IWMSB 17:
Phin wasnts to run after Ron, pero pinigil siya ni Carmi.
"Tama na Phin, wala siyang pakealam sa'yo." Giit nito sa kanya, pinandilatan pa nito ang mga nakikiusyoso sa kanila. Sinalubong si Ron ng mga kaibigan nito na naging saksi din sa away na naganap.
"Makinig ka sa kaibigan mo, dahil masyado nang nakakahiya ang paghahabol mo." Inirapan pa siya ng babaeng nakaaway bago nagsialisan. Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo, hindi malayo na laman na naman siya ng page ng university. Her parents will not be glad hearing this.
Hindi nga siya nagkamali dahil pagdating niya sa bahay ay pinapapunta na siya ng kanyang kapatid sa library. Nandoon ang office ng kanyang mga magulang.
"Lagot ka ate!" pananakot ni Phytos sa kanya. Ano pa bang aasahan niya? Her brother dislike Ron, kaya naman hindi siya makakahingi ng kung anumang suporta mula dito.
Si Freine naman ay malungkot na nakatingin sa kanya, buti pa ang bunso nila, napakabait, hindi kagaya ng nag-iisa nilang kapatid na lalaki.
"I'm so dead." Sabi na lamang niya bago nagtungo sa study room. Kumatok muna siya doon bago pumasok.
Pagkapasok niya ang nakita niya agad ang kanyang mommy sa likod ng kanyang daddy, minamasahe ang masakit nitong ulo. Nang makita siya nito ay otomatikong kumunot iyon. Nagtagis din ang bagang nito, binulungan ito ng kanyang mommy na lihim ng sumenyas sa kanya na wag ng mangatwiran pa sa kung anong sasabihin ng ama.
"You were out last Friday night?" paumpisang tanong nito.
"Opo."
"You went clubbing huh?"
"Opo, dad, I'm sorry." Dinugtungan niya na agad ng sorry ang kanyang sagot. Napansin niya ang i pad sa mesa nito. Alam na niya na nakita na nito ang kanyang mga larawan na i pinost ng kung sino sa facebook.
"Sorry daddy, hindi naman po totoo yun." Nanginginig na siya sa kaba , dahil tumayo na ang kanyang ama, hindi na ito napigilan ng kanyang mommy.
"Luke."
"No let me talk to our daughter. Hindi tama na palampasin na ang kahibangan niya. This is too much! Hindi niya na ginagalang ang sarili niya!" sinigawan na nito ang kanyang mommy dahil sa patuloy nitong pagpigil na mapalapit sa kanya.
"Hindi ba ako-" kung anuman ang sasabihin ng kanyang mommy ay pinutol ng kanyang ama ng malakas na sigaw nito.
"For Pete sake, iba ka! Iba si Phin! Anak na natin to, anak na natin ang nawawala sa katinuan at pinipilit ang sarili sa lalaking ayaw siya!"
"Luke your mouth!" sigaw ng kanyang mommy pabalik na tumingin sa kanya. Iyak naman siya ng iyak gayong nakikitang nagtatalo ang kanyang mga magulang. All because of her.
"Phin go to your room." Sabi ng kanyang mommy.
"NO! I am not yet done with your daughter!" muling sigaw ng kanyang ama.
"Anong gagawin mo sa kanya? Itatali mo, ikukulong mo? Oh, please alam niya ang ginagawa niya at alam niya kung kailan siya titigil o hindi!" this is the first time she sees her parents shouting at each other. Mayroon man silang away dati, tampuhan lamang yun, pero ngayon, nasasaktan siyang nangyayari ito.
Muli siyang binalingan ng kanyang ama, gusto niyang lumapit para awatin ang dalawa, kaya lamang natatakot siyang gawin iyon.
"She's grounded until I said so. She cannot use her car, ihahatid at susunduin siya ng driver kung saan siya magpunta. She will follow my rules and nothing else. Lastly you cannot see Ron again or else, dadalhin ka namin sa tito Mir mo sa London!" He can't do that! Hindi niya kayang malayo sa kanyang pamilya. Bago pa man siya makapagprotesta ay lumabas na ito.
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan