IWMSB 10: close to you

85K 2.4K 180
                                    

(note to self ) hindi na ako maglalagay ng unedited, nababash pa rin naman (anyway)

...

IWMSB 10:

Ron is a total opposite of his brother, matagal na niya dapat alam yun kaya lang umaasa siya na just like Ren, he will find her words interesting and funny. Yun nga lang, na inlove at inlove pa rin siya sa isang tao na sabi nga ng sikat na kanta, mayroong "Pusong Bato."

"Keep dreaming Phin, kung hindi ka marunong mahiya, ibahin mo ako."

Ouch.

Those words really hurt like hell. Isang araw niya kaya iyong iniyakan, iniwan siya ni Ron sa daan, wala daw date na magaganap dahil hindi naman valid ang pagsali niya. Wala naman mangyayari kung mag cocomplain siya, intruder lang sila sa party kaya walang sense ang reklamo niya. Buti nga daw at mabait pa ang mga ito at hindi siya nireklamo. Mas lalo tuloy siyang naging sikat sa buong university as the girl who ruin the party and kiss Ron Romualdez in public that earned her more enemies, thank you very much!

"Ate sa Japan tayo sa sembreak." Iniangat niya ang mata mula sa kanyang sketchpad, Lumabi na lamang siya sa sinabi ni Phytos, hindi naman talaga masyadong halata na excited ito. Sinadya pa siya sa kanyang kwarto para ihatid ang mabuting balita para dito, hindi naman maganda para sa kanya dahil ibig sabihin two weeks or more niyang hindi makikita si Ron!

Arhg! Kahit naman iritado sa kanya yun hindi naman niya matiis ang sarili na hindi ito lapitan at sundan sundan.

"Hindi ka naman makakatulog niyan. Gising na boy, may boyfriend na si Aki, japanese na poging pogi." Pang-aasar niya dito. Mabilis naman itong nainis sa kanya, hindi niya na kailangang magbilang ng tatlo, instant, digital...parang karma lang, digital papunta sa kanya.

"Tell it to yourself, hindi yung habol ka ng habol sa lalaking sinusuka ka na, tuloy ka pa rin." Kinuha niya ang katabing unan at binato ito.

"Hoy, ate ako bakit wala kang galang!" inirapan lang naman siya ni Phytos.

"Because you're the childish ate in the world, sumbong kita kay daddy doon sa ginawa mo sa party nila Ron unggoy!" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito. She did her best para nga hindi yun makarating sa ama tapos isusumbong pa siya nito? And how dare him compare Ron sa isang unggoy?

"Umalis ka nga, kung hindi sisiraan kita kay Aki!" banta niya dito.

"Kahit wala naman akong gawin, sisiraan mo pa rin ako." Reklamo nito bago lumabas ng kwarto niya. Katulad niya ay bata pa lang din ng mag-umpisa ang pagkagusto ni Phytos kay Aki. Kaya pala tuwang tuwa ito kapag pupunta sila ng Japan o mamasyal ang pamilya ng ninong Newton niya sa Pilipinas, si Aki ang dahilan.

"Sya nga pala sabi ni mommy a-attend daw tayong lahat sa Romualdez company anniversary." Dumungaw ito at umalis din agad , syempre hindi niya yun makakalimutan. It's a yearly event that she can't miss.

Friday, nasa soccer field sila ni Carmi, hindi kainitan kaya masarap tumambay sa lugar. Paborito kasi ni Carmi na magpagulong gulong doon sa grass field at ngayon nga ay nagpapapasag ito sa kilig dahil sa kinukwento nito sa kanya.

"Ang gwapo ng managing director, ang bata bata niya pa, siguro mga 5 to 6 years ang tanda sa atin. Alam mo noong titignan ko siya nalaglag yung panty ko , tapos noong umalis na siya saka lang ako umupo para pulutin yung nahulog kong panty saka yung puso ko. Gosh na inlove na ako talaga !" tawang tawa naman siya habang ngumunguya ng chips na binili nila, binato nya pa nga ito dahil mukha ng itatakbo ito sa hospital ng may problema sa pag-iisip.

"Akala ko ako lang ang malala ikaw din kaya!" akusa nya dito. Umayos ito ng upo at nag indian seat sa kanya.

"Well yung crush ko, mabait naman , palangiti at kagalang galang, saka pang model ng business attire at brief ang datingan , yung sa'yo gwapo ngat at mayaman, sobrang sama naman ng ugali."

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon