IWMSB 46: masarap talaga

106K 2.5K 228
                                    

A/N: maghugas ng kamay bago kumain..

MLTR  blue night

...


IWMSB 46:

SILENCE.

Ito ang bumungad kay Phin kinabukasan, yesterday, she cried after Ron's confession. She just can't take it yet, maarte na kung maarte,nalunod siya sa pagbabalintanaw sa tagpo sa minsang tagpo na iyon.

Ang victory party.

Ang maingay na musika.

Ang mga nakahalubilo niyang tao.

Ang epekto ng alak.

Isang lalakeng blonde. That bastard drugged her...and the next thing happened, sinagip siya ni Ron, kagaya ng pinaliwanag nito. In the end, binigay niya ang sarili niya rito nang wala siyang kamalay malay.

Kinagabihan noon ay nagkulong lamang siya sa kanyang silid, hindi siya lumabas para kumain kahit pa nagmakaawa si Ron sa labas ng pinto. She needs space, nakatulugan niya nga ang pagmamaka awa nito. She was so heartless, nonethless...Ron betrayed her.

"Gising ka na iha, kumain ka na," bungad ni lola Josie, nasa living room ito at nagbuburda. Nakaupo ito sa couch kung saan sila masayang naguusap ni Ron kahapon, palihim siyang nagpalinga linga sa paligid. She can't feel him around.

"Wala si Ron, nagpunta siya sa kabilang isla, may mga kailangan lamang siyang gawin." Tango lamang ang sagot niya dito. Hindi man lamang nagpa alam sa kanya. Oo nga pala, nagkulong siya , paano ito makapag papaalam?

Inabala niya lamang ang sarili sa pagkain, bumalik siya sa kwarto para maligo, matapos noon ay nagdesisyon siyang mamasyal sa paligid. Nakakainip wala si Ron, kahit naman galit siya dito, she wants him around. Napasabunot siya sa kanyang sarili, ang arte ng isip niya, heto na siya, heto na sila, pero kung ano ano pa ang kikilos niya.

"Phin , diba dapat masaya ka dahil si Ron ang nauna? Ano ngayon ang inaarte mo?" saway niya sa sarili. " Hindi man lamang niya ako isinama, ano ba kung magsorry siya ulit?" nagpapapadyak na siya, pinagdidiskitahan niya na ang mga bato sa tabing dagat. Sinisipa sipa niya iyon sa sobrang inis, nang mapagod ay nagdesisyon siyang sumilong sa duyan na nakakakabit sa dalawang puno ng niyog. Presko doon, pero hindi pa rin mapapalis ang kanyang sama ng loob at init ng pakiramdam.

"Wala talaga siyang balak isama ako sa lakad niya? Buburuhin niya ba ako dito?" patuloy niyang reklamo. Nakatingin siya sa malawak na dagat, wala siyang matanaw na bangka na parating. Nagdesisyon na lamang siyang mahiga sa duyan habang inaaliw ang sarili sa pagkanta. Nagsisilbing musika rin ang huni ng mga ibon at ang tunog ng kalikasan. Iniisip niya rin ang kanyang pamilya. Ang kanyang mommy , lalo na ang kanyang daddy, ano kaya ang iniisip nito? Una sa lahat ang daddy niya ang kanyang iniisip.

Nakatulog na pala siya doon, napakislot lamang siya nang maramdaman niya na may humahaplos sa kanyang pisngi. Unti unting siyang nagmulat ng kanyang mata, sinalubong siya ng nakangiti nitong mata.

"What happened to your hair?" tanong niya agad, paano kasi ay blonde ang kulay ng buhok nito. Nahihiya naman itong humawak sa buhok.

"Ganito din yung kulay nang buhok ko noon.." lumingon pa ito sa malayo. Siya naman ay napakagat sa kanyang labi. Alam na alam niya ang ibig nitong sabihin, that night. Ang unang gabi nila na wala siyang maalala bukod sa blonde na lalake na kaniig niya.

So that was it. Ito ang dahilan.

"Galit ka pa ba?" umusog siya ng tumabi ito. Hindi siya kumibo, hinayaan niya na lamang itong magsalita. "I was sorry but not really sorry..." mabilis niya tuloy itong nilingon. Not really sorry huh? Ang mga kamay nito ay nilalaro na ang dulo ng kanyang buhok. "kung nagkataon kasi baka napatay ko yung hayop na iyon...walang makakapigil sa akin para wakasan ang buhay niya." Kinilabutan siya sa sinasabi nito, paano ay nakangiti pa ito. Napatitig naman siya sa mukha nito, ngayon na iba ang kulay ng buhok nito...hindi niya mapigilan na maakit sa ibang bihis na Ron na nasa harap niya. He look so hot and delicious. Napahawak siya sa sintido, ano bang delicious ang iniisip niya.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon