IWMSB 39: more than his father

91.1K 2.5K 264
                                    


Goodnight <3

...

IWMSB 39:

"Don't cry." Naramdaman niya ang kamay nito na humahaplos sa kanyang pisngi. Hindi niya na malayan na umiiyak na pala siya. "Hindi naman kita sasaktan." Malamyos ang tinig nito. Phin looked away, hindi daw sasaktan? Such a foreign word from his mouth. Heto nga at nakatali siya.

"Hindi mo ako sasaktan pero nakatali ako?" She mocked at him. She heard him sigh deeply.  Tumayo ito na sinundan niya ng tingin, handa na siyang magmakaawa na pakawalan siya, pero pumunta ito sa kanyang paanan para kalasin ang kanyang pagkakatali sa kanyang kaliwang paa.

"I really knew that this is a bad idea." She heard him whispering. Hindi niya mapigil ang sarili na sumagot doon.

"This is really a bad idea. Kidnapping ito, of all people, ikaw dapat mas may alam sa batas!" Imbes na mainis ay nakangisi ito sa kanya, habang sinusuklian naman niya iyon ng masamang tingin.


"No. Hindi iyon. Ang ibig sabihin ay ang pagkakatali sa'yo...namula tuloy. Di bale, I will kiss the redness away " Pagkasabi noon ay bahagya nitong tinaas ang kanyang maputing paa at dinala sa labi nito para halikan. Nagtama ang kanilang mga mata sa sandaling ginagawa nito ang kahibangan na yun. Hinila niya agad ang paa palayo dito.

"Anong ginagawa mo?! Manyak ka ba? Hindi manyak ka nga!" Singhal niya dito. Ibang iba kasi talaga ito, kanina pa lamang pagpasok nito mula sa veranda ay naramdaman niya ang pagiging iba nito. He look so devious and more arrogant. Parang katulad sa mga erotic novels na hindi niya magawang basahin. "Hindi manyak ka nga talaga!" Paano'y inulit pa nito ang ginawang paghalik ng kalasin nito tali sa kanyang kanang paa.

Matapos ay lumapit ito sa kanya para tanggalin naman ang tali sa kanyang kanang kamay.

"I'll escape from you." She declare, si Owen, naiisip niya si Owen at kung ano ang ginawa nito sa kanyang fiance.

"Kung kaya mong lumangoy ng ilang araw, but babe, ayoko naman pagpyestahan ka ng mga pating, ako na lang." Umigkas ang kaliwang kamay niya para hampasin ito, pero sya pa ang napa aray dahil ang tigas ng braso nito. Ni hindi man ito natinag at natawa lang. Kaya ng ginawa nito sa kaniyang mga paa ay hinalikan din nito ang kanyang kamay. Mabilis siyang tumayo at nagpunta sa sulok ng silid.

"Ron, nababaliw ka na! Iuuwi mo na nga ako!" Hiyaw niya dito, ito naman ay tumayo habang nakapamulsa.

"Babe, ito na ang bahay mo, dito ka na nakatira...well isa lang naman ito sa apat na bahay natin, pero for the meantime dito muna tayo, para sa honeymoon natin!"

"Anong pinagsasabi mo?Honey moon-nin mo mukha mo! Hindi ko nga maalala na kinasal tayo, si Owen ang nagproprose sa akin, kami ang dapat nagpakasal!" Nakasabunot na siya sa kanyang ulo, that's what she remember.

"Noong una oo...but he passed out, I was there...hinila mo ako and then you said..."You my jerk childhood sweetheart slash love of my life!!!Ron Mayabang, marry me!Ayaw no Owen eh?"  Nakanganga lamang siya habang ginagaya ni Ron ang kanyang boses kapag lasing. She never knew that he has that kind of talent.

"Oh no! That can't be true!" She cut him before she could hear anymore lies."

"Totoo ang sinabi ko. You propose to me, I accepted it, kaya kasal na tayo."

"Sinong niloko mo? Pinlano mo ito, paano mo ipapaliwanag itong mga singsing?" Tinatanggal niya ang mga singsing kaya lamang ay hindi niya mahila hila sa kanyang kamay. Lalo lamang iyong nagpapalala sa kanyang inis.

"Yung mga singsing...lagi ko itong mga dala, just in case may isang babae na magpropose sa akin, magamit ko...it turn out na ikaw yun, kaya ganoon."

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon