IWMSB 49: walang utang

84.5K 2.2K 106
                                    

...

IWMSB 49:

"Yes, ikaw na bahala, sent you all the details, uuwi na kami to polish everything. Hindi na dapat ito pinatatagal." Ron said on the other line. He said his goodbye nang makita niya ang kanyang magandang asawa pababa sa hagdanan. Araw araw mas gumaganda ito sa kanyang paningin. A perfect grin is in his face habang pinapanood ang kilod nito.

"Masyado ka ng in love sa akin niyan, matunaw ako." Sabi nito sa kanya, hinawakan niya ang kamay nito saka nagtungo sa garden kung saan nakahanda ang kanilang breakfast. Supposed to be two days lamang sila dito but his wife begged him to extend their stay. Kahit hindi naman ito mag makaawa , mapapa oo naman talaga siya.

Mamayang after lunch na ang kanilang alis, hindi nakaligtas sa kanyang pakiramdam ang pagaalala nito. Siguro nababahala ito kapag bumalik na sila, kagaya ng sabi nito noon, ikinatatakot nito na baka panaginip lamang ang lahat. Maybe it's about time to uncover all his plans. Ginagap niya ang kamay nito.

"We will get married in front of everyone when we come back."

"Really?!" nanlaki ang mga mata nito, paano hindi naman niya talaga tinanong muli ito kung magpapakasal sila, basta magpapakasal sila sa simbahan sa ayaw at sa gusto nito. Kaya naman pinaayos niya na ang mga detalye, ang gown na lamang ni Phin ang kulang para matuloy ang lahat. He has Freine to help her with all those things, isa ito sa mga excited na makakasal sila. Naiiyak naman ito sa tuwa, lumapit tuloy siya dito para pahirin ang luha nito.

"Nakakainis ka, hindi mo man lang ako tinanong."

"I am afraid that you will say no." Tumatawang sabi niya dito, as if he will let her say no to thir wedding.

Humigpit ang hawak ni Phin sa kanyang kamay habang tinatahak nito ang daan patungo sa bahay ng mga magulang nito. Matapos ang mahabang pagtatago sa kanilang anak ay heto sila at magpapakitang muli.

"I'm nervous...si daddy," bakas ang pag aalala sa boses nito, niyakap niya ito at hinimas ang likod, nanlalamig ito. Kinakabahan siya oo, per hindi niya dapat ipakita dito ang kanyang takot sa pagharap sa magulang nito, lalo na sa daddy nito. Sa isa muling pagkakataon ay nabigo niya ang ama ni Phin, biglaan naman kasi ang nangyaring kasal, taliwas sa kanyang plano. Si Owen ang sumira sa kanyang diskarte, kailangan niya lamang iyong ungusan. Dapat lamang dahil kanya naman talaga si Phin.

"After this, we will go straight to my parents house. My mother's too excited to meet her new daughter in law." Imporma niya dito, kahit hindi siya sigurado sa magiging kalalabasan ng kanilang pag uusap ni Phin kaharap ang mga magulang nito. It's better to hope for the best, baka sakali na umayon sa kanya ang lahat.

"Ate!" boses ni Freine ang pumainlanlang pagkababa nila sa kotse, magkahawak sila ng kamay. He reminded Phin to keep holding on him. Paulit ulit niyang pinapaalala dito na magiging maayos din ang lahat. Masiglang niyakap[ ni Freine ang kapatid.

"Congrats ate, mas lalo kang gumanda, inalagaan ka siguro masyado ni kuya." Panunukso ni Freine dahilan para mamula ang kanyang asawa. Natatawa na lamang siyang hinapit pa ito lalo, sa kanya naman bumaling ang magandang kapatid ni Phin.

"Congrats kuya!" niyakap din siya nito, niyaya sila nitong pumasok. Sa pintuan ay nandoon ang mga magulang nito. Nakangiti ang ninang Pyne niya samantalang seryoso at matalim naman ang tingin ng daddy nito. Nararamdaman niya ang kaba ni Phin kaya naman hindi siya nagkukulang sa pag alalay dito.

"Mommy I miss you." Tawag nito sa ina saka yumakap.. ang daddy naman nito ay hindi pa rin kumikilos, ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya. Sinisikap niyang huwag magpa intimidate sa pagkilatis nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Likas na mabait ang daddy Luke ni Phin, pero sa mga ginawa niya sa anak nito, hindi kataka taka na kasuklaman siya nito... idagdag pa na itinakas niya ang panganay nito.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon