A/N: so what happened this week?
Busy sa job hunting , pagpapasa ng requirements etc...so ang siste, my work na ako next week.
Hindi ako selfish alam nyo yan, nag-update ako halos everyday ng JUNE dahil wala akong trabaho at nasa bahay lang at gusto kong magsulat...pero ngayon at meron na, balik tayo ulit sa motto ko before..no promises. Kapag may nagtanong pa, pakisagot na lang please?
"Kapag may update may update, kapag walang update at bitin pasensya."
***
IWMSB 27:
Phin was caught off guard, kaya naman hindi siya agad nakapagsalita sa narinig na tanong. Ramdam niya ang malalim na paghinga nito sa kanyang kanang pisngi.
Si Topher ang bumasag ng katahimikan sa kanila.
" Attorney Romualdez, you wanna join us for lunch." Umayos naman ng tayo ang lalake sa kanyang gilid. Hindi siya sumagot sa tanong nito dahil wala naman siyang obligasyon na sagutin pa iyon. That's her personal life and as much as possible she keep it in secret. Hindi niya pa nga napapakilala si Owen sa parents niya although her parents met Owen before as her friend. Higit sa lahat , labas ito sa kanyang personal na buhay.
"Who the hell is Owen?" muling tanong nito, binalewala ang alok ni Topher dito.
"Well to answer that, although I dislike how you labeled him. Owen is my nephew." Ngumiti si Topher sa lalaki sa kanyang gilid na bahagyang sumulyap sa kanya.
"The question was not for you." Mayabang naman na tugon nito. Napansin niya ang pag nguso ni Leovie na nakatangin na rin sa lalaki sa kanyang gilid. Nakalimutan niya na may bata pala silang kasama.
"Owen is my special someone. Hope that answers your inappropriate question attorney." She aswered calmly to make him stop.
"Sir the investors are all in." Dinig niyang sabi ng isang lalaki.
"Special huh." Puno ng sarcasm ang naging sagot nito sa kanyang sinabi, sinikap niyang wag mapakislot ng dumaan ang kamay nito sa kanyang likod. Inaasam niya na sana maawala na ito kaagad o mabuti pa na umalis sila sa lugar kung nasaan ito. Kung bakit ba kasi para itong kabute na sumusulpot? Kung hindi niya lamang narinig na may kameeting ito kung nasaan sila ay iisipin niya na sinusundan talaga siya nito.
"Phin are you alright?" nag-aalalang tanong ni Topher, ngumiti naman siya tanda na wala lamang ang lahat sa kanya. Maybe , she and Ron really need to talk. Lilinawin niya ang mga bagay bagay dito at ang mga bagay na hindi nito dapat gawin at mga bagay na hindi na nito dapat inaalam pa.
"Yes, bakit naman hindi." Uminom siya ng tubig at ngumiti sa mga ito. Si Sadie naman ay nagkibit balikat lamang sa kanya, bumaling ito kay Leovie talagang seryoso ito sa pagpapalapad ng papel sa anak ni Topher. Pero kapag sila na lamang ay tiyak na uusisain siya nito tungkol kay Owen. Hindi naman nila talaga pinlano ni Owen na gawing ilihim ang kanilang relasyon. Mas pinili lamang nila na maging tahimik at makaiwas sa mata ng media, lalo na nga at high profile siya.
"Phin." Tawag sa kanya ni Topher, natigil siya sa gagawing pagsakay sa kanilang van. Sinundo na kasi sila ng driver sa restaurant. Maghahanda naman siya para teleision appearance para sa isang late night talk show. Sikat kasi at kilalang kilala ang host sa nasabing panggabing programa, na kahit gabi na ay marami pa rin ang nag-aabang dito.
"Yes?" Topher gave her his sweet smile.
"I'm glad to hear that Owen is special to you...You know that you mean the world to him, right?" mabilis siyang tumango. Oo naman, hindi dapat mabahala si Topher sa nararamdaman niya para kay Owen. Naiintindihan niya ito. Owen is his relatives kaya naman naiintindihan niya ang concern nito. Mabilis silang naging mag-kaibigan ni Owen noon, plus factor siguro ang sabihin na parehas silang nagpapagaling ng kanikanilangpuso. Kaya namna naintidihan nila at alam nila ang kwento ng isat-isa.
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan