kapiling ang buong myembro ng drama club, hindi niya kayang magpanggap na maayos siya, hindi rin siya pinipilit mga ito, kapag wala siyang practice ay sinasamahan siya ni Peter, o di kaya tumulong siya sa production.

Kahit hindi niya sabihin, sa kanyang sariling paraan , pinapatunayan niya sa kanyang pamilya na hindi na siya ang dating Phin. Hindi na siya baliw sa isang walang pakealamerong Romualdez.

Mabilis lumipas ang araw, linggo at buwan, ang tanging laman na lamang ng isip niya ang pag-aaral at ang play. She took Aki's advice, ito ang lagi nyang kausap kahit malayo ito. They will talk each night, daig pa nga nila ang mag jowa kaya naman selos na selos si Phytos. Sabi ni Aki, para daw sa pagdadiet magkaroon siya ng cheat day, alam kasi nito na mahirap ang pinagdadanan niya. Halos kasing tanda niya yung pag-ibig na meron siya, kaya naman, every Wednesday, she will allow herself to like him, kahit sa malayo, kahit sa isip niya...Wednesday lamang kahit pito ang araw sa isang linggo...baka sa susunod makalimutan niya na ang ginagawa at iniisip niya tuwing Wednesday. Balang araw malilimutan niya rin ito.

"Mariane, sorry para mamaya." Nilapitan niya si Mariane , ang gaganap na Caroline sa play na Someday. May eksena kasi na sasampalin niya ito sa ginawang pagtataksil sa kanya. Matalik niya itong kaibigan at ang boyfriend niya na si Matteo na gaganapan naman ni Junji ang mananakit sa kanya. Si Evangeline kasi ay papasikat na singer na kinalimutan ang pagkanta para kay Matteo. It turn out na si Matteo naman ay may pagtingin pala kay Caroline, iang baguhan na mang-aawit din, sa una ayaw ni Caroline dahil kaibigan nito si Evangeline, pero sa huli nanaig din ang pag-ibig nito sa purisigidong si Matteo. Kaya doon nag-umpisa ang tagong relasyon ng dalawa.

Sinuko ni Evangeline lahat pati ang kanyang pagkatao pero iniwan pa rin siya ni Matteo sa huli. Ang saklap lang, buti at hindi siya dumating sa ganoong punto sa kanyang sariling buhay.

"Okey lang yun, kasama yun sa play, saka igaganti ako ni Matteo," tumawa naman ito, siya ay nahawa na din, " Galingan natin ha?" nagyakapan silang dalawa. Isang oras na lang at mag-uumpisa na ang pinagpaguran nila ng kulang sa dalawang buwan, nandito ang buong pamilya niya para manood, maliban sa kanyang daddy na nasa abroad para sa trabaho. Naiitindihan niya kung bakit hindi ito makakadalo, pero kahit wala ito, gagawin niya ang lahat.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon