#UNEDITED
...
IWMSB 4:
Tumigil ang halik ni Ron, gaya ng pag kakaundlot ng kanyang magandang panaginip sa oras na gigisingin na siya ng kanyang yaya para maghanda sa pagpasok sa school. Nabungaran ng kanyang mga mata ang magkasulubong nakilay nita na nakatunghay sa kanya. Matapos ang halik na binigay nito ay nanakunot na naman ito sa kanya.
"Ron," mahinang tawag niya, alam niyang pulang pula na ang kanyang mukha at kitang kita nito ang kanyang pamumula.
"Now that you received a kiss, can you leave now? Or you are expecting something more?" Nanlaki ang kanyang mata sa narinig, kakalbuhin siya ng kanyang daddy kapag nagkataon. Tinulak niya si Ron na napahiga naman sa kanyang gilid.
"Ah, labas na ako...sorry sa abala." mabilis niyang inayos ang kanynag sarili at mabilis na lumabas sa kwarto ni Ron. Pagkasara ng pinto at napasandal siya doon habang nakahawak sa kanyang dibdib.
Napakalakas ng tibok! OMG! She just had her first real kiss. Mukha na siyang sira na nagpapasag sa kilig. Hindi siya maka get over na hinalikan siya ni Ron! Oo nga at siya ang nauna, pero nakaw lang naman yun, sumunod kasi ay si Ron na ang humalik. Hindi nga siya nagkamali napakasarap nga ng labi nito.
"What happen to you ate Phin, mukha kang tanga." Napawi ang kanyang ngiti at umayos ng makita sa kanyang harapan si Rojan na may dalang hamster na nakalagay sa isang puting kulungan.
"Wala naman~" she singsonged , buti talaga at pet lover din sya, hindi siya nagugulat kapag nakikita niya si Rojan na may dalang alaga kapag nagkakasalubong sila.
"Wala ? You look like you rape someone." Komento nito na nagpanganga sa kanya, ganoon ba siya kahalata? May nakasulat ba sa kanyang noo na may ginawa siyang hindi kaaya aya kay Ron?
"Ang bad mo kamo, masama ang rape." Nakalabing sabi niya dito.
"I know, kaya siguro magsasampa ako ng kaso sa ginawa mo sa kuya ko." Ngumisi pa ito ng nakakaloko.
Hilaw naman siyang ngumiti pabalik dito, baka kapag nag-ingay sila ay magalit si Ron sa loob, hindi niya kasi alam kung bumalik ba ito sa pagtulog o ano. Inakbayan niya na lamang si Rojan.
"Gusto mo bilhan na lang kita ng partner ng Ham-ham mo?" tukoy niya sa hamster nito na ng-iisa, mukhang malungkot, parang siya lamang kapag walang Ron sa paligid.
Pinalis naman ni Rojan ang kamay niya na nasa balikat nito.
"No thanks, marami akong pera." Umikot na ito para bumaba, parehas ng ugali ng kapatid niyang si Phytos, walang duda at magkasundoa ng dalawa.
"Where's Phytos? Akala ko pupunta siya dito?" speaking off.
"Hindi ko alam."
"Ano pa nga ba? Mas alam mo pa nga whereabouts ng kuya ko kaysa ng kapatid mo."
"Ang harsh mo naman, mana ka sa kuya mong masungit." Sagot niya pabalik, pero nakasunod pa rin naman siya dito, paano kasi natutuwa siyang tignan ito dahil kahawig talaga ni Ron, mas magkamukha kasi ang dalawa kaysa sa panganay. Kaya kahit hindi siya sa original nakatingin, kahit doon sa kamukha na lamang ay nakukuntento na siya. Inilapag nito ang alaga sa table sa may garden, siya naman ay nakapangalumbaba paharap dito. Pinapakain nito ang alaga.
"It's awkward you know?" sabi nito, tukoy sa kanyang pagkakatulala.
"Kamukha talaga kayo ni Ron."
"Syempre magkapatid kami, tanga lang ate?" sa gigil niya ay kinurot niya ang pisngi nito. Malupit talaga ito magsalita, hindi na siya masanay sanay.
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan