IWMSB 14:
Pagkapasok niya sa loob ay nawawala na si Phytos, umakyat siya sa second floor kung nasaan din ang kwarto nito. Kinatok niya iyon kaya lamang ay imbes na pagbuksan ay nagpatugtog ito ng napakalakas sa na tugtog. Gigil na gigil siya, gusto lang naman niyang malaman mula dito kung anong drama nito at ni Rojan, pero mukhang wala siyang mapapala kaya nagtungo na lamang siya sa kanyang kwarto. Napagpatihulog siya sa kanyang kama, hindi niya mapigil na kiligin sa reaksyon ni Ron kanina, kahit napakasuplado ay ang gwapo gwapo pa rin. Buti talaga at nakauwi na sila ni Topher kaagad kung hindi , hindi niya maabutan na susunduin nito si Rojan, and speaking of Rojan, gusto niya itong maka-usap ng maayos. Totoo man ang sinabi nito kanina o hindi, gusto niya pa rin itong makausap. Ayaw niyang magkasamaan ng loob ang kanyang future brother in law!
Lunes, and excited siyang ikiniwento ang lahat kay Carmi, mukhang nasasanay na siya na may pinagbubuhusan ng excitement at kilig sa buhay.
"Ang bait pala ng kuya Topher mo na yun, ay Topher lang pala kasi feeling ko crush ko nun!" inaasar siya ni Carmi habang nasa canteen sila, naikwento niya kasi dito maging ang ayaw na pagtawag ni Topher ng kuya, isa lang daw ang ibig sabihin, bet daw siya noon. Ayaw naman niya maniwala dahil sa agwat ng edad nila. Mas gusto niyang isipin na natutuwa lamang ito sa kanya.
"Little sister lang ang turing niya sa akin no." Giit niya habang kumakain ng lasagna.
Tinaasan naman siya nito ng kilay, hindi niya talaga ito makukumbinsi.
"Kung little sister ka lang para sa kanya, bakit hindi siya nagpapatawag ng kuya? Pangarap ka noon no, sabi mo dati mo pa yun kilala, siguro crush ka na noon pa, hinintay kalang niyang mag 18 para pwede ka ng pormahan. Gwapo ba? Hot ba? Dapat na bang kabahan yung kinababaliwan mo?" nahihiya naman siyang tumango, gwapo naman talaga si Topher at hot, pero kasi hindi niya napapansin ng ganoong aspeto si Topher dahil may Ron babes na sa puso niya, saka maiilang siya kapag nagkataon.
"Seven years ang agwat namin no." Katwiran niya pa, mas marami namang babae na successful ang matitipuhan ni Topher, siya ay walang wala pa, freshman pala saka kaka 18 pa lang. Siguro nga mas gusto noon ang mga babaeng game, okey stop na, medyo mahalay na.
"Seven year? Konti lang yun! Ako kapag nagkaroon ako ng chance kay Managing Director, susunggaban ko talaga!" malanding sabi nito, napapailing na lamang siya. Baliw talaga! Hindi niya na lamang sinama sa kwento yung pagtatapat kuno ni Rojan, medyo nakakahiya yun, totoo man o hindi, kapatid kasi iyon ni Ron.
"Ikaw bahala, buhay mo yan!" tawa naman ito ng tawa, maya maya ay may kinuha ito sa bag, isang leaflet.
"Ano to?" inabot sa kanya.
"Singing contest ng university, sinali kita!" nakakalokong sabi nito. Narinig kasi na siya nitong kumanta at bilib na bilib sa kanya, sisiw lang daw sa kanya ang mga high notes , malinis at malinaw ang pagkakanta. Nagtataka nga daw ito bakit hindi siya singer.
"Ayoko!" ibalik niya dito, pero determinado na daw ito na mapasali siya. Tinignan niya muli, interesado siya , pero kasi...
Nawala naman sila sa usapan ng makita si Ron sa loob ng canteen, dalawang canteen ang meron ang school, kaya naman dito sila lagi sa mas malaki ay dito nagpupunta si Ron, iniwan niya si Carmi na iiling iling sa kanya para puntahan si Ron.
"Hi Ron?!" masaya niyang bati dito, hindi naman siya pinasin nito , yung dalawang katabi nito ang pumansin sa kanya.
"Romualdez, hi daw oh." Si Ermo , isa sa mga kaklase at kaibigan ni Ron, singkit ito at maputi, partly Japanese, sa kabila ng sinabi ni Ermo ay hindi pa rin siya pinansin ni Ron. Kahit ganoon man ay tumayo sya sa gilid nito.
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan