Dedicated kay
merianghela031 "tangina height pala labanan"- napatawa lang ako
A/N: Salamat sa mga comments, binabasa ko naman lahat yan, pero kung comment nyo ay update soon , tapos bitin tapos my peace author sa dulo para kunwari hindi ako mainis, wag nyo na pong hanapin, nabura na po, medyo harsh ako sa mga ganoon eh....kung di nyo feel magpahayag ng kung ano, okey lang po, okey lang kahit silent reader kayo, walang problema, hindi naman po pilitan ang comment box. Okey po ba , mga kapwa stalker? (sama pakinggan ng stalker)
...
IWMSB 13:
Phin didn't see Ron's reaction. Tinted kasi ang kotse nito, basta ang malinaw sa kaniya na galit ito dahil nakaharang sila sa daan, as always. Dumaan sila ni Topher sa drive thru, nag order ito para makain nila along the way. He was sorry dahil hindi na raw siya nakapag breakfast pa . Magaan kausap si Topher, naka-on naman ang stereo habang nagbibiyahe sila, he encourage her to sing different songs, pakiramdam niya tuloy pinagkakatuwaan siya nito.
They stopped sa isang lumang simbahan, sa hitsura nito ay di maipagkakaila na saksi na ito sa kasaysayan. Nakakamangha from Spanish era until now. Her dream wedding is a church wedding, alam ni Ron yun.
"Kuya Topher okey lang ba na sinama mo ako dito?" kanina ay hindi naman siya kinakabahan, ngayon at narating na nila ang lugar ay saka naman siya nakaramdam ng pagkailang at matinding kaba.
Nilingon siya ni Topher , nakakunot noo ito sa kanya.
"I thought we agreed that you will not call me kuya?" nakataas ang kilay nito. Akala niya kagabi lang yun, hindi pala.
"Sorry," nahihiya niyang sagot dito, alanganin na nangingiti. If that will makes him happy then, kaysa naman may isang tao pa na naiinis sa kanya. "Sure ka lang ba na kasama ako dito?" Naikwento ni Topher na kababata nito ang parents ng bata, childhood sweetheart daw ang dalawa, mula highschool hanggang ngayon daw ay yun ang nagkatuluyan. Na excite naman siya na makilala ang mag-asawa. That thought gave her a chance. She and Ron in the future, may forever talaga.
"Never been so sure!" Topher assured her, lumabas na ito at umikot sa kanyang gilid.Huminga muna siya ng malalim bago inabot ang nakaabang na kamay nito. Nasa bukana pa lamang sila ng simbahan ay nakaagaw na sila ng atensyon. Nasa limang pares ang nandoon, kabilang ang mag-asawa. She looks at Topher who's smiling so widely at the people in front. Now she knew why she's here. For friend's sake, she will endure their malicious stare.
"Mr. Businessman!" masayang bati ng mga ito kay Topher, hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito, siya lang yata ang bata. She greeted the cute little baby in her mother's arm, napakagada nito sa puting white dress. Sana pala nakapagdala siya ng regalo, nakakahiya.
"First time ko sa ganito," she's whisper on Topher, tapos na ang ceremony at nasa tahanan na sila ng mag asawang del Pilar para sa reception. Maraming mga bisita at hindi nga siya nagkamali ng malaman na magkarelasyon nga ang bawat pares na nandoon, tatlo ang ninong inlcuding Topher, kasama ang kanilang mga girlfriend, well except her , wala naman sa kanilang something ni Topher. Yung dalawang babae naman na ninang ay kasama ang kanilang mga asawa, yung dalawa din na iyon ang mahilig manukso sa kanila. Hindi naman niya alam ang sasabihin kaya naman ngiti lang ang sinusukli niya sa mga ito. Kahit naman ipinaliwanag niya na wala silang relasyon ni Topher ay hindi maniniwala ang mga ito.
"Kaya pala wala kaming naririnig na seryosong girlfriend itong si Tupe, kaya naman pala." Sinasamahan pa iyon ng tawanan, Jey ang pangalan ng babeng number one na nang-aasar sa kanila. They really think that they are a couple, how can she erase that?
BINABASA MO ANG
I Want My Stalker Back (completed)
General Fiction"I want your kisses, I want your laugh, I want you sweet, Because I crazily want my stalker back." Ron Romualdez cover by : @Cheeseliyan